Wednesday, August 1, 2012

Chapter 2 - Together Forever

Ely : Nagseselos nga ba ako? No,hindi totoo yun,concern lang ako kay parekoy. Pero may karapatan pa ba ako? Ako na kusang lumayo at pinili si Shirley. Bakit kasi ang tanga-tanga ko,lalo na ung desisyon ko. Siguro nga dapat wag na akong makialam,pero kasi ndi ako mapalagay eh!


Kanina pa hindi magkaintindihan ang binata. Kanina pa rin sya palakad-lakad,paroon at parito. Nang hindi na makatiis ang nakakabata nyang kapatid na si Raz ay sinita na sya nito.


Raz : Kuya,ano ba? Kanina ka pa ah!

Ely : Bakit ba?

Raz : Kanina ka pang lakad ng lakad,ni hindi ako makapag-concentrate panonood ng TV.

Ely : Naglalakad lang pala ako eh,anong connect dun?

Raz : In case na hindi mo napapansin Kuya,sa harap ko ikaw palakad-lakad.

Ely : Ay sorry,hindi ko napansin.

Raz : Alam mo Kuya kong may problema ka sa babae,puntahan mo na lang sya.

Ely : At ano naman alam mo sa ganito?

Raz : Ganyan yung napapanood ko sa TV eh,kaya sige na puntahan mo na si Shirley. (sabay simangot)

Ely : Oh bakit ka naman naka-simangot dyan?

Raz : Kasi Kuya hindi ko talaga maintindihan kung ano nagustuhan mo sa babaeng yun.

Ely : Eh bakit parehas kayo ni Parekoy ng sinabi haha.

Raz : Alam mo Kuya,matutuwa pa sana ako kung si Ate Toyang yung naging girlfriend mo eh.

Ely : Ndi nga pwede kasi may girlfriend na ako at saka parekoy ko yun.

Raz : Mas una naman kayo nagkakilala ah at saka super close nga kayo,kung ndi nga lang alam ng lahat na parekoy kayo,baka mapagkamalan kayo eh.

Ely : Hoy Raz,ikaw ha tumigil ka dyan,kakahiya dun sa tao. Dyan ka na nga,pupuntahan ko na si parekoy.


Pagkatapos nun ay umalis na si Ely at iniwan ang kapatid na naguguluhan.


Raz : (sa isip) Si Ate Toyang ang pupuntahan nya,ibig sabihin sya yung problema nya. Ano kayang meron? Hindi kaya dahil ni Kuya Angelo?


Samantala kanina pang nasa harap ng bahay nina Toyang si Ely,palakad-lakad ulit at pinag-iisipan kung tutuloy bang pumasok o hindi. Natigilan lang sya ng mapansin nyang may parating na sasakyan. Agad syang nagtago sa likod ng halamanan. Sumilip sya at nakita nyang bumaba sa kotse si Angelo at pinagbuksan pa si Toyang. Nainis na naman sya.


Toyang : Thanks for the ride Gelo. (ngiti)

Angelo : No worries,basta ikaw Toni. (ngiti din)

Toyang : Gusto mo bang pumasok at magkape muna?

Angelo : No wag na,gabi na masyado,bukas na lang ulit.

Toyang : Sige,see you tomorrow,ingat pag-uwi. (sabay beso kay Angelo)

Angelo : I will Baby este Toni. (beso din)

Toyang : Ikaw talaga Gwapo este Gelo,ang kulit mo haha!

Angelo : Aminin mo,gusto mo yung kakulitan ko.

Toyang : Tse! No choice kasi ako haha!

Angelo  : (sad face) So pinagta-tyagaan mo lang pala ako?

Toyang : (hawak sa face ni Angelo) Pssst,nag-emote agad,hindi kaya haha,saya nga natin eh. Sya uwi ka na,antok na din kasi ako eh,ingat Gelo Kulit!

Angelo : Goodnight Tiny Toni haha,sweet dreams!

Toyang : Sige na layas na.

Angelo : Pasok ka muna sa loob bago ako umalis para alam kong safe ka habang nasa byahe ako.

Toyang : Sweet!

Angelo : Go na,night. (ngiti)

Toyang : Night.


Pumasok na nga sa loob si Toyang at sinara ang gate. Maya-maya pa narinig nya ng umandar ang kotse ni Angelo.Napangiti na lang sya habang umiiling papasok ng loob ng kanilang tahanan.


Samantala mula sa pinagkukublihan ay lumabas ang kanina pa nagtatagong si Ely. Hindi maipinta ang mukha lalo na ng makita nya ang masayang usapan ng dalawa.


Ely : Toni? Baby? Anak ng pusang gala,sino nagbigay sa kanya ng karapatan tawagin si parekoy ng ganun? Namumuro ka na talaga sa aking lalaki ka,lahat na lang ng akin inagaw mo,tatamaan ka na talaga sakin!


Umuwi na lang sya at nagkulong sa kwarto. Pinag-iisipan ang dapat gawin ng biglang tumunog ang cellphone nya.


*phone convo*


Ely : Hello?

Shirley : Hi Babe!

Ely : Oh hi Shirley,wazz up?

Shirley : Ouch! Shirley lang tawag sa akin.

Ely : Eh ndi ako sanay tumawag ng babe eh.

Shirley : Babe lang para apat na letra ndi pa masanay.

Ely : Sorry na parekoy...

Shirley : Parekoy na naman?! For God sake Ely,hindi ako si Toyang,si Shirley ako at ako ang girlfriend mo!

Ely : ("God") Im sorry Shirley,hindi ko sinasadya...

Shirley : Hindi mo sinasadya? Halos araw-araw lagi mo nababanggit yang salitang yan,nakakapagod na,lagi na lang si Toyang!

Ely : Bakit ba lagi mo na lang sya pinagseselosan?

Shirley : Bakit hindi eh kahit tayo yung magkasama sya pa rin yung laging bukambibig mo,lagi na lang sya magaling,eh kung kayo na lang kaya?

Ely : Why not? At least hindi sya nagger at selosa,sige liligawan ko sya!

Shirley : (natakot) Sorry Babe,nadala lang ako ng selos ko,patawarin mo na ako.

Ely : (buntong-hininga) Lets call it off muna Shirley,napapagod na din ako kaka-intindi sa'yo.

Shirley : No!

Ely : Sorry Shirley pero ayoko na,mag-break na muna tayo.

Shirley : (umiiyak) No Ely,ayoko!

Ely : Saka na lang ulet tayo mag-usap pag nagkita na ulit tayo,goodnight Shirley.


Ilang araw na ang lumipas,patuloy pa rin iniiwasan ni Toyang si Ely kahit parang tanga na itong sunod ng sunod sa kanya. Actually mukha na nga itong stalker kasi kahit saan sya magpunta nakasunod ito. Nang hindi na sya nakatiis kinompronta na nya ito.


Toyang : Mag-usap nga tayo.

Ely : Nag-uusap na tayo.

Toyang : Wag mo nga ako pilosopohin!

Ely : Hindi kaya kita pinipilosopo,nag-uusap na naman tayo talaga di ba?

Toyang (buntong-hininga) Never mind,bakit ka ba laging sunod ng sunod?

Ely : Masama ba?

Toyang : Oo masama kasi nagmumukha ka ng tanga!

Ely : Wala akong pakialam.

Toyang : Bakit mo ba ginagawa to Ely?

Ely : Dahil gusto ko,dahil gusto kong maging parekoy ulit tayo.

Toyang : (tumingin sa ibang direksyon) Malabo ng mangyari yan.

Ely : Bakit naman?

Toyang : Dahil may iba na akong parekoy.

Ely : (nagulat) Sino naman sya?

Toyang : Si...si...si...

Ely : Sino nga!

Toyang : Si Angelo!

Ely : Si Angelo?

Toyang : Oo sya nga.

Ely : Shit! (sabay hila sa kamay ni Toyang)

Toyang : Teka Ely,saan mo ako dadalhin?

Ely : Dun sa lugar kung saan walang Angelo na guglo sa atin!

Toyang : Teka Ely,bitiwan mo nga ako!


Pilit na umaalpas si Toyang sa pagkakahawak ni Ely pero habang ginagawa nya yun mas lalong humihigpit ang hawak nito sa kanya,hinila-hila sya nito hanggang sa kotse. Kung saan sya nito dadalhin,yun ang hindi nya alam. kung may nalalaman man sya ngayon,yun ay yung malaki ang galit nito dahil kitang-kita sa mga mata nito ang matinding galit...at dun sya natatakot.


No comments:

Post a Comment