Tuesday, August 7, 2012

Chapter 7 - Together Forever

Yago : Magandang gabi,magandang binibini.

Toyang : Good evening din Yago.

Yago : Pwede ba akong tumuloy?

Toyang : Oo naman,tuloy ka.

Yago : Salamat.

Toyang : Upo ka.

Yago : Upo tayo. Oo nga pala,eto mga bulaklak magandang binibini.

Toyang : Salamat.


Kanina pa palakad-lakad si Ely sa may garden nila kung saan kita nya ang tahanan nina Toyang. Hindi sya mapakali hanggang hindi nya nalalaman kung bakit nandun si Yago at may dala pang bulaklak. ang pinagtataka pa nya eh bakit pa ito pumapayag magpaligaw eh may boyfriend na naman ito.


Ely : Kakainis! Bakit ba sa tuwing maayos na ang lahat laging may sumusulpot na problema?

Jasmine : (kararating lang) Ano na naman ba problema mo Ely? Nung isang araw ka pa ah.

Ely : Eh kasi naman Ate Jas eh.

Jasmine : Ano nga kasi yun?

Ely : Si Toyang kasi...

Jasmine : Oh ano si Toyang? Nananahimik yung tao sa tahanan nila eh.

Ely : Nananahimik? Tingnan mo nga oh,may boyfriend na sya pero nagpapaligaw pa!

Jasmine : So what? Anong problema mo dun,hindi naman ikaw ang boyfriend nya?

Ely : Kawawa naman si Angelo eh.

Jasmine : Haha,nakakatawa ka Ely!

Ely : Ano naman nakakatawa dun?

Jasmine : Nag-aalala ka kay Angelo eh hindi naman kayo close nun,ayaw mo nga sa kanya di ba? May pa-concern ka pang nalalaman dyan.

Ely : Totoo naman yung sinasabi ko eh.

Jasmine : Bakit kasi hindi mo na lang aminin.

Ely : Ano naman aaminin ko?

Jasmine : Na may gusto ka kay Toyang. (bumulong) Wag kang mag-alala tayo lang makaka-alam.

Ely : Ate naman eh!

Jasmine : Ewan ko sa'yo. Ikaw lang naman talaga yung hinihintay. In-denial ka lang.

Ely : (kunot-noo) Anong ibig mong sabihin Ate?

Jasmine : Ah wala. Magbantay ka na lang dyan at baka maisahan ka pa. Geh una na ako sa loob.


Pumasok na nga sa loob ng bahay nila si Jasmine habang si Ely patuloy na naka-tingin at nag-aabang sa paglabas ni Yago.


Ely : Ano ba yan,bakit ba ang tagal nya umalis?


Isang sulyap pa at nakita ni Ely na bumukas na ang gate ng bahay nina Toyang at iniluwa nun ang dalawa.


Toyang : Thank you sa pagdalaw Yago.

Yago : Walang anuman Toni.

Toyang : Thank you din sa flowers.

Yago : Wala yun. Dapat lang talagang bigyan ng bulaklak ang magandang binibining katulad mo.

Toyang : (kinikilig) Sige papasok na ako sa loob. Ingat ka pag-uwi.

Yago : I will. Para sa'yo.

Toyang : Sige. bye! (akmang papasok na)

Yago : Ah Toni...

Toyang : (bumalik) Bakit?

Yago : Ah... Pwede ba akong bumalik?

Toyang : Oo naman,ikaw pa eh ang lakas mo sa akin!

Yago : (ngumiti) Salamat! Sige alis na ako. (sabay beso sa dalaga)

Toyang : (nagulat) Sige.


At umalis na nga si Yago ng may ngiti sa labi,kumaway pa ito sa dalaga bago tuluyang nawala sa paningin ng dalaga. Samatala ang naiwanang si Toyang eh napahawak sa pisngi na hinalikan ni Yago.


Toyang : God,hinalikan nya ako. (nagtatalon habang kinikilig)


Dahil nakatalikod hindi nya napansin ang paglapit ni Ely sa kanya.


Ely : Ang landi mo.

Toyang : (lumingon) Anong sinabi mo? (galit)

Ely : Sabi ko ang landi mo.

Toyang : At paano naman ako naging malandi?

Ely : Nagtatanong ka pa!

Toyang : Alangan hindi magtanong eh ndi ko nga alam ang dahilan at tinawag mo ako ng ganyan!

Ely : Bakit ka nagpapaligaw?

Toyang : Anong masama?

Ely : Hoy may boyfriend ka na kaya!

Toyang : At sinong may-sabi sa'yo?

Ely : Eh di ba boyfriend mo si Angelo?

Toyang : Akala mo lang yun!

Ely : Anong ibig mong sabihin? (lumapit)

Toyang : (biglang natauhan) Ang sabi ko...matutulog na ako. Sige parekoy goodnight!

Ely : Hoy magpaliwanag ka! Anong ibig mong sabihin sa huli mong sinabi!


Ngunit hindi na sya pinansin ni Toyang at nagtatakbo na ito sa loob. Naiwan syang naguguluhan.


*phone convo*


Angelo : Ano!

Toyang : Nadulas ako eh!

Angelo : Paano na yan?

Toyang : Kaya nga tulungan mo ako eh.

Angelo : Paano kita tutulungan kung nasabi mo na sa kanya yan?


Ang kaka-akyat lang sa bahay na si Ely ay biglang napahinto sa tapat ng kwarto ni Angelo ng marinig nyang may kausap ito. Dahil curious pinakinggan nya ang usapan nito at ng kausap nito sa phone.


Angelo : Naman Tiny Toni eh!

Toyang : Eh hindi ko naman sinasadya eh,kinikilig kasi ako kanina. Hindi ko tuloy napansin nasa likod ko pala sya.

Angelo : Diyos ko naman Tiny Toni! Bakit ba naman kasi hindi ka nag-iingat. Paano na tayo nyan?


Sa narinig ay lalong na-curious ang binatang makinig lalo na at nalaman nya na si Toyang ang kausap nito.


Angelo : Paano kung maisip nya yun,lagot tayo!

Toyang : Kaya nga tulungan mo ako eh!

Angelo : Ah! Ikaw kasi,hindi mo pinigilan yang bibig,paano natin malulusutan yan?

Toyang : Hindi ko nga alam eh.

Angelo : Ay naku Tiny Toni,lagot tayong dalawa pag nalaman nyang hindi tayo totoong mag-boyfriend!


Ang kanina pa nakikinig na si Ely eh nakuyom ang mga kamay. Pilit na pinipigilan ang galit na umalis at pumasok sa loob ng kanyang kwarto.


Ely : Shit! Pinagmukha nila akong tanga!


Hindi alam ng binata kung iiyak sya o ano. Sa galit ay nasuntok nya ang pader. Dahil sa kalabog na narinig ay dali-daling nagpunta sa kanyang kwarto si Jasmine.


Jasmine : Ely,anong nangyari?

Ely : Wala! Umalis ka gusto kong mapag-isa!

Jasmine : Ely kapatid mo ako,pwede mo sabihin sa akin ang problema mo.

Ely : Walang makakatulong sa akin kundi ako lang kaya please Ate lumabas ka na lang.

Jasmine : Ely...

Ely : Please Ate,kahit ngayon lang,gusto kong mapag-isa.

Jasmine : Sige iiwan kita pero kapag kailangan mo ng kausap andito lang ako.

Ely : Alam ko Ate.

Jasmine : sige aalis na ako at yang kamao mo,gamutin mo na at namumula na.

Ely : Okay.


Lumabas na si Jasmine at naiwan si Ely na nangangalit ang mga mata.


Ely : Pinagmukha nyo akong tanga. Hindi ko papayagan yun. Gaganti ako,lalo na sa'yo PK!

No comments:

Post a Comment