Thursday, August 9, 2012

Kwintas (finale)

Ilang araw na lang at ikakasal na sila. Eto kasing si elmo masyadong pinagmamadali ang lahat.


Elmo : Mom,kailan po ba matatapos yung mga kailangan sa kasal namin?

Pia : Son,matuto ka naman maghintay. alam mo naman na matagal na proseso ang pag-aayos ng wedding eh.

Elmo : Kasi naman Mom,bakit kasi hindi na lang ikasal na lang kami,wag na kasi mag-imbita. Pwede naman na tayo lang ng pamilya nina Julie eh!

Pia : Hoy Elmo,tigilan mo nga pagiging childish mo,alam mong hindi pwede yan.

Elmo : Kasi naman Mom baka bigla pang magbago ang isip ni Julie eh.

Pia : So yan pala ang main reason kaya ka nagmamadali?

Elmo : Kasi naman Mom yung mga lalaki sa paligid alam ng ikakasal na sya nagpapalipad hangin pa rin.

Pia : Eh ano naman? Bakit,si Julie ba nagpapaligaw pa?

Elmo : Hindi nga po kaya lang kasi...

Pia : So wala kang tiwala sa kanya?

Elmo : No Mom! Sa kanya may tiwala ako pero dun sa mga lalaking nasa paligid nya wala.

Pia : Hay naku Elmo,wag kang praning.

Elmo : Hindi nyo ako masisisi Mom,mahal ko sya eh.

Pia : Ewan ko sa'yo.


Sa bahay ng mga San Jose.


Marivic : Desidido ka na ba sa desisyon mong yan?

Julie : Yes Mama. Alam nyo pong matagal kong hinintay ang pagkakataong ito.

Marivic : Pero masasaktan sya anak.

Julie : Sinaktan din naman po nya ako eh. Para naman fair kami.

Marivic : Akala ko ba mahal mo sya?

Julie : Hindi sapat ang salitang mahal lang Mama.

Jonathan : Pero mali ang gagawin mo anak!

Julie : Walang mali dito Papa. Natatakot ako kasi baka masaktan lang ulit ako,baka kasi nabubulagan lang sya.

Jonathan : Anak,wag mong ituloy ang plano mo. Pareho lang kayong masasaktan eh.

Julie : Buo na po ang desisyon ko Papa. Hindi ako dadating sa kasal namin.


Pagkasabi noon ay umakyat sa kwarto nya si Julie at iniwan ang mga magulang nya sa sala nila. Wala syang kaalam-alam na narinig ni Elmo ang lahat dahil pumunta ito sa kanila at eksaktong papasok na sana ng marinig ang pinag-uusapan nila. Umuwing malungkot ang binata. Nakita sya ng ina at tinanong sya kung saan galing pero hindi nya ito sinagot at nagtuloy lang sya pag-akyat sa kwarto nya.


Elmo : Maghihintay pa rin ako sa simbahan Julie. Alam kong dadating ka. alam kong hindi mo ako ipapahiya dahil mahal mo ako. Maghihintay ako sa'yo.


Dumating ang araw ng kasal nina Julie at Elmo.


Elmo : Wala pa ba sila?

Pia : Wag kang atat anak. Mahaba pa ang oras oh.

Elmo : Kung alam mo lang Mom. (bulong)

Pia : Ano yun anak?

Elmo : Wala Mom.


"Andyan na ang sasakyan ng bride!"


Bumukas ang kotse at lumabas ang mga magulang ni Julie. Dire-diretso itong lumapit sa binata at may binigay na sulat. Tinanggap yun ng binata at binasa.


Pia : Mare,anong nagyayari? Asan si Julie?

Marivic : Im sorry Mare,sa totoo lang hindi ko gusto ang gustong ito ni Julie eh.

Pia : Ano ba talaga to Mare?

Marivic : Si Julie kasi hindi dadating.

Pia : Ha?

Elmo : Alam ko pong hindi sya dadating kaya kahit hindi nyo po binigay ang sulat na ito alam ko na po rin ang mangyayari.

Marivic : (gulat na gulat) Alam mo? Pero bakit nagpunta ka pa rin dito?

Elmo : Dahil naniniwala akong darating sya. Dahil mahal nya ako. At dahil naniniwala sya sa akin.

Pia : (napapaluha) Diyos ko naman,bakit nagkaganun ang desisyon nya Mare?

Marivic : (naluluha na din) Hindi ko alam Mare,ang alam ko lang mahal nya rin si Elmo,natatakot lang sya na masaktan ulit.

Elmo : mahal na mahal ko po sya Mom,Tita. Yun po ang totoo. Alam kong alam nya yan. Masyado ko lang minadali ang lahat sa takot kong mwala sya sa akin. Pero sa ginawa ko,lalo nga syang nawala.

Julie : (biglang dumating) Sino bang may-sabing mawawala ako sa'yo?

Elmo : (gulat na gulat) Babe!

Julie : (hinawakan sa pisngi ang nobyo) Im sorry Babe kung pinaghintay kita. Akala ko ka----

Elmo : (inilagay ang isang daliri sa tapat ng labi ng dalaga) Pssst,wag ka na magpaliwang,ang mahalaga andito ka na at tuloy ang kasal natin.

Julie : Oo nga pala. Tuloy na natin to!

Elmo : Tama! Baka magbago pa ulit isip mo eh.

Julie : (ngumiti) Hindi na po no.


At natuloy nga ang kasal. Inayos na ang pila ng mga kasali sa entourage. Habag naghihintay lumapit sa kanya ang magiging asawa,hindi mapigilan humanga dito ni Elmo. Napakaganda ng asawa nya. Hindi nya pagsisisihan kahit kailan na ito ang babaeng minahal nya. Nang makalapit sa kanila ang mga ito ay nagmano si elmo sa magulang ni julie at ganun din naman ang ginawa ni Julie kay Pia. Pagkatapos ay hawak-kamay silang pumunta sa may altar kung saan naghihintay sa kanila ang pari.


Pari : Elmo Moses Arroyo Magalona, do you accept Julie Anne San Jose as your lawfully wife in sickness and in health,in richer or poorer till death do you part?

Elmo : (harap kay Julie) I do. With all my heart I take you to be my wife. I will love you through the good and the bad, through the joy and the sorrow. I will try to be understanding, and to trust in you completely. I will make you a part of me and in turn, become a part of you. Together we will face all of life's experiences and share one another's dreams and goals. We will be equal partners in an open, honest relationship throughout the years.

Pari : Julie Anne San Jose, do you accept Elmo Moses Arroyo Magalona as your lawfully husband in sickness and in health,in richer or poorer till death do you part?

Julie : (harap kay Elmo) I do. With all my heart I take you to be my husband. I will love you through the good and the bad, through the joy and the sorrow. I will try to be understanding, and to trust in you completely. I will make you a part of me and in turn, become a part of you. Together we will face all of life's experiences and share one another's dreams and goals. We will be equal partners in an open, honest relationship throughout the years


Pari : With the power that God vested me, I now pronounce you husband and wife. Elmo you may now kiss the bride.


Elmo : (sa wakas) Kiss na daw. (ngiti)


Julie : (ngiti din)


Itinaas ni Elmo ang belo bago nginitian ang asawa bago marahan nya itong hinalikan sa labi. Nagpalakpakan ang mga tao ng makita yun. Maluha-luha naman ang magulang nila dahil sa wakas naikasal na din ang mga ito. Pagkatapos ng kasal ay dumiretso na sila sa reception. Ang lahat ay masaya kabilang ang dalawa.



Elmo : Bakit ka dumating?


Julie : Bakit? Ayaw mo ba?


Elmo : Hindi naman. Gusto ko lang malaman kung paano nagbago desisyon mo.


Julie : Mahal kasi kita.


Elmo : Yun lang ang dahilan kaya ka dumating?


Julie : (humarap sa asawa ng nakangiti) Mahal kasi kita kaya ayokong mapahiya ka. Mahal kita at hindi ako mabubuhay ng wala ka. Mahal kita kaya kahit natatakot ako sumugal pa rin ako. At mahal kita kaya naniniwala ako sa'yo. Mahal kita mula noon hanggang ngayon. Mahal kita,walang katapusan.


Elmo : (ginagap ang mga kamay ng asawa at hinalikan habang napapaluha) God knows kung gaano kita kamahal Julie. Sa sobrang pagmamahal ko sa'yo nakahanda akong mapahiya kahit alam kong hindi ka darating. Ang pagmamahal ko sa'yo katulad ng circle,hindi makikita ang katapusan. Katulad ng dagat na hindi makita ang hangganan at higit sa lahat,mahal kita dahil mahal kita.



Nagyakap ang dalawa habang parehong lumuluha. Habang ang mga nasa okasyon ay nagtataka lahat pero inisip na lang nila na tear of joy yun. Kung may nakakaalam man kung bakit sila umiiyak,yun ay ang mga magulang lang nila na parehong naluluha na din sa nakikitang pagyayakapan ng dalawa.

No comments:

Post a Comment