Sunday, December 2, 2012

"Ang Rap Ni Elmo"

Alden, pakinggan mo sasabihin ko
Wag ka ng umasa na mapapansin ka ng Julie Anne ko
Yung pagbulong mo panis yan sa rap ko
Lalo na sa tula ko, dun sya ay napasagot ko.



Matuto kang dumistansya iba na lang gustuhin mo
Dahil wala akong balak i-share sya sa iyo
Ang akin ay akin lamang, forever na yan
Kaya tigilan mo na iyong kayabangan.



Alam mo si Julie Anne ay akin lamang
Mula noon hanggang ngayon sya ay pag-aari ko lang
Kaya naman ikaw Alden wag masyadong pa-epal
Baka sa inis ko sa iyo lumipad ka at bumagsak sa imburnal.



Langyang buhay ito, karibal ko hindi na naubos
Kaya naman pagbakod pag-iigihan ko na ng lubos
Walang sino man pwedeng lumapit kay Julie Anne na mahal na mahal ko
Kundi ako lang, ang kanyang nag-iisang SuperElmo.



Bwisit naman, may lumipat pang Lauren Young
Karibal ko nga ndi na naubos, may dumagdag pang aswang
Pakiusap ko lang, wag kang kang didikit sa aming tambalan
Dahil God made each other, Together Forever na yan.



Naisip ko lamang Alden and Lauren
Bakit hindi na lang kayo gumawa ng sarili nyong tambalan
Tatawagin kayong RenDen ng inyong mga fan
Meaning nakakarindi ang inyong kaepalan.



Julie, Julie, pakiusap wag mong pansinin ang dalawang yan
Pagtuunan mo na lang ng pansin akong iyong nag-iisang Superman
Ating tambalan gawin ng totoo
Nang habangbuhay maging masaya na si Elmo
Dahil kay Julie Anne, sya na ngayon ay buo at kuntento.

Thursday, November 22, 2012

"Sikreto MOE"

Boring.


Mula sa pagkakaupo ay tumayo ka.


Nagmasid-masid ka.


May hinahanap na particular na tao ang iyong mga mata.


Ayon sya nakita mo, kausap ng mga kaibigan nya.


Ang saya-saya nya kaya napangiti ka.


Bigla tuloy nawala ang pagka-boring mo.


Isang ngiti pa lang nya, napuno ka na naman ng enerhiya.


Habang minamasdam mo sya, nagmumuni-muni ka.


Dalawang taon at mahigit na pala ang nakakaraan mula ng magtapo ang inyong landas.


Unang pagkikita at pagtatama pa lang ng inyong mga mata, alam mo na.


Alam mo ng magkakaroon sya ng malaking bahagi sa buhay mo.


Ang tagal na pero hanggang ngayon wala pa rin nangyayari.


Hanggang ngayon magkaibigan pa rin kayo.


Magka-partner.


Hindi mo man lang masabi sa kanya ang lahat ng gusto mo, ang nararamdaman mo.


Hindi pa pwede.


Hindi dahil ayaw ng mga magulang nya.


Hindi rin dahil may nagmamay-ari na sa kanya.


Lalong hindi dahil maga bata pa kayo.


Nasa tamang edad na kaya kayo.


Wala naman pumipigil.


Dalaga siya, binata ka.


Pareho kayong single.


Pero hindi pa pwede kasi hindi pa sya handa.


Mas priyoridad nya ang pag-aaral nya.


Dahil dun mas lalo mo syang hinangaan.


At habang hinihintay mo sya, eto ka, nagtitiis makipag-date sa iba.


Sa iba kasi yun ang gusto ng mga kapatid mo.


Ang laging samahan ang kapatid ng kaibigan nila.


Okay naman, masaya din sya kasama.


Kahit hindi naman sya maganda, pinagtiisan mo na.


Pero may problema.


Hindi sya yung totoong babae na gusto mo makasama.


Ang babaeng magpapasaya sa'yo.


Ang babaeng nagpapangiti sa'yo.


Ang babaeng gusto mo makasama hindi lang tuwing linggo kundi araw-araw.


Pero ngayon tiis-tiis ka muna sa babaeng Linta.


Hanggang sa maging pwede at ready na ang nag-iisang Dyosa.


Ang babaeng may magandang ngiti.


Ang babaeng may magandang mata.


Ang babaeng may mapupulang labi at tila nais mo laging halikan.


Ang babaeng may malambot na kamay na gusto mo laging hawakan.


Ang babaeng simple pero astig pumorma.


Ang babaeng magaling sumayaw.


Ang babaeng may magandang boses.


Ang babaeng gusto mong makasama para makumpleto ka.


Ang babaeng hindi man perpekto pero kailangan mo para ikaw ay maging perpekto.


Siya yun.


Ang babaeng gusto mo.


Ang partner mo.


Ang pangarap mo.


Ang ambisyon mo.


Ang crush mo...dati.


At ngayon ay...






MAHAL MOE na.









At yan ang malaking SIKRETO MOE.















Saturday, October 6, 2012

Pag-ibig Na Nagsimula sa Pagkabata (One Shot)

Maia : Tara sa may court,manood tayo ng basketball.


Laine : Ayoko nga.


Maia : Hello,may laban ngayon ang team ng crush mo tapos hindi ka manonood?


Laine : Weh,hindi nga? Hindi naman sya naglalaro eh.


Maia : Naglalaro na po sya since last year. Palibhasa kasi hindi ka nanonood ng basketball kaya hindi mo alam yun.


Laine : Totoo ba yan Ate?


Maia : Oo nga sabi kaya tara na!


Laine : Aba eh ano pa hinihintay natin dito? Tara na!



Wala naman talaga plano manood ang dalaga ng basketball kaya lang ng malaman nya na sumali na sa isang team ang crush nya na si Jaiden eh sumama na din sya sa kapatid nya. Pagdating nila sa court puno na ng mga tao. Naiinis ang dalagita kasi naman wala silang maupuan.



"Maia, Laine dito kayo!"



Paglingon ni Laine,nakita nya kung sino ang tumawag sa Ate nya. Si Jamae,ang kapatid ni Jaiden. Malapit sya dito kasi classmate ito at kaibigan ng Ate nya.



Maia : Laine dun daw tayo maupo sa may players bench sabi ng Ate Jamae mo.


Laine : Hiya ako Ate eh.


Maia : Hsst kunwari ka pa. Gusto mo lang ata magpasundo kay Jaiden eh.


Laine : Hindi ah!


Maia : Then lets go there.


Laine : Okay.



At naglakad na nga ang dalawa papunta sa may players bench. Nauuna na ang kapatid nya kasi mabilis itong maglakad habang sya nahuhuli kasi nahihiya pa. Sa hindi sinasadyang pagkakataon dahil hindi nakatingin ay natamaan sya ng bola. Agad na nag-init ang ulo ng dalagita kaya pag-angat ng ulo nya ay isang masamang tingin ang isinalubong nya sa taong nakatama sa kanya ng bola.



Axel : Uhmn Maire,pasensya na. Hindi ko sinasadya.


Laine : Hindi mo sinasadya? Eh taena ka pala eh. Kita mo ng may tao na naglalakad,dapat pinigilan mo yung bola!


Axel : Maire nagso-sorry na naman ako ah. Wag ka ng magalit dyan.


Laine : Paanong hindi ako magagalit sa'yo eh sa araw-araw na ginawa ng Diyos binubuwisit mo ako. At pwede ba wag na wag mo nga ako matawag na Maire kasi Laine ang pangalan ko!


Axel : Hindi naman kita binibwisit ah. Para binabati lang. At saka pangalan mo din naman ung Maire ah. Di ba Maire Laine Altamonte buong pangalan mo?


Laine : Kahit na,wala ka pa rin karapatan tawagin ako sa ganun pangalan dahil walang tumatawag sa akin ng ganon Axel Red Valderama!


Axel : Aba ayaw mo nun ako lang tumatawag sa'yo ng Maire? Buti nga ndi nightmare tawag ko sa'yo eh. Bawi ka na lang,tawagin mo na lang akong Red tutal Axel ang tawag sa akin ng lahat.


Laine : Ah kakabwisit ka! Ang tanda-tanda mo nang gurang ka pumapatol ka pa sa bata!


Axel : Hey hindi pa ako matanda,18 pa lang ako. Saka ndi naman ako napatol sa bata,bakit niligawan ba kita? Hindi naman di ba kasi 12 ka lang.


Laine : Ah ewan ko sa'yo! Makipag-usap ka sa bato!



Pagkasabi nun ay iniwan na nya ang binata at hindi maipinta ang mukha na pumunta at naupo sa tabi ng Ate nya.



Maia : Oh nakipag-away ka na naman sa kanya? Bakit ba hindi kayo magkasundo?


Laine : Sya naman may kasalanan eh. Lagi nya ako inaaway. Wala syang manners. Ang tanda-tanda na nya eh.


Maia : Kahit na. Dapat iginalang mo sya tutal mas matanda naman sya sa'yo.


Laine : Igagalang ko sya kung igagalang nya din ako.


Maia : Haist bahala ka nga dyan. Hirap mong paliwanagan.



Iningusan lang ni Laine ang kapatid at nagconcentrate syang manood ng game nina Jaiden. Maya-maya lang nagtime-out ang mga ito kaya lumapit ito sa bench nila syempre.



Jaiden : Hi Baby Laine!


Laine : (kinikilig) Hello Jaiden. Hindi na ako baby no.


Jaiden : (tumabi ng upo sa dalagita) Para sa amin baby ka pa rin.


Laine : Hindi na nga sabi eh.


Jaiden : (ginulo ang hair ni Laine) Eh ano yung nakita ko kanina? So childish.


Laine : Sya naman nauna at saka ndi na talaga ako bata. May crush na nga ako eh.


Jaiden : Ha? Anong sabi mo? May crush ka na? At sino naman yun at sasapakin ko!


Laine : Uy selos sya!


Jaiden : Selos ka dyan. Hindi no,ayaw ko lang magka-crush ka na agad kasi bata ka pa.


Laine : Crush lang naman hindi boyfriend.


Jaiden : Kahit na no. Basta bawal ka pa magkaroon ng crush.


Laine : Sinabi mo eh.


Jaiden : Good girl. Sya sige tawag na kami doon.


Laine : Sige. Galingan mo ha?


Jaiden : Yup. Para sa'yo.



Napangiti ang dalagita sa sagot ni Jaiden. Oo crush nya ito,matagal na. Kung gaano na nya ito katagal crush,ganun din katagal na nya kinaiinisan si Axel. Magkasing-edad ang dalawa pero magkaiba naman sa ugali. Sobrang opposite. Ginawa na kasing habit ni Axel ang inisin sya kaya yun ang kinalabasan aso at pusa ang drama nila. Nung una naman ang bait nito sa kanya. Nagbago lang ito nung maging close sila ni Jaiden.



Maia : Baka matunaw si Jaiden.


Laine : Ate naman eh.


Jamae : Hanggang ngayon ba naman Laine si Kuya Jaiden pa rin ang crush mo?


Laine : Wala naman akong ibang naging crush kundi sya lang eh.


Jamae : Alam mo Laine gusto sana kita para sa Kuya ko kaya lang mukhang malabo maging kayo eh.


Laine : Bakit naman Ate?


Jamae : Kasi Laine ang totoo,may girlfriend na sya.


Laine : Totoo ba yang sinasabi mo Ate?


Jamae : Yes.



Walang sabi-sabing biglang tumayo si Laine sa pagkakaupo at mabilis na naglakad. Wala syang pakialam sa paligid. Iniwan nya ang court at umuwi mag-isa. Kahit pa mag-isa sya naglalakad sa daan wala syang pakialam!



"Ang bilis mo naman maglakad."



Muntik ng mapasigaw dahil sa gulat si Laine ng biglang may magsalita sa tabi nya. Lalo syang nagulat ng makilala kung sino ito.



Laine : Paanong? Bakit kita kasabay? Hindi pa naman tapos ang game nyo ah at saka hindi dito ang daan papunta sa inyo.


Axel : Alam ko.


Laine : Then bakit mo ako sinasabayan?


Axel : Hindi kita sinasabayan. Ihahatid kita.


Laine : Ihahatid mo ako? Bakit? Kaya ko naman mag-isa!


Axel : Kaya mo nga siguro pero hindi ko kayang isipin na uuwi kang mag-isa.


Laine : Bakit?


Axel : Dahil nag-aalala ako? Dahil friends ang family natin?


Laine : Ano bang dahilan naman yun.


Axel : Kahit naman sabihin ko sa'yo hindi mo pa rin maiintindihan. Bata ka pa kasi. Basta ihahatid kita. Tara na.



At sabay na nga naglakad ang dalawa. Tahimik lang sila hanggang makarating sa bahay ng dalagita.



Laine : Wag ka ng maghintay ng pasalamat ko kasi hindi ko sasabihin yun.


Axel : I know. Hinatid lang naman kita para alam kong safe ka nakauwi. Yun lang.


Laine : Sige na. Balik ka na sa court. Galingan mo na lang at ipanalo mo ang Team nyo . . . Red.


Axel : (gulat) Tinawag mo akong Red?


Laine : Gusto ko lang. Para maiba katulad ng tawag mo sa akin.


Axel : Haist Maire. Pumasok ka na nga sa loob ng bahay nyo at baka may magawa pa ako sa'yo.


Laine : Sige. Ingat ka.



Pagkasabi nun ay pumasok na ang dalagita sa loob. Ni hindi man lang lumingon ng isarado ang pinto. Umalis na lang ang binata at patakbong bumalik sa court. Somehow happy pa rin sya kasi pumayag magpahatid ang dalagita.



Mama : MaLaine anak,ingat ka sa Manila ha? Mami-miss kita anak.


Laine : Aaaw Mama,will miss that name you called on me. Will miss you so much. Mabilis lang naman po ang apat na taon.


Mama : Wag ka muna mag-boyfriend ha?


Laine : Syempre naman Mama. Bata pa ako at hinid pa ako pwedeng mag-boyfriend hanggang wala pa akong 18.


Mama : Nga pala dahil wala kami dun pinabantayan ka namin para alam namin safe ka.


Laine : Po? Kanino?



"Sa akin."



Napalingon ang dalagita sa bumukas na pinto at nakita nya dun si Axel.



Laine : Ba-bantayan mo ako?


Axel : Oo bakit? May angal ka ba? (seryoso)


Laine : Wa-wala.


Mama : Oh sya dahil okay na pala ang lahat ay umalis na kayo para hindi kayo gabihin sa byahe.


Laine : Teka Mama,wag mong sabihin dun din sya mag-aaral?


Axel : Yup. Sa UST na din ako mag-aaral simula ngayong sem.


Laine : O-okay.


Mama : Sige na. Lumakad na kayo. Ikaw na bahala sa kanya Axel ha?


Laine : Opo Tita.



Matuling lumipas ang mga taon. Naging maayos ang pakikitungo nina Laine at Axel sa isa't-isa. College na rin ngayon ang dalaga at nagtatrabaho naman na ang binata.



Axel : Ready?


Laine : Yes.


Axel : Happy 18th birthday Maire.


Laine : Thank you Red. Ikaw ang unang bumati sa akin. Alam mo ba yun?


Axel : Alam ko. Tayo lang naman lagi magkasama eh. Buti nga hindi ka nagsasawa sa akin eh.


Laine : Paano naman ako magsasawa sa iyo eh pag andito lang naman tayo sa bahay madalas magkita?


Axel : Oo nga pala.


Laine : Tara na?


Axel : Saan?


Laine : Uuwi ng Batangas. Di ba debut ko ngayon at may celebration?


Axel : Oo nga pala. Sorry nakalimutan ko. Akala ko kasi niyayaya mo akong magtanan eh.


Laine : Feeling ka!


Axel : Ha! Ha! Ha!



Gabi na ng dumating ang dalawa sa bahay ng dalaga. Nagpahinga lang sya saglit at pagkatapos ay inayusan na sya. And as expected si Axel ang escort nya.



Axel : Ang ganda mo Maire.


Laine : Bola.


Axel : Hindi kita binobola no.


Laine : Tama na nga. Baka maniwala pa ako.


Axel : Kahit kailan talaga wala kang tiwala sa sarili mo.


Laine : Hindi naman no. Ayoko lang ipagyabang ang ganda ko.



Tawa ng tawa ang binata sa sagot ng dalaga. Habang iniikot nila ang lahat ng lamesa para tingnan at kilalanin ang mga bisita ay kung ano-ano naririnig nila. Andyan yung ang ganda at ang gwapo nila. Na bagay sila. Na kung sila na ba daw. Kung kailan ba ang kasal nila. Nginitian lang nila mga sabi ng mga ito.



Laine : Pagod na ako. Sakit na ng paa ko kakaikot.


Axel : Halika muna. Maupo ka muna.


Laine : Nauuhaw ako.


Axel : Saglit lang ikukuha kita ng maiinom. Wag kang tatayo dyan.


Laine : Opo.



Habang naghihintay ang dalaga sa binata ay may lumapit sa kanya.



"Hello Laine. Kamusta ka na?"



Nagulat ang dalaga at paglingon nya ang nakita nya ay si



"Jaiden?"



Jaiden : Ako nga. Kamusta ka na Laine?


Laine : Okay naman. Ikaw?


Jaiden : Okay naman din. Happy Birthday Laine.


Laine : Thank you Jaiden.


Jaiden : Kamusta kayo ni Axel?


Laine : Okay naman. Bakit mo naitanong?


Jaiden : Wala lang. Dati kasi lagi kang galit sa kanya.


Laine : Bata pa kasi ako nun.


Jaiden : Oo nga. Ngayon dalaga ka na at legal na. Pwede ka ng maligawan.


Laine : Sobra ka naman.


Jaiden : Kung manliligaw ba ako,may pag-asa ba ako?



Hindi nakasagot ang dalaga. Buti na lang dumating si Axel na may dalang inumin kaya nakaligtas sya sa tanong ni Jaiden.



Axel : Pare kamusta na?


Jaiden : Okay naman pare,pogi pa din. Ikaw kamusta?


Axel : Eto okay din. Nagwo-work na.


Jaiden : Ha talaga? Saan?


Axel : Sa Manila. Magkasama kami sa isang bahay ni Maire.


Jaiden : Isang bahay?


Axel : Oo. Pero may mga kasama pa naman kami. Si Tita lang pinapabantayan sya sa akin hanggang sa makatapos sya ng pag-aaral.


Jaiden : Ah I see. So pwede pala tayo magkita sa Manila?


Laine : Why?


Jaiden : Dun din kasi ako nag-work.


Laine : Ah okay.


Jaiden : Nice to see you again Laine. Na-miss kita.



Niyakap ni Jaiden ang dalaga at yun din ang ginawa ng dalaga dito. Dahil hindi nakatingin,hindi tuloy nya nakita ang pagtiim ng bagang ni Axel.



Laine : I miss you too. Glad to see you to. Kita na lang tayo sa Manila.


Jaiden : Sige. Una na ako sa inyo. Sa susunod na pagkikita.



Mula ng mangyari ang pagkikitang yun ay nag-iba pakikitungo ni Axel sa dalaga. Madalas mainit ang ulo nito.



Laine : Bakit ba mainit na naman ang ulo mo? Chill lang,maaga ka tatanda nyan eh.


Axel : Wala kang pakialam!


Laine : Ano bang problema mo?


Axel : Wala!


Laine : Wala pero laging mainit ang ulo mo? Bakit ba hindi mo masabi sa akin? Baka may maitulong ako.


Axel : Wala kang maiitulong.


Laine : Bakit nga?


Axel : Dahil ikaw ang problema ko!


Laine : Ako?


Axel : Oo ikaw!


Laine : Bakit ako?


Axel : Dahil nagseselos ako! Oo nagseselos ako kay Jaiden!


Laine : Bakit ka naman nagseselos sa kanya?


Axel : Ang manhid mo talaga! Nagseselos ako kasi dahi ma-



Napahinto ang binata pagsasalita.



Laine : Ma?


Axel : Dahil mahalaga ka sa akin. At unti-unti mo na ako ndi napapansin mula ng bumalik si Jaiden.


Laine : Im sorry. Babawi ako promise.


Axel : Sabi mo yan ah.


Laine : Yup.


Axel : Agahan mo uwi bukas. Pagkatapos ng klase mo ng 4PM uwi ka na okay. Labas tayo.


Laine : Yes Boss!



Kinabukasan pagkatapos ng klase ay nagmamadaling bumaba ng kanilang building ang dalaga. Excited syang makauwi na para sa "date" nila ni Axel. Paglabas nya ay nagulat sya ng makita nya si Jaiden.



Laine : Anong ginagawa mo dito?


Jaiden : Sinusundo ka.


Laine : Why?


Jaiden : Wala ka bang naaalala?


Laine : Ano ba yun?


Jaiden : (nagtatampo) Birthday ko lang naman ngayon.


Laine : Aaaaw sorry,I forgot.


Jaiden : Pwede ka naman bumawi eh.


Laine : How?


Jaiden : Have a date with me tonight.


Laine : But-


Jaiden : Please? Promise iuuwi din kita agad.


Laine : O-okay.




Nagtext na lang ang dalaga kay Axel na wag na syang hintayin dahil gagabihin sya. Sinabi din nya na wag na syang hintayin dahil may maghahatid na din sa kanya.



Jaiden : Thank you for this wonderful night Laine.


Laine : Welcome. And Im sorry Jaiden.


Jaiden : No. Dont be sorry. Noon pa man alam ko na. Sya lang talaga.


Laine : Hindi ko din naman alam na sya pala yung totoong mahal ko eh.


Jaiden : Ganun talaga. Late mo marerealize ang lahat pag huli na. Pwede ba makahindi ng last birthday gift?


Laine : Sure! Ano ba yun?


Jaiden : Can you hug me?



Tumango ang dalaga. Niyakap nya ang kaibigan,ang dati nyang crush. Pagtanggal nya ng pagkakayakap dito ay hinalikan nya ito sa pisngi.



Laine : Thank you. Magkaibigan pa rin tayo di ba?


Jaiden : Oo naman. So paano,una na ako. Bago pa ako bumulagta dito.


Laine : Why naman?


Jaiden : Feeling ko lang kasi nakatingin sya sa atin eh. Una na ako. Salamat ulit.


Laine : Tulog na yun. Patay na ilaw sa room nya eh. Geh ingat ka pag-drive and goodnight.


Jaiden : Goodnight.



Pagkaalis ng kaibigan ay pumasok na sya sa loob ng bahay. Patay na ang mga ilaw kaya dahan-dahan na lang syang naglakad para hindi sya makagising. Ganun na lang ang gulat nya ng biglang may humila sa kanya at sinandal sya sa pader. Mas lalo syang nagulat ng makitang si Axel yun. Sigurado sya,nakainom ito dahil amoy na amoy nya sa hininga nito. Ilang pulgada na lang kasi ang layo ng mukha nito sa kanya.



Axel : Saan kayo galing ng gagong yun?


Laine : Kumain lang sa labas. At saka may pangalan sya. Jaiden ang pangalan nya.


Axel : Wala akong pakialam sa pangalan nya dahil mula ngayon hindi na sya pwedeng lumapit sa'yo!


Laine : At bakit naman?


Axel : Dahil yun ang gusto ko!


Laine : Hindi dahil gusto mo kailangang sundin ko!


Axel : Gagawin mo yun. At may utang ka nga pala sa akin ngayon. Dahil hindi ka tumupad sa pangako mo.


Laine : Birthday nya kaya sumama ako sa kanya at saka nag-text ako sa'yo di ba?


Axel : I dont care! Ang gusto ko bayaran mo ako,ngayon din!


Laine : Okay! Ano bang gusto mong kabayaran?


Axel : Ikaw.


Laine : (gulat) A-anong ako?


Axel : Be mine tonight.


Laine : No way!



Pagkasabi nun ay tinulak nya ang binata at mabilis na tumakbo pataas. Nasa kalagitnaan pa lang ng hagdan ay naabutan na sya ng binata. Binuhat sya ng binata habang nagwawala sya. Ngunit balewala lang yun sa binata kahit ang bigat nya. Nagsisigaw sya para marinig sila ng mga kasama sa bahay.



Axel : Too bad baby. Walang tutulong sa'yo dito dahil wala silang lahat. Pinaalis ko muna.


Laine : Walangya ka! Hindi kita dapat pinagkatiwalaan!


Axel : Hindi naman mangyayari ito kung hindi mo ako sinagad eh.



Pagkarating sa loob ng kwarto ay pabagsak na ibinaba ni Axel ang dalaga. Babangon sana si Laine ngunit mas mabilis ang binata. Nakubabawan nya agad ang dalaga at hinalikan sa labi. Maging ang mga kamay nito ay naglilikot na. Kung saan-saan na nakarating pati ang halik nito. Magwala man ang dalaga ay wala rin mangyayari. Kung kailan handa na syang ibigay ang sarili nya,saka naman tumigil ang binata.



Axel : Kung hindi lang kita talaga mahal talagang kukunin talaga kita sa dahas.


Laine : Anong sabi mo?


Axel : Sabi ko mahal kita.


Laine : Kailan pa?


Axel : Mula nung bata ka pa. Kakainis ka. Kailangan pa kitang inisin at bwisitin para lang pansinin mo ako. Tanang yung gagong yun smile pa lang sa'yo kinikilig ka na.


Laine : Selos ka sa kanya?


Axel : Nagtanong ka pa! Kung hindi ako nagselos kanina ng sobra,magagawa ko ba ito?


Laine : Hindi mo naman kailangan magselos sa kanya Red eh.


Axel : Bakit?


Laine : Kasi mahal din kita.


Axel : (gulat) Mahal mo din ako Maire? Totoo?


Laine : Totoo nga yun Red eh.


Axel : Kailan pa?


Laine : Siguro nung panahon na minahal mo din ako. Ngayon ko lang narealize.


Axel : Eh si Jaiden?


Laine : Wala na. Crush ko lang naman yun dati. Hanggang dun lang. Ikaw kaya yug mahal ko.



Pagkatapos sabihin yun ay ang dalaga na ang nag-initiate ng paghalik sa binata. Nakaktawang sya ang nasa ibabaw ng binata na ngayon ay gumaganti na ng halik sa kanya. Maya-maya lang binago nito ang pwesto nila,ito na ang nasa ibabaw. Unti-unting nawala ang kanilang kasuotan. Tapon doon,tapon dito. Wala na silang pakialam. Ang mahalaga ay silang dalawa.



Axel : Pwede mo pa akong pigilan hanggang kaya ko pa magpigil.


Laine : Ayoko nga.


Axel : Bakit?


Laine : Kasi mahal kita at pinipikot kita kaya ko ginagawa to.


Axel : Mahal din kita at kung ikaw ang pipikot sa akin,nakahanda ako.


Laine : Pananagutan mo ako ah.


Axel : Ayoko nga.


Laine : Ano?!


Axel : Ayoko ng pananagutan lang kita. Gusto ko papakasalan kita.


Laine : Tama na nga satsat. Bilisan mo na at baka magbago pa isip ko.


Axel : Eto na nga oh. Ginagawa ko na. Fertile ka ba?


Laine : Bakit?


Axel : Para makabuo agad tayo.


Laine : Hindi eh.


Axel : Aw kakainis! Gagalingan ko na lang baka makalusot ng baby.


Laine : Gago!


Axel : I love you Maire Laine Altamonte. Dont worry hindi kita sasaktan.


Laine : I love you too Axel Red Valderama. Inaasahan ko na yan.


Axel : Love you so much Maire ko.


Laine : Love you too Red ko.



Sabay ng pagsabi nila noon ay naganap ang pag-iisa nila.


Friday, October 5, 2012

Love At The Corner (A 2 Part One Shot Finale)

Kanina pang palakad-lakad si Julie. At si Nelle na nasa harap nya ay kanina pang naiinis sa kapatid.


Nelle : Ate,pwede bang huminto ka?

Julie : Bakit?

Nelle : Kanina pa akong nahihilo sa'yo eh. Kanina ka pang palakad-lakad sa harap ko eh.

Julie : Ay sorry kapatid.

Nelle : Ano bang problema mo?

Julie : Eh kasi si Elmo eh.

Nelle : Oh anong problema mo sa crush mo?

Julie : Kasi kanina nakita ko siya at bigla na lang nya akong-


Napahinto ang dalaga sa pagsasalita at natakpan ang bibig. Muntik na nyang masabi sa kapatid!


Nelle : Anong ginawa nya sa'yo Ate?

Julie : Ah wala naman syang masamang ginawa sa akin. May sinabi lang sya.

Nelle : Anong sinabi nya?

Julie : Ang sabi nya-


Hindi na natapos ng dalaga ang sasabihin nya dahil may biglang kumatok. Tapos bigla na lang pumasok ang kanyang ina na naka-ngiti.


Julie : Oh Mama,bakit ang laki ng ngitin nyo?

Mari : May bisita ka sa dun sa ibaba.

Julie : Sino naman?

Mari : Kilala mo na sya. Sabi nya,alam mo daw ang pagdalaw nya sa'yo.

Julie : Alam ko? Eh wala naman po ako inaasahang bisita ngayon eh.

Mari : Sure ka?

Nelle : Mama,bakit kasi may pa-suspense pa kayong nalalaman. Bakit ba hindi nyo na lang sabihin kung sino.

Mari : Okay,ang clue,isa syang lalaki.

Nelle : Si Ate may bisitang lalaki? Eh Mama naman lagi naman sya may bisitang lalaki kasi puro lalaki barkada nya. Tomboy nga po ata si Ate eh.

Julie : (binatukan ang kapatid) Tarantado! Babae ako no,100% sure ako dun.

Nelle : Aray naman Ate. Bakit kasi may batok pa? Para binibiro ko lang eh.

Julie : Eh hindi naman kasi maganda yung biro mo.

Nelle : Oo na. Sorry na. Pero teka sino ba bisita ni Ate Mama at ang laki ng smile mo,kakapanibago ka lang.

Julie : Oo nga Mama,sino bang bwisita yan?

Mari : Bwisita mo pa kaya syang matatawag kung sasabihin kong ang bisita mo ay ang matagal mo ng crush?


Nagulat na lang ang Mama nya at si Julie ng marinig nilang sumigaw si Nelle.


Nelle : Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Natupad yung sinabi ko kanina Ate!

Mari : Kung ano mang usapan yan ay mamaya na natin pag-usapan. ang mahalaga bumaba ka na at kanina pa nyang hinihintay.

Julie : (bulong) So tinupad nga nya yung sinabi nya kanina?

Mari : Anong sabi mo Julie?

Julie : Ah wala Ma. Sabi ko po bababa na po ako.

Mari : Sige na pumaroon ka na at tiyak kong inip na inip na yun. At ikaw Nelle wag kang lalabas okay.

Nelle : Okay Mama. sisilip lang ako.

Julie : Nelle!

Nelle : Joke lang. Sige na Ate,baba ka na baka mamaya akyatin ka na nun dito. (ngiti)

Julie : Loka!

Nelle : Okay lang. Pretty naman!


Binelatan lang ni Julie ang kapatid bago sumunod sa ina sa ibaba.


Mari : Ah Elmo,pasensya na kung nagtagal ha pero pababa na si Julie.

Elmo : Okay lang po Tita,pagdating po sa kanya willing naman po ako maghintay.

Mari : Teka Elmo,wag mong mamasamain ang itatanong ko ha?

Elmo : Sige po. Ano po ba yun?

Mari : Ikaw ba eh manliligaw sa anak ko kaya ka naririto?

Elmo : Ah Tita,ahmn opo. Liligawan ko po ang anak nyo. Sana po payagan nyo ako.

Mari : Eh wala na naman ako magagawa kasi nandito ka na. Ikaw ba ay walang ibang babae?

Elmo : Wala po.

Mari : Eh anak sa labas?

Julie : Ma! Ano bang tanong yan?


Natatawa ang dalaga habang palapit sa mga ito. Natatawa kasi sya sa tanong ng Mama nya at sa hitsura ni Elmo. Sobrang daming pawis na kasi ang lumalabas dito.


Mari : Para tinatanong ko lang sya. Ayaw ko lang naman na may makahati ka.

Julie : Eh tingnan nyo nga po ang hitsura nya oh. Kabadong-kabado.

Mari : Hoy Elmo hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. May anak ka ba sa labas?

Elmo : Wala po Tita. Wala po akong sabit. Virgin pa po ako! Maniwala po kayo sa akin!


Hagalpak sa tawa ang dalaga dahil sa sinagot ng binata. Sa bilis kasi nitong magsalita hindi na nito napansin ang mga binitiwang salita.


Mari : Relax Elmo. Sobra kang kabado. Sya sige iiwanan ko na kayo. Wag mo syang itatanan ha!

Elmo : Hindi ko po gagawin yun. Si Julie po ang tipo ng babaeng hindi itinatanan lang. Sya po ang tipong pinapakasalan agad.


Habang sinasabi yun ng binata ay titig na titig sya sa dalaga na namumula.


Mari : Julie,nagba-blush ka! Sige na. Iwanan ko na kayo at masyado na akong abala sa inyo.

Elmo : (bulong) Buti po alam nyo.

Mari : Anong sabi mo Elmo?

Elmo : Ah wala po. Sabi ko po pumasok na nga po kayo sa loob para may kasama si Nelle.


Pumasok na nga ang Mama ni Julie at naiwan silang dalawa na parehong natahimik nang mapagsolo. Hanggang sa mainip si Julie at sya na ang unang nagsalita.


Julie : (halukipkip with matching taas-kilay) What do you want?

Elmo : You. (diretsong sagot ng binata)


Gulat na gulat ang dalaga sa sinagot ng binata sa kanya. Napatayo sya at ganun din ito.


Julie : Ako ba pinaglololoko mo?

Elmo : Mukha ba akong nag-joke?

Julie : Then bakit ka nga andito?

Elmo : Dahil nga sa'yo.

Julie : Bakit nga?

Elmo : Ang kulit mo din. Bakit ba dinadalaw ng lalaki ang isang babae?

Julie : Dahil may sakit?

Elmo : May sakit ka ba?

Julie : Meron.

Elmo : (worried) Anong masakit sa'yo?

Julie : Sasabihin ko sa'yo kung ano masakit sa akin kung magseseryoso ka sa pagsagot sa tanong ko.

Elmo : Ano nga ba tanong mo?

Julie : Bakit ka nga nandito?

Elmo : Julie naman,sobrang obvious naman di ba. Andito ako para manligaw.

Julie : Manligaw?

Elmo : Oo manliligaw ako. Bakit bawal ba?

Julie : May sinabi ba akong bawal?

Elmo : Wala.

Julie : Yun naman pala eh. Next question,bakit mo ako liligawan?

Elmo : Julie,bakit ba manliligaw ang isang lalaki sa isang babae? Syempre dahil mahal nya ito di ba?

Julie : Answer my question straight.

Elmo : Okay. Im here to court you. Im here because I want to have your yes answer. And lastly Im here because I love you. I really do.

Julie : Kailan mo pa ako mahal?

Elmo : Since the day you call me "mayabang".


Nganga ang dalaga sa sinagot sa kanya ng binata.


Julie : So its means,you love me since I was 12?

Elmo : Yes.

Julie : Minamahal mo na pala ako noon pa. Bakit ngayon mo lang sinabi?

Elmo : Haven't you heard the word "torpe"? I am one of those.

Julie : Lalo tuloy sumasakit yung masakit sa akin ngayon dahil sa mga sinabi mo.

Elmo : Teka nga pala. Ano nga pala yung masakit sa'yo?

Julie : (tumingin sa binata bago ngumiti) Yung puso ko.

Elmo : Ha? (hindi na-gets)

Julie : Sabi ko may sakit ang puso ko gawa mo.

Elmo : Bakit ako?

Julie : Nagtanong ka pa! Pinasakit mo puso ko simula ng sabihan kita ng mayabang kasi kinain ko din yung salita ko na hindi kita magugustuhan.

Elmo : Ibig sabihin ba nyan-

Julie : Yes. I love you too "Mr. Mayabang".

Elmo : Yes! I love you so much "Ms. Snob".

Julie : Yun talaga tawag mo sa akin?

Elmo : Yup. Kasi naman sa tuwing makikita mo buong barkada ko,lahat sila binabati mo maliban sa akin.

Julie : Eh kasi naman ang tahimik mo,ayaw mo man lang ako tingnan.

Elmo : Paano naman kita titingnan ng nakaharap ka eh di nakita mong kinikilig ako. At saka yung lips mo nakaka-temp laging halikan.

Julie : Speaking of kiss-

Elmo : Hindi ako magso-sorry sa paghalik ko sa'yo kanina.

Julie : Why?

Elmo : Bakit ako magso-sorry eh gusto ko yung ginawa ko at mahal ko din yung hinalikan ko?

Julie : Weh? Pero virgin ka pa talaga? (biro nya sa binata)

Elmo : Kung hindi lang talaga kita mahal,baka mahalikan kita ulit dahil sa sinabi mong yan. Ikaw din naman ah,virgin ka din naman.

Julie : Sigurado ka?

Elmo : Sigurado ako. 100%.

Julie : Paano ka nakakasiguro?

Elmo : Kasi hindi lang kalaban sa basketball binabantayan ko. Mas binabantayan ko mahal ko. Kulang na nga lang dito ako matulog sa labas ng bahay nyo.


"kakadiri naman pinag-uusapan nyo."


Gulat na napalingon ang dalawa sa narinig na nagsalita.


Julie : Mama! Kanina ka pa dyan?

Mari : Hindi masyado. Dun lang sa part na "Weh? Pero virgin ka pa talaga?" Kakadiri usapan nyo.

Elmo : Tita naman eh. Bakit agad kayo lumabas. Hindi pa ako sinasagot ni Julie.

Mari : Eh kasi nga yung pinag-uusapan nyo kakadiri eh. At saka wag kang mag-alala,mula ng tinawag ka nyang "Mr. Mayabang" sinagot ka na nya.

Elmo : Sure kayo Tita?

Mari : Yes na yes!

Julie : Mama tapatin mo nga ako? Ako ba talaga anak mo o yang lalaking yan? At saka kung makadiri naman kayo dyan,kayo nga yung hindi na virgin eh.

Mari : Malamang! Kung virgin pa ako,eh saan kayo manggagaling? Sa loob ng kawayan?

Julie : Sabi ko nga.

Mari : Umuwi ka na Elmo.

Elmo : Bakit po Tita. May nagawa ba akong masama?

Mari : Wala naman. Sobrang gabi na kasi. Natatakot lang akong ma-divirginized ka sa daan haha!

Julie : Wahaha!

Elmo : Tita naman eh. Pero hindi pa ako sinasagot ni Julie.

Mari : (tumingin sa anak) Sagutin mo na nga at ng maka-uwi na yan.

Julie : Mama ba talaga kita? Ang kunsintidora mo lang eh. Hindi ba pwedeng papakipot muna ako?

Mari : Hindi na uso yun. Sasagutin mo din naman sya.

Julie : Sige na nga. Tutal nagka-aminan naman na din tayo. Oo na,sinasagot na kita Elmo. Tayo na mula ngayon.

Elmo : Totoo?

Mari : Ayaw mo Elmo?

Elmo : Tita hindi ah. Gustong-gusto ko nga. Sya uwi na ako.

Mari : Kanina ayaw mo pa umuwi,ngayon naman gustong-gusto mo na. Ang gulo mo lang Elmo.

Elmo : Tita,uuwi na po ako para sabihin kay Mama ang magandang balita. Sigurado matutuwa yun.

Mari : Siguradong matutuwa yun. (ngiti)

Julie : Bakit naman po Mama?

Mari : Eh kasi nakahanda na kaya yung invitation card ng kasal nyo. Adik yung Mama mo Elmo eh. Pati ako na-adik din. Dinamay ako eh.

Elmo : Ayos yun ah. Kami na lang pala hinihintay.

Julie : Kaya nga. Tadhana na pala tayo talaga.

Elmo : Oo nga. Sige Babe,uwi na ako. Kita na lang tayo sa kasal natin. (ngiti)

Julie : Sa kasal lang? Hindi ba pwedeng sa Engagement Party muna?

Elmo : Ay oo nga pala. Pero sure naman ako na hindi ako makakatiis kaya kita na lang ulit tayo bukas. Meantime sa panaginip na lang tayo magkita mamaya.

Julie : Sige Babe.

Elmo : I love you "Snob" ko.

Julie : I love you too "Yabang" ko.


Pagkatapos nun ay nagyakap at hinalikan ni Elmo si Julie sa labi. Smack lang naman.


Mari : Hoy andito pa ako. Hindi na kayo nahiya sa akin. Mga virgin na ito!


Nagtawanan na lang ang magkasintahan pagkatapos nun ay pareho nilang inakbayan ang Mama ni Julie at sabay-sabay na pumasok sa loob ng bahay.

Monday, October 1, 2012

Love At The Corner (A 2 Part One Shot)

Julie : Ang hirap ng may minamahal pero sikreto lang. Todo deny para hindi nya malaman.


Yan ang laging nasa isip ng dalagang si Julie. Meron kasi syang lalaking minamahal. Si Elmo,matagal na nya itong lihim na minamahal.


Nelle : Move-on na kasi. Kalimutan mo na sya.

Julie : Tagal ko ng ginagawa yan pero hindi talaga eh.

Nelle : Lalo ka na siguro ndi nakamove-on kung naging kayo talaga.

Julie : Baka nga mas madali magmove-on kung naging kami bago nag-break eh.

Nelle : Malay mo Ate mahal ka din nya, hindi lang nya masabi?

Julie : Ang tagal ko na naghihintay pero hindi naman sya nagpaparamdam. I doubt it.

Nelle : Hmmn wag ka nga Ate,malay mo mamaya umakyat na sya ng ligaw sa'yo.

Julie : Tse! Asa ka pa!

Nelle : Bahala ka Ate. Malay mo magdilang-anghel ako.

Julie : Ewan ko sa'yo. Dyan ka na nga!

Nelle : Si Ate ang daling mapikon,if I know pinagdarasal mo din yun na mangyari haha!

Julie : Yun ang akala mo!


Umalis na lang ang dalaga kasi baka matuluyan pa syang mapikon at kung ano pa magawa nya sa kapatid.


Julie : Kahit kailan talaga yung kapatid ko na yun buskador. Ayos lang sana kung nagkakatotoo yung sinasabi nya,eh hindi naman eh. Kainis. Hay Elmo,mahal talaga kita,kailan kaya magkakaroon ng tayo?

Mari : Tama na nga yan pag-emote mo at may ipapabili ako sa'yo.

Julie : Mama!

Mari : Oo narinig ko kaya wag ka ng magtanong. Eh kung umamin ka na lang kasi sa kanya. Malay mo hinihintay ka din nya.

Julie : No way Mama. Im still a girl at conservative pa rin ako no.

Mari : Haha binibiro lang kita. Lagi ka na lang kasi malungkot dyan.

Julie : Hindi naman ako malungkot Mama,nangangarap lang.

Mari : Sige mangarap ka. Sabi ni Gloc9 libre daw naman ang mangarap eh.

Julie : Mama talaga may ganun pa.

Mari : Sya tama na yan at gawin mo na lang iuutos ko sa'yo.

Julie : Ano po bang utos nyo?

Mari : Punta ka sa bahay ng Tito mo at kunin mo yung pinabili ko sa kanya kanina.

Julie : Eh Mama bakit kasi ndi nya na lang dinala dito o kaya idinaan?

Mari : Eh kasi pagod na daw sya. Masakit ata ang ulo.

Julie : Ah okay po. Sige po punta na ako. Papasama lang ako kay Nelle.

Mari : Ikaw na lang,wag mo na isama si Nelle at gagawa pa yun ng homework nya.

Julie : Hmpt kainis. Pero sige na nga.

Mari : Ingat ka at gabi na.

Julie : Opo.


Nagpalit lang ng kanyang suot si Julie at ng makaramdam ng pagigng kumportable ay umalis na sya. Bumalik lang sya dahil nakalimutan nya magdala ng cellphone. Gawain nya kasi yun kasi habang naglalakad sya ay nakikinig sya ng music. Naglalakad na sya ng pagdating sa kanto may biglang tumawag sa kanya.


Man : Julie!


Hindi pinansin ng dalaga ang tumawag sa kanya pero mula sa peripheral look ay nakita at nakilala nya ang tumawag sa kanya. At dahil sa kaba at halong kilig hindi nya ito pinansin. Patuloy ito sa pagtawag pero hindi pa rin nya pinansin. Hanggang narinig nya na lang na tumunog ang cellphone nya. May tumatawag. Tiningnan nya ang phone at ng makita nya na numero lang,hindi na nya pinansin. Patuloy pa rin sa pagtawag ang numerong yun,naka-sampung tawag na hindi nya sinasagot. Sa inis ata ng tumatawag nag-text na ito.


Hey Julie, please answer the phone,kanina pa kitang tinatawagan hindi ka naman sumasagot. Personal at sa cellphone snob ka. Pag hindi mo pa sinagot ang tawag ko,hahalikan kita pag dumaan ka ulit dito. Hindi ako nananakot,gagawin ko talaga yun! - Elmo


Kabadong-kabado ang dalaga dahil sa text na yun. Kaya halos mapalundag sya ng tumunog ulit ang cellphone nya. Nang makita nya na yun pa rin ang tumatawag hindi nya alam ang gagawin. Sa huli hindi nya sinagot. Nakarating sya sa bahay ng Tito nya na parang wala sa sarili.


Ric : Oh kararating mo lang parang tulala ka? May nangyari ba habang papunta ka dito?

Julie : Ah wala po Tito,napagod lang ako.

Ric : Napagod? Eh hindi naman ganun kalayo ang bahay natin sa isa't-isa.

Julie : Ah basta Tito. Nasaan na po ba yung pabili ni Mama?

Ric : Eto oh. Inihanda ko na nga agad para pagdating mo ay handa na.

Julie : Thank you po Tito. Ahmn Tito?

Ric : Oh bakit?

Julie : Eh Tito,wala na po bang ibang daan papunta sa amin na hindi dadaanan ung tindahan sa kanto?

Ric : Meron naman.

Julie : (ngumiti) Talaga Tito?

Ric : Oo nga. Dun sa may kabilang street. Iikutin mo lang naman buong subdivision bago ka makarating sa inyo. Gusto mo ba yun eh ang dilim na?

Julie : Hindi po.

Ric : Buti naman. Kasi hindi rin naman kita papayagan. Ano bang meron sa kanto at parang ayaw mong dumaan dun?

Julie : Ah wala po. Sige po uwi na po ako.

Ric : Sige. Ingat ka at magtext ka sa akin pag nasa bahay ka na,okay?

Julie : Okay po.


Umalis na nga ang dalaga. Kalalabas lang nya sa gate ng bahay ng Tito nya ay tumunog na ulit ang CP nya. Hindi nya ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.


Julie : Bahala ka sa buhay mo. Hindi ako natatakot sa'yo. Daming tao,ewan ko lang kung magawa mo yun.


Patuloy lang sa paglalakad ang dalaga. Wala syang pakialam sa paligid. Paminsan-minsan pag may bumabati sa kanya ay binabati din nya. Hanggang sa maramdaman nyang malapit na sya sa kanto. Hindi sya tumingin o lumilingon sa takot na baka magkahulihan sila ng tingin ni Elmo. Ngingiti na sana ang dalaga ng mapansin nya na wala ito ng bigla na lang maramdaman nya may humila sa kamay nya at pagharap nya,si Elmo ang nakita nya.


Elmo : Wag mong sabihin ndi kita winarningan. Lahat ng sinasabi ko ginagawa ko.


Pagkasabi noon ay hinalikan ng binata ang dalaga na hindi man lang nakaporma. At dahil nagulat si Julie malayang nahalikan ni Elmo ang dalaga. Palalim ng palalim ang humalik at natigil lang yun ng makaramdam ang dalaga na mauubusan na sya ng hininga. Nagawa nyang itulak ang binata at ng bitawan sya nito ay sinampal nya ito.


Elmo : (gulat) Bakit mo ako sinampal?

Julie : At nagtanong ka pa! Ang kapal mo din manghalik ah!

Elmo : (ngumisi) Kasalanan mo din naman eh!

Julie : At ako pa ang may kasalanan ngayon?

Elmo : Di ba sabi ko sa'yo-

Julie : Wala akong pakialam dun sa sinabi mo. Ang akin lang wala kang karapatan nakawin ang first kiss ko!

Elmo : Uy ang swerte ko pala at ako ang first kiss mo. (ngiti)

Julie : Letse ka! Kinamumuhian kita!


Pagkasabi nun ay pinulot ni Julie ang lahat ng bitbit nya at tinalikuran na ang binata. Taas-noo syang naglakad at parang walang nagyari. Muntik na syang mapalundag ng biglang sumigaw ang binata.


Elmo : Humanda ka mamaya! Manliligaw na ako!


Naghiyawan ang mga nakarinig. Ang dalaga naman napangiti na lang habang naglalakad. At sa isip ay sinabing :


"Sige gawin mo. Patunayan mo at wag puro salita lang. Tagal na kitang hinihintay eh. "


At dire-diretso ng naglakad ang dalaga.

Thursday, September 20, 2012

The Gangsta Leader And The PooRich (A 2 Part One Shot Finale)

Mabilis na tumakbo ang binata palabas para habulin ang dalaga.


Elmo : Asan na ba sya? Ang bilis naman nya nawala.


Inikot ni Elmo ang buong paligid at eksaktong pasakay na ito ng taxi ng makita nya. Mabilis syang tumakbo papunta dito. Bago pa nakasakay ang dalaga ay naabutan nya ito at nahawakan sa braso.


Elmo : And where did you think you are going?

Julie : Im going home so let me go!

Elmo : Then let me do it on my own.

Julie : No need. Hindi ako safe sa'yo!

Elmo : Ihahatid kita sa maayos na paraan o kailangan pa kitang daanin sa dahas?

Julie : Hah! Do you think magagawa mo yun? Hindi mo ba alam na Judo Master ako?

Elmo : Alam ko. Eh ikaw alam mo bang Master of Martial Arts ako?

Julie : (nagulat dahil hindi nya alam yun)

Elmo : Ngayon,sasama ka ba sa akin ng maayos oh kailangan pa kitang pwersahin?

Julie : Okay I will go with you pero siguraduhin mo lang na iuuwi mo talaga ako sa bahay namin!

Elmo : Very sure MyJaps!

Julie : Im not yours! (lingon sa driver ng taxi) Sorry po,hindi na po ako sasakay. Eto po ang bayad sa abala.

Elmo : Madali ka pala kausap eh.

Julie : Ngayon lang to. Wag mong isipin na natakot ako sa'yo. Naka-dress lang ako kaya hindi ko magagamit nalalaman ko sa martial arts ngayon.

Elmo : Wag ka ng magpalusot. Alam ko gusto mo din masolo ako.

Julie : Ah ganun? Eh kung iwan kaya kita dito?

Elmo : (hinila ang dalaga at mahigpit na hinawakan) Halika na nga bago pa magbago ang isip mo.


Hindi na nakasagot ang dalaga dahil hinila na sya ng binata sa parking lot kung saan naka-park ang sasakyan ng mga ito at naghihintay ang driver. Inihatid nya ang dalaga sa bahay ng mga ito. Hindi naman nagtagal ay nakarating sila sa tapat ng tahanan nina Julie.


Elmo : Wow!

Julie : Why?

Elmo : So you are rich nga. Hindi ka pala poor.

Julie : (taas-kilay) Bakit? Sino ba may-sabi sa'yo na poor ako? Hindi ko lang hilig ang mga ganitong kasuotan sa school dahil ayokong hangaan ako dahil mayaman ako. Hindi ako tulad mo.

Elmo : Oh bakit napasali ako?

Julie : Ikaw at yung barkada mo,masyado kayong pa-cool. Kung maka-porma akala mo nasa uso,wala naman kayo sa tamang terno.

Elmo : Yun ang trademark namin eh.

Julie : Trademark nyo? Ang bulok naman. Mukhang panahon ng sinauna.

Elmo : Ikaw nakakapikon ka na hah. Ang dami mo na sinabi hindi maganda lalo na sa akin. Pagbibigyan kita dahil nobya kita pero sa susunod hindi ka na uubra sa akin.

Julie : Stop calling me your girlfriend cause Im not! At pwede ba,bawiin mo sa parents natin yung mga sinabi mo!

Elmo : Ayoko nga. Pumasok ka na sa loob bago pa magbago ang isip ko at maisipan kitang iuwi sa tahanan namin.

Julie : (natakot) Buti pa nga. Dyan ka na nga!


Papasok na sana ang dalaga sa loob ng bigla syang tawagin ng binata.


Elmo : Julie!

Julie : (lumingon) Bakit?

Elmo : (lumapit) Goodnight!


Pagkasabi nun ay hinalikan ng binata sa pisngi ang nagulat na dalaga. Mabilis na tumakbo papunta sa kotse nila ang binata bago pa sya masaktan ng dalaga.


Julie : Manyak!

Elmo : Pumasok ka na sa loob ng maka-alis na kami. Goodnight!


Kahit nagalit sa ginawa ng binata ay sinunod pa rin ang sinabi nito. Nang masiguro siguro nito na nasa loob na sya ng bahay nila saka pa lang nya narinig na umalis ang sasakyan ng mga ito.


Julie : Kainis!


Kinabukasan sa University nakita ng dalaga na may pinagkakaguluhan sa board ang lahat ng estudyante. Hinintay nya muna maka-alis ang lahat bago sya lumapit at curious na tiningnan kung ano pinagkakaguluhan kanina ng lahat. Ganun na lang ang gulat ng dalaga sa kanyang nabasa at nakitang larawan. Ang nasa larawan ay sya at si Elmo kung saan hinalikan sya nito sa pisngi!



"HEADLINES : WHO IS THIS BEAUTIFUL GIRL WHO CAUGHT ELMO MOSES MAGALONA HEART?"


Binasa ng dalaga ang nilalaman ng news at inis na inis sya. Buti na lang hindi sya makikilala ng lahat na sya yun kasi ibang-iba ang hitsura nya dun at wala din inilagay na pangalan.


Elmo : (biglang labas) So nakita mo na pala.

Julie : Ngayon?

Elmo : Naka-headline tayo oh. Hindi ka ba natatakot na pagkaguluhan ngayon?

Julie : (umiling) Hindi kasi iba naman ang mukha ko dyan at sa ayos ko ngayon eh.

Elmo : Ah I see. Oo nga pala. Eh paano kung bigla ko na lang ipakita sa lahat ang totoong ikaw?

Julie : Dont you dare do that!

Elmo : Hindi ko sasabihin. Sa isang kundisyon.

Julie : Anong kundisyon?

Elmo : Be my girlfriend.

Julie : No!


Pagkasabi nun ay nagtatakbo ang dalaga. Iniwan ang binata na hindi man lang nakahabol.


Elmo : Wala ka naman choice eh.


Ilang linggo na iniiwasan ng dalaga ang binata. Hindi nga nya alam kung paano nya ito naiiwasan ganung classmate sila. Ang alam lang nya pagkakasabi ng Prof nila na tapos na ang klase ay mabilis nyang hinahagilap ang bag at tumatakbo na palabas.


Julie : Ah I hate this life!

Guy: Why naman?

Julie : (nagulat) Ka-kanina ka pa dito?

Guy : Yup. Ginagawa mo na rin tambayan ang tambayan ko pag gusto ko mag-isa lang ako ah.

Julie : Aw sorry. Bawal ba? Kasi kung bawal aalis na lang ako. (akmang aalis na)

Guy : Hindi naman. Hindi ko naman pag-aari ito eh.

Julie : Thank you. Ang bait mo pala.

Guy : Hindi nga? Teka,kamusta na pala kayo ni Moe?

Julie : Haha! Seriously yung tanong mo nakakatawa. Okay ka lang ba Alden?

Alden : Okay lang. Curious lang talaga ako sa inyong dalawa.

Julie : Bakit naman?

Alden : For the first time kasi may pinansin at pinag-aksayahan babae si Moe.

Julie : Pinagti-tripan nya lang ako.

Alden : I think not.

Julie : Wag ka nga dyan. Siguro naman nakita mo yung babae sa board.

Alden : Kamukha mo nga yung babae dun eh.

Julie : (nagulat) Hindi ako yun!

Alden : Wala naman ako sinabi ikaw yun eh. Ikaw naman guilty masyado.

Julie : Hindi ah.


Walang kamalay-malay ang dalawa na habang nag-uusap sila ay may isang taong nanonood sa kanila. Nanlilisik ang mga mata nito.


Derrick : Nasaan ba si Den?

Kristoffer : Baka nasa favorite spot nya.

Derrick : Saan? Sa rooftop?

Kristoffer : Saan pa ba?

Elmo : (bagong dating) Alam nyo ba na nagkikita sina Den at Julie sa rooftop?

Kris : Hah? Kailan pa?

Lauren : (bagong dating) Matagal na. Lagi kaya silang nagkikita. May video pa nga ako.


Pinakita ni Lauren ang video na agad naman pinanood ni Elmo. Sa galit ng binata ay naitapon nya ang mamahalin videocam ni Lo.


Lauren : (gulat) Bakit mo itinapon? Ang mahal ng bili ko dyan!

Elmo : Wala akong pakialam!

Lauren : Bayaran mo yan!

Elmo : Magkano ba yan?

Lauren : Ikaw ang gusto kong bayad.

Elmo : Sabi ko magkano hindi sino. At saka hindi ako For Sale!

Lauren : (lumapit at humawak sa braso ng binata)

Elmo : (tinulak ang dalaga) Wag mo nga ako hawakan!

Kris : Pare : hindi sinasaktan ang babae.

Elmo : Hindi naman sya babae eh!

Derrick : Mag-ice cream na lang tayo Pare. (sabay akbay sa binata)

Elmo : Alisin mo yan kamay mo.

Derrick : Pare,ice cream lang katapat nyan.

Elmo : Sabi ko alisin mo kamay mo!


Inalis nga ni Derrick ang kamay nya sa balikat ng binata. Pagkatapos nun ay naglakad na ito palayo sa kanila.


Kris : Tanda ko yung mukhang yun. Mukhang may hindi magandang mangyayari.

Derrick : At mukhang alam ko na ang mangyayari.


Samantala sa rooftop.


Alden : Pero may pag-asa ba?

Julie : Gusto mo bang sagutin ko na yan ngayon?

Alden : (tumingin sa orasan) Sa isang araw na lang. May class pa nga pala ako sa PE. Una na ako.

Julie : Sige.

Alden : Ingat ka.

Julie : Ikaw din.


Umalis na nga si Alden. Naiwan sandali ang dalaga dun. Maya-maya pa ay tumayo na ito para umalis at magpunta na sa klase. Bigla syang nagulat ng makita nya si Elmo sa may gilid ng pinto. Nanlilisik ang mga mata. Hindi nya alam kung bakit bigla syang natakot dito.


Julie : A-anong gi-ginagawa mo dito?

Elmo : Kailan mo pa ako niloloko?

Julie : Anong niloloko pinagsasabi mo dyan?

Elmo : Kailan pa kayo nagtatagpo dito ni Alden?

Julie : Ano?!

Elmo : Kaya mo ba ako iniiwasan hah? Dahil nya?!

Julie : Baliw ka na nga talaga. Dyan ka na nga! (akmang lalabas ng pinto)

Elmo : (iniharang ang kamay) Hindi pa tayo tapos mag-usap!

Julie : Ano bang problema mo?

Elmo : Pagbabayaran mo panloloko mo sa akin!

Julie : Baliw ka na talaga. Dyan ka na!


Pagkasabi nun ay tinulak nya ang binata at nagtatakbo palabas. Kahit magaling sya sa judo alam nya wala syang panama sa binata. Dahil sa takot ay muntik ng mahulog si Julie sa hagdan. Hinabol sya ng binata at bago pa nakatuntong ang dalaga sa huling baitang ng hagdan ay naabutan na sya ng binata at nahawakan.


Julie : Bitiwan mo ako walanghiya ka!


Kahit anong piglas ng dalaga ay hindi sya makawala sa binata. Mahigpit nitong hinawakan ang pisngi nya at saka sya mariing hinalikan sa labi. Umiiyak na sya sa takot pero hindi pa rin sya binibitiwan nito. Galit na galit ang binata kaya pati blouse ng dalaga sa parteng may balikat ay nasira nya. Patuloy pa rin sa pagpiglas ang dalaga pero wala talaga sya magawa. masyadong malakas ang binata. Ramdam na nya ang maalat ng dugo sa labi nya na kinagat ng binata dahil sa gigil. Dahil sa pagod ay huminto na lang ang dalaga habang patuloy na umiiyak. Nang maramdaman ni Elmo ang luha ni Julie,dun pa lang sya nahimasmasan. parang nauupos na kandila na pareho silang napaupo sa baldosa.


Elmo : (pinahid ang luha ng dalaga) Tama na. Tumahan ka na. Hindi na kita sasaktan.

Julie : (lumuluha pa rin)

Elmo : Im sorry Julie. Galit na galit talaga ako nung makita ko kayo eh. Hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Julie : (inaayos ang blouse pero umiiyak pa din) Bakit?

Elmo : Bakit ang manhid mo?

Julie : (tumingin sa binata) Ako manhid?

Elmo : Oo. Bakit hindi mo makita?

Julie : Ang alin?

Elmo : Na dahil sa'yo nagbago ako. Natuto akong mag-aral ng seryoso. Natuto akong...magmahal.

Julie : (gulat) Hah?

Elmo : Julie...Julie...Julie...mahal kita. Hindi. Mahal na mahal na mahal kita.

Julie : Kung mahal mo ako,bakit mo ako sinaktan ngayon?

Elmo : Kasi...

Julie : (ngumiti) Kasi?

Elmo : Ang hirap bigkasin ng dahilan ko.

Julie : Sasabihin mo lang eh. Bakit nga?

Elmo : Kasi...kasi...kasi...nagselos ako kay Alden. As in selos na selos!

Julie : Hindi mo naman kailangan magselos sa kanya eh.

Elmo : Paanong hindi ako magseselos eh tinatanong ka nya kanina kung may pag-asa ba sya.

Julie : Sinabi ba nyang sya yun?

Elmo : Hindi.

Julie : Ayan. Assuming ka kasi tapos hindi ka pa nakikinig ng mabuti.

Elmo : Eh ano ba yun?

Julie : Ikaw kasi pinag-uusapan namin.

Elmo : Ako?

Julie : Oo.

Elmo : Kung ganun,may pag-asa ba ako?

Julie : Malalaman mo bukas.

Elmo : Bukas pa?

Julie : Oo sabi. Kapag nakita mong naka-dress ako bukas,ibig sabihin...

Elmo : Ibig sabihin may pag-asa ako?

Julie : (ngumiti lang)


Tinanggal ng binata ang suot nyang jacket at isinuot sa dalaga. Pagkatapos nun ay hindi na sila umattend ng klase. Inihatid na lang nya ang dalaga sa bahay ng mga ito.


Elmo : Bukas.

Julie : Bukas.

Elmo : Sige pasok ka na.

Julie : Thanks sa paghatid.

Elmo : Welcome MyJaps!

Julie : Moe!

Elmo : Oo na. Sige na pasok ka na at aalis na ako.

Julie : Goodnight.

Elmo : Goodnight.


Kinabukasan hindi mapakali si Elmo habang naghihintay sa classroom nila. Kanina pa nya hinihintay si Julie.


Elmo : Bakit ba ang tagal nya?

Alden : Ganun talaga mga babae no.

Elmo : Paano mo nasabi babae hinihintay ko?

Alden : Si Julie hinihintay mo eh. Ay naku Moe obvious ka pare.

Kris : Bakit mo ba hinihintay si Julie?

Derrick : Bakit nga ba?

Elmo : Kasi...


Hindi na natapos ng binata ang sasabihin dahil dumating na ang Prof nila. Dismayado ang binata dahil hindi ata papasok ang dalaga.


Prof : Okay class. Lets start!

Girl : (bagong dating) Im sorry Sir for being late!


Lahat ay nagulat sa magandang babae na biglang pumasok sa classroom. Hindi nila ito kilala at mukhang naliligaw ito. Kung may nakakakilala man dito,yun ay si Elmo lang.


Prof : Excuse me Miss,naliligaw ka ata?

Girl : No Sir. I belong to this class. (pinakita ang ID)

Prof : (tiningnan ang ID pati ang dalaga,paulit-ulit) Julie Anne San Jose?

Elmo : Yes Sir. Sya nga si Julie. Ang MyJaps ko at ang nag-iisang anak ng may-ari din ng school na ito na si Mrs. Mari San Jose.

Kris : Sya yun!

Derrick : Ang alin Kris?

Kris : Sya ung babaeng andun sa board. Yung hinalikan ni Elmo sa pisngi!

Elmo : Sya nga yun.

Alden : Sabi ko na eh. Teka bakit ka nagtago sa makapal ng salamin na yun?

Elmo : (kinawit sa bewang ang dalaga) Kasi ayaw nyang pagkakaguluhan sya ay kakaibiganin dahil lang sa anak-mayaman sya.

Kris : Tama nga naman. Ang dami kasing plastik dito eh.

Prof : Okay guys,maupo na kayong lahat at magsisimula na ang klase.


Nang matapos ang klase ay hindi na pinalampas ni Elmo ang pagkakataon. Paglabas ng Prof nila ay kinuha nya ang bag ng dalaga at hinila nya agad sa kamay ito. Dinala nya ito sa lugar kung saan barkada lang nito ang pwedeng tumambay.


Julie : Oh bakit mo naman ako dinala dito?

Elmo : Kasi para masolo kita.

Julie : At bakit naman?

Elmo : Dahil alam ko na ang sagot.

Julie : Saan?

Elmo : Dun sa tanong kung may pag-asa ako.

Julie : And?

Elmo : Nag-dress ka. That's a sign na may pag-asa ako. Baka nga mahal mo na ako eh.

Julie : Sobrang assume na yan ah.

Elmo : Kasi naman nakaka-assume eh. Lalo na at sure na ako sa nararamdaman ko. Mahal kita Julie,alam mo naman na yun eh.

Julie : (bulong) Eh mahal din naman kita eh.

Elmo : Narinig ko yun. Sabi mo mahal mo din ako!

Julie : Bakit ba ang lakas ng pandinig mo?

Elmo : Eh malakas din yung tibok ng puso ko eh. Sinisigaw yung pangalan mo.

Julie : Malandi ka din pala.

Elmo : Sa'yo lang naman. Paki-lakas naman nung sinabi mo kanina. Yung mahal mo din ako.

Julie : Narinig mo na naman eh.

Elmo : Eh mahina yung pagkakasabi mo eh. Paki-lakas naman tulad ng gagawin ko.


"I LOVE YOU MY POORICH, JULIE ANNE SAN JOSE!"


Julie : Wag ka nga maingay dyan.

Elmo : Tayo lang naman makakarinig eh. Sige na please?

Julie : Oh sige na nga. Para sa'yo kahit nahihiya ako gagawin ko.


"I LOVE YOU TOO MY GANGSTA LEADER, ELMO MOSES MAGALONA!"


Alden : Rinig namin yun!

Kris : Haha si Julie oh!

Derrick : Kaka-inggit mga taong inlove dyan!

Julie : Ay kakainis!

Elmo : Okay lang yan. At least alam nila na mahal mo din ako. Lalo na si Alden.

Alden : Oo narinig ko at alam ko naman na ikaw ang mahal. Praning ka lang at seloso.

Elmo : Nagsisigurado lang.

Julie : Nahiya tuloy ako bigla.

Elmo : Wag kang mahiya. I love you so much MyJaps ko.

Julie : (kilig) I love you too MoeMoe ko.

Kris/Alden/Derrick : Sweet!

JuliElmo : Tantanan nyo kami!

Kris/Alden/Derrick : Ha! Ha! Ha!

Wednesday, September 19, 2012

The Gansta Leader And The PooRich (A 2 Part One Shot)

Prof : Class I want you all to meet your new classmates. Guys introduce yourself.

Derrick : Hi Im Derrick Monasterio. Rick for short.

Kristoffer : I am Kristoffer Martin. You can call me Kris.

Alden : Hello,Im Alden Richards but you can call me Den.


Hinintay ng mga estudyante na magpakilala ang huling lalaki ngunit tila wala itong balak magpakilala.


Prof : And you last man,can you kindly introduce yourself?

Man : Whatever.


Nagtatawanan ang buong klase dahil sa sinabi ng lalaki. Napatigil lang sila ng makita nilang nanlilisik ang mga mata nito.


Prof : So your name is Whatever, I see.

Man : (rolling his eyes)

Alden : Ah Sir,his name is Elmo. Elmo Moses Magalona to be exact.

Elmo : You dont need to say it loud. In fact hindi nga natin kailangan magpakilala eh.

Alden : Moe,hindi porke't kayo ang may-ari ng school na ito ay pwede ka ng maghari-harian dito. Act as a role model. Yun ang sinabi sa atin di ba?

Elmo : Den,we are not like them,we are the son's of richest man in town.

Kristoffer : Tama na yan. Maupo na tayo.

Prof : Okay guys,maupo na kayo.


Naupo na nga ang apat. Doon sila pumuwesto sa huling bahagi at parang walang pakialam sa paligid na hindi man lang pinapakinggan ang turo ng kanilang professor.


Girl : Tsk. akala mo kung sino porke anak sya ng may-ari. Ang yabang.


Hindi nakatakas sa malakas na pandinig ni Elmo ang narinig pero hinayaan na lang nya ito. Mamaya na lang nya ito aasikasuhin.


Elmo : Akala mo naman kung sino eh mukhang nakapag-aral lang dito dahil may nagpapaaral. Baduy naman.


Narinig yun ng dalaga at napangiti na lang sya. Mas lalo naman nainis ang binata ng makitang sa halip na mainis ang dalaga ay ngumiti pa ito.


Elmo : (sa isip) Lagot ka sa akin mamaya.


Natapos ang klase ng maayos naman. Huling lumabas ang dalaga dahil hinintay nya muna umalis ang mga bagong kaklase nya.


Elmo : Hoy baduy!

Girl : (tuloy lang sa paglalakad)

Elmo : Hindi mo ba ako naririnig?

Girl : (tuloy pa rin ang lakad)


Paliko na ang dalaga ng bigla syang hablutin ni Elmo.


Elmo : Bingi ka ba?

Girl : Pardon?

Elmo : Bingi ka nga.

Girl : At ikaw naman mayabang ka.

Elmo : Sabi na nga ba eh. Ako yung pinaparinggan mo kanina.

Girl : Narinig mo pala? (sarcastic na sabi nito)

Elmo : Hindi ako bingi katulad mo Baduy.

Girl : Ah sino bang baduy? Kasi sa pagkakaalam ko hindi naman ako bingi.

Elmo : Hindi ka bingi? Eh kanina pa kita tinatawag ah!

Girl : Talaga? Bakit hindi ko man lang narinig yung pangalan ko na sinisigaw mo?

Elmo : Kanina ka pa ha,nakakapikon ka na. Baka gusto mong ipatalsik kita dito?

Girl : Eh di gawin mo. Im not afraid beast.

Elmo : You baduy,hindi ka na nakakatuwa!

Girl : Hello,who's baduy here? Tingnan mo nga get-up mo,yung kasuotan mo sa picture lang nina Lolo ko nakita and for the record my name is not Baduy, Im Julie Anne San Jose. Mark my name. Goodbye.


Paalis na sana ang dalaga ngunit bigla itong lumingon sa galit na galit na binata.


Julie Anne : Anyway,kung hindi ako nakakatuwa sa'yo,ako naman tuwang-tuwa sa'yo.


Pagkasabi nun ay umalis na ang dalaga.


Elmo : You'll pay for this!


Kinabukasan pagbukas ni Julie ng locker ay nagulat sya. Isang Blue Note na may nakasulat na "Your Dead" ang nakita nya. At mukhang alam na nya kung kanino galing yun. Dali-dali syang nagpunta sa tambayan ng mga ito at ng makita nya ang binata ay nilapitan nya agad ito.


Elmo : (nakangiti) Hey guys,look who's here, ang MyJaps ko dinadalaw ako.

Derrick : Ang lakas mo talaga tol,ikaw na dinadalaw ng babae.

Kristoffer : Feel na feel ni Moe oh.

Alden : Tigilan nyo na nga yan. Kayo talaga. (tumingin ito sa dalaga) Anong maipaglilingkod namin sa'yo magandang binibini?

Elmo : Den,tigilan mo nga pagpapapansin sa nobya ko.

Julie : Ikaw ang tumigil,tumigil ka sa ilusyon mo. Ang kapal ng mukha mong sabihin na nobya mo ako,mangilabot ka nga!


Pagkasabi nun ay inilagay ng dalaga ang Blue Note sa noo ng binata na ikinagulat naman ng barkada nito at maging ito mismo.


Julie : Sa susunod wag na wag mo ako papadalhan ng Blue Note dahil hindi mo ako kilala. Hindi porket naka-jeans lang ako at simpleng blouse ay pwede mo na ako bastusin. You dont know me that much. If you want war,I will give it to you!


Pagkasabi nun ay mabilis na tinalikuran at umalis na ang dalaga. Iniwan ang buong barkada na lahat ay tulala.


Derrick : Im so...speechless!

Kris : Me too!

Alden : Kakaiba sya. feeling ko hindi sya poor katulad ng iniisip mo.

Elmo : Aalamin ko kung anong pagkatao meron sya.


Inis na inis ang dalaga. Hindi nya akalain na may gagawa sa kanya ng ganun sa school na yun. Ang tahimik ng mundo nya tapos dadating ang binata para lang sirain yun.


Elmo : Alamin mo kung anong pagkatao nya. Sundan mo kung kinakailangan. Wag ka lang papahalata.

Detective : Sige po.

Elmo : Pag may nalaman ka na,sabihin mo agad sa akin.

Detective : Okay po.

Elmo : Sige pwede ka ng umalis.


Tumango ang inutusan ng binata at umalis na ito.


Elmo : Malalaman ko rin kung anong klaseng pagkatao meron ka.

Pia : (biglang pasok) Anak bumangon ka na at gumayak. May pupuntahan tayo.

Elmo : Saan naman po?

Pia : May ipapakilala ako sa'yo.

Elmo : Sino po?

Pia : Ang co-owner natin sa University. Makikilala mo rin ang kanyang anak na dalaga na sa pagkakaalam ko ay isang judo master.

Elmo : Sound interesting. Sana lang magkasundo kami.

Pia : Im sure of that.


Nag-ayos na nga ang binata. Hindi nya alam bakit excited sya at parang gustong-gusto nya maging gwapo sya mamaya sa pupuntahan nila.


Pia : Hello Amiga!

Girl : Hello din Amiga!

Pia : Amiga,ang anak ko nga pala,si Elmo. Elmo ang Tita Mari mo.

Elmo : Hello po Tita. Kamusta po?

Mari : Hello din Elmo. Ok naman ako.

Pia : Mari,ang dalaga mo nga pala nasaan?

Mari : Ayon nagpunta ng Comfort Room,inaayos ang sarili.

Elmo : Ganun po talaga ang mga dalaga,pala-ayos.

Mari : Ay naku Elmo. Kung alam mo lang,ngayon lang sya naglagay ng make-up.

Elmo : Talaga po?

Mari : Oo. (biglang napangiti) Andyan na pala sya eh.

Girl : Sorry Mama kung nagtagal ako.

Mari : Ok lang Anak. Oo nga pala,ang Tita Pia mo.

Girl : Hello po. Kamusta po? Ako nga po pala si Julie.

Pia : Hello Baby,nice to meet you. Oo nga pala,ito nga pala ang anak ko,si Elmo.

Julie : Hi Mayabang.

Elmo : Ikaw?!

Julie : Ako nga. Bakit,may problema ka?


Napalunok ang binata habang tinititigan ang dalaga mula ulo hanggang paa. Hindi nya akalain na sa likod ng laging naka-tirintas na buhok nito at nerd na salamin ay nagtatago ang isang napakagandang mukha. Literal na hindi makapagsalita ang binata.


Pia ang Mari : Magkakilala ba kayo?

Julie : Opo. Classmate po kami.

Pia : Talaga? Kamusta sya bilang estudyante?

Julie : (tinitigan muna ang binata bago nagsalita) Okay naman po sya. Mabait sya. Mabait sa kanyang sarili.

Pia : What?! Anong ibig mong sabihin Iha?

Julie : In short bully po sya.

Pia : Elmo?

Elmo : Yeah Mama. Aaminin ko bully ako,yun ay sa kanya lang.

Mari : Anong ibig mong sabihin sa anak ko lang?

Elmo : Tita,wag sana kayong mabibigla. si Japs at ako ay...magkasintahan.

Julie : Liar!

Pia : Totoo ba ito anak?

Elmo : Opo.

Mari : Anak,bakit mo naman itinago sa akin. Hindi naman ako magagalit?

Julie : Ma,hindi totoo ang sinasabi nya. Hindi ko sya boyfriend!

Elmo : No Tita,girlfriend ko po sya at kaya ko yan patunayan. Kahit itanong nyo pa sa mga kaibigan ko.

Julie : You beast,bawiin mo yung mga sinabi mo!

Elmo : Hindi ko babawiin kasi yun ang totoo.

Julie : I cant take it anymore. Im sorry Mama and Tita Pia but I really need to go. Ayoko na!


Pagkasabi nun ay maagap na kinuha ng dalaga sa lamesa ang purse nya at umalis na.


Mari : Una na ako Amiga,susundan ko muna ang anak ko.

Elmo : No Tita. Ako na po ang susunod at maghahatid sa kanya. Pasensya na po kayo kung sa ganitong pagkakataon nyo pa nalaman. Tampuhan lang po ito.

Mari : Oh sige at may pag-uusapan pa kami ng Mommy mo.

Pia : Sige na anak,sundan mo na ang girlfriend mo at baka mapahamak pa yun.

Elmo : Sige Mommy,Tita aalis na po ako. Ingat po kayo pag-uwi.


Pagkasabi nun ay umalis na ang binata para habulin ang galit na galit na dalaga.


Monday, September 10, 2012

Epilogue - Together Forever

Pagkalipas ng 5 taon.


Ely : PK ko...

Toyang : Yes?

Ely : (niyakap ang nobya) Ang tagal na din natin no?

Toyang : Oo nga eh. Akalain mo yun?

Ely : Bakit para naman hindi ka makapaniwala dyan?

Toyang : Eh kasi naman ang dami na din natin napagdaanan.

Ely : Tama ka dyan. Lalo na nung akala ko iniwan mo na talaga ako.

Toyang : (natawa)

Ely : Oh bakit ka natatawa dyan?

Toyang : Eh kasi naalala ko yung hitsura mo nung  madatnan ka namin ni Daddy sa harap ng bahay namin.

Ely : (napakamot ng ulo)

Toyang : Para kang bata nun na iniwan ng nanay mo haha!

Ely : Naman eh. Pero hindi ko ikinakahiya yun.

Toyang : Wow lang ha. Mukhang kawawa ka na dun eh.

Ely : Yun kasi yung the best moment na nagyari sa buhay ko. Yun yung time na bumalik ka at naging okay ilit tayo.

Toyang : (napangiti)

Ely : Uy kita ko yun. Kinilig ka oh!

Toyang : Hindi kaya!

Ely : Kinilig ka eh! Nag-blush ka oh!

Toyang : (hinampasa ang nobyo) Kainis ka!

Ely : (niyakap ang nobya mula sa likod) Mahal na mahal kita PK ko.

Toyang : (hinawakan ang mga kamay ng nobyo na nakayakap sa kanya) Mas mahal kita PK ko.

Ely : (hinarap ang nobya) Hindi. Mas mahal kita. Mahal na mahal kita.

Toyang : (ngiti) Mas mahal na mahal na mahal kita PK ko.

Ely : (ayaw magpatalo) Mas mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita PK ko.

Toyang : (niyakap ang nobyo) Ang dami ng  Mahal nun.

Ely : (niyakap din ang nobya) Syempre mahal kita eh.


Limang taon na nga ang nakalipas mula ng mangyari ang akal ng binata ay mawawala na sa kanya ang nobya. Ngayon ay pareho na silang tapos ng pag-aaral at pareho ng may trabaho. Si Ely ay isa ng kilalang photographer habang si Toyang naman ay tanyag na wedding singer.


Ely : Sige na kasi Ate.

Jas : Ely naman eh.

Ely : Hindi naman mahirap yun.

Jas : Ely!

Ely : Ate please. Si Angelo nga at si Raz payag eh.

Jas : Okay panalo ka na.

Ely : Talaga Ate?

Jas : Oo nga sabi!

Ely : (niyakap ang kapatid) Thank you Ate!

Jas :Sige na at may gagawin pa ako. Sana maging success yan.

Ely : Sigurado yun!


Sa bahay ng mga Escueta.


TD : Anak wag ka muna matutulog ha.

Toyang : Bakit po Daddy?

TD : Basta. Chess muna tayo later. Bonding tayo.

Toyang : Sige po. Tagal na din natin ndi nagagawa ito eh.

TD : (bulong) Buti pumayag sya.

Toyang : Ano po yun Dad?

TD : Ah wala anak. Ang sabi ko,kukunin ko lang ang chessboard.

Toyang : Sige po.


Umalis saglit ang Daddy ni Toyang para kunin ang chessboard. Hindi pa nakakababa ang ama nya ay may narinig sa labas ang dalaga. Pumunta sya sa terrace at nakita nya si Ely sa labas na may dalang whiteboard.


Ely : PK ko!

Toyang : Hoy anong ginagawa mo dyan? Ang lakas ng ulan oh!

Ely : Eh naka-payong naman ako eh.

Toyang : Pumasok ka na nga lang dito sa loob!

Ely : Hindi pwede!

Toyang : Bakit?

Ely : Kasi...

Toyang : Kasi ano?


Hindi na nakapagsalita ang dalaga ng isa-isang lumabas sina Jas, Raz, Angelo, Jepoy, Ben, Cholo and Tita Evelyn na may dalang whiteboard.


Toyang : Hoy ano yan PK?

Ely : Tingnan mo na lang at basahin!

Toyang : Sige.


Isa-isang binuklat ng mga ito ang dala nila.


Jas : Will

Raz : You

Angelo : Be

Jepoy : The

Ben : Mother

Cholo : Of

Tita Evelyn : My


At sa huli si Ely ang naglabas ng whiteboard nya.


Ely : Child?


Napakunot-noo ang dalaga sa mga nabasa pero naka-ngiti.


Toyang : Mother agad,hindi ba pwedeng kasal muna?

Ely : (ngumiti) Para maiba lang. Pero itatanong ko din naman yan eh. Yun nga lang hindi nakasulat sa whiteboard.

Toyang : Eh paano?


Biglang lumabas si Yaya na may dalang megaphone at binigay kay Ely. Napangiti lalo ang dalga dun.


Ely : (gamit ang megaphone) PK ko,alam mo naman na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita. Kaya ang tanong ko lang,pwede bang magpakasal ka na sa akin?


Napaiyak ang dalaga sa proposal ng nobyo kaya naman si Ely dali-daling umakyat sa taas para puntahan ang nobya.


Ely : PK ko,wag kang umiyak please?

Toyang : Eh hindi ko mapigilan eh.

Ely : Eh bakit ka ba umiiyak? Nagpo-propose lang ako eh.

Toyang : Eh kasi naman bakit ngayon ka lang nag-propose?

Ely : (naguluhan) Ha?

Toyang : (ngumiti) Kasi kung hindi ka pa nag-propose ngayon,baka ako na yung mag-propose eh.

Ely : Haha kung ginawa mo yun magiging kahiya-hiya naman ako.

Toyang : Sweet kaya nun. Kakaiba. Pero ung wedding proposal mo kakaiba ha. Gustong-gusto ko.

Ely : (ngumiti) So ibig sabihin ba nyan...payag ka na?

Toyang : Hmmmn...

Ely : Anong hmmn?

Toyang : Tanungin mo muna si Daddy kung payag sya.

Ely : Papayag yun sigurado!

Toyang : Paano mo nasabi?

Ely : (tumingin sa likod ng dalaga) Yun oh. Sabi nya oo.


Paglingon ng dalaga ay nakita nya ang ama na dala ang whiteboard nya na may nakasulat na OO. Lumapit sya sa ama at niyakap ito.


Toyang : Akala ko po ba chessboard ang kukunin nyo?

TD : Sabi ko lang yun. Kakuntsaba nya din ako eh.

Toyang : Ang daya. Naisahan nyo akong lahat. Teka nasaan na nga pala sina Ate Jas?

Jas : Andito kami!

Toyang : So ibig bang sabihin nito Dad pinapamigay nyo na ako?

TD : Ayoko sana eh kaso lang yang si Ely ndi naman yan mapipigilan so ibinibigay na kita sa kanya. Mabawasan man lang sakit ng ulo ko. (ngiti)

Toyang : Eeeeh naman eh. Daddy talaga!

TD : Seriously anak,mahal ka talaga nya kaya payag na ako magpakasal kayo.

Jepoy : Yun yun eh!

Angelo : Teka kung magpapakasal kayo,sinong photographer?

Raz : Eh sino din ang wedding singer?

Cholo : Ako pwede naman ako maging wedding singer.

Ben : At pwede naman din ako maging photographer.

Ely : Yun ayos na pala eh. Kompleto na lahat.

Toyang : Mukha naman planado mo na lahat to PK eh.

Ely : Ayoko lang kasi hindi matuloy PK ko. Baka mamaya nyan may isang Yago pa umagaw sa'yo sa akin eh.

Toyang : Speaking of him. Dadating na sya next month.

Ely : Ah ganun? So dahil dyan next week pakasal na tayo!


Nagtatawana ang lahat ng marinig ang sinabi ni Ely. Halatang-halata kasi dito ang selos. Kahit kailan talaga napakaseloso nito.


Toyang : (bulong) Seloso.

Ely : Hindi mo naman ako masisisi. Ang ganda mo kasi PK. Basta akin ka lang ha.

Toyang : Oo naman. akin ka lang din.

Ely : Syempre. Pakasal na kaya tayo bukas?

Toyang : Over ka na ha!

Ely : De joke lang. Pero next week talaga pakasal na tayo please.

Toyang : As you wish My PK.

Ely : (niyakap ang nobya) I love you,love you,love you,love you.love you,love you,love you PK ko.

Toyang : Dami nun ah. I love you too PK ko.


At masayang nag-moment ang dalawa. Hindi na pinansin ang mga kasama nila sa bahay na busy na pag-aayos ng kung ano mga kailangan sa kasal nila.


Ely and Toyang : We are Together Forever.

Friday, September 7, 2012

Finale - Together Forever


Dahil sa nangyari ay iniwasan ni Ely ang nobya. Hindi naman sya galit dito. Yun nga lang nadadamay ito sa galit nya dahil sa ama nito.


Jas : May problema ba kayo ni Toyang?

Ely : Wala Ate.

Jas : Eh bakit parang hindi mo sya pinupuntahan ngayon?

Ely : Busy kasi sya.

Jas : Ah okay.

Ely : Sige Ate,alis na muna ako.

Jas : Sige.


Pagkaalis ng binata makalipas ang ilang minuto ay dumating naman sina Raz at Angelo na kasama ang Daddy ni Toyang.


Jas : Oh Tito,ano po ginagawa nyo dito?

TD : Nagpunta ako dito dahil may gusto akong sabihin.

Jas : Ano po yun Tito?

TD : Teka asan pala si Ely?

Jas : Umalis po eh. Hindi nyo po ba nakasalubong?

Angelo : Hindi eh.

Jas : Tito ano nga pala yung gusto nyong sabihin?

TD : Actually hindi lang talaga dapat sabihin. Ang totoo ako ay...ay...ay aamin. (yumuko)

Jas : Teka Tito naguguluhan po ako. Maupo muna po tayo.


Pumasok ang lahat sa may sala at naupo.


TD : Hindi ko alam kong paano ko ito sasabihin pero dapat matagal ko na itong ginawa.

Jas : Ano po ba talaga yun Tito? (naguguluhan)

TD : Mga anak,gusto kong sabihin na...na...na ako ang dahilan ng pagkamatay ng magulang nyo. Pero hindi ko talaga sinasadya yun.

J/A/R : Ano?!

TD : Pagpaliwanagin nyo muna ako bago kayo magsalita pakiusap.

Jas : (nakabawi na) Sige po.


Kinuwento lahat ng Daddy ni Toyang ang mga nagyari. Kung paano nya nabangga at iniwan ang mga magulang nina Toyang sa kalsada. Kung paanong araw-araw sya binabagabag ng kanyang konsensya.


Jas : Pero Tito bakit ngayon nyo lang po sinabi?

TD : Matagal ko na gusto sabihin. Kaya lang pag umamin ako paano si Toyang? Wala na nga ang Mommy nya,wala pa din ako. Wala naman syang kapatid o kamag-anak dito.

Jas : (naintindihan) Alam na po ba ni Toyang to?

TD : Oo. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nalaman nya ito nung isang araw. ang totoo ito ang dahilan kung bakit hindi sila nagpapansinan ni Ely.

Jas : Po? Bakit po?

TD : Galit na galit si Ely. Hindi ko sya masisisi kasi magulang nya yun. Dangan nga lang dahil anak ko si Toyang nadamay ito.

Jas : Pero wala pong kasalanan si Toyang dito.

TD : Alam kong alam yan ni Ely. Kaya lang sa ngayon sarado ang utak nya sa katotohanan.

Jas : Hindi ko din sya masisisi sa kanyang nararamdaman pero dapat po na hindi nya dinamay ang walang malay sa mga nagyari. Ano po pala ang pasya nyo?

TD : Susuko ako. Kung ano man mangyari sa akin kayo na ang bahala sa anak ko. Pakiusap wag nyo syang pababayaan.

Jas : (tumango) Kamusta na nga po pala sya?

TD : Ayon malungkot. Nagmumukmok sa kwarto at hindi makausap ng maayos. Pumapasok at umuuwi ng tulala.

Raz : Kawawa naman si Ate Toyang.

Angelo : Tama ka. Kaya pala hindi sya nagpupunta dito.

Jas : Hayaan nyo po Tito kung ano man po kalabasan nito,asahan nyo po na ndi namin pababayaan si Toyang.

TD : Salamat mga anak.


Ang lahat ng napag-usapan ng Daddy ni Toyang at ng kanyang mga kapatid ay narinig lahat ni Ely. Nanlulumo sya at nagsisisi sa kanyang mga nagawa.


Ely : Wag po kayong mag-alala Tito. Hindi po kami magsasampa ng kaso.

TD : Ely?!

Ely : Naiintindihan ko na po ang lahat. Hindi na po maitatama ng isa pang mali ang isang kamalian.

Jas : Tama yun.

TD : Salamat anak. Patawarin nyo akong lahat.

J/A/R/E : Pinapatawad na po namin kayo.


At nagyakap ang lahat. Pare-parehong lumuluha.


Ely : Tito patawarin nyo po ako dahil naidamay ko ang PK ko.

TD : Naiintindihan ko anak.

Ely : Hindi ko sya dapat sinaktan dahil wala naman syang kasalanan.

TD : Actually naiintindihan ka naman nya eh.

Ely : Kahit na po. Nangako ako sa puntod ng magulang ko na hindi ko sya sasaktan pero anong ginawa ko. Ang sama-sama ko. (lumuha na)

TD : (tinapik sa likod ang binata) Isa lang naman dapat mong gawin eh.

Ely : Ano po yun?

TD : Ang puntahan sya at kausapin. Yun ay kung ayaw mo talaga sya mawala sa'yo.

Ely : Hindi ko po talaga kaya na mawala sya Tito. Salamat po sa pagpapatawad sa akin.

TD : Ako ang higit na dapat humingi ng tawad sa inyo. Sa laki ng kasalanan ko. Patawarin nyo ako.

J/A/R/E : Pinapatawad na po namin kayo.

TD : Salamat.


Sa wakas nagka-ayos na rin at nagkapatawaran. Isa na lang ang problema.


Toyang : Aalis na po ako Dad.

TD : Hindi ka pa nakakakain ah.

Toyang : Hindi po ako nagugutom.

TD : Anak iniiwasan mo ba ako?

Toyang : No Dad. Wala lang po talaga akong gana.

TD : Dahil ba yan kay Ely?

Toyang : Aalis na po ako Dad. Sige po.


Hindi na hinintay ni Toyang ang sagot ng Daddy nya at dali-dali na syang bumaba. Pagbukas nya ng gate ay nagulat sya sa nakita.


Toyang : E - Ely...

Ely : (inabot ang bulaklak)

Toyang : Bakit mo ako binibigyan nito?

Ely : PK...gu -gusto ko sa -sanang humingi ng tawad.

Toyang : Bakit may kasalanan ka ba?

Ely : (lumuhod) PK please...patawarin mo na ako. Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko.

Toyang : (lumingon-lingon) Tumayo ka nga dyan. Baka may makakita sa'yo.

Ely : Hindi ako tatayo dito hanggang hindi mo ako pinapatawad.

Toyang : (namewang) Ah ganun?

Ely : (nakatingala) Oo.

Toyang : Ok. (biglang tumalikod) Dyan ka na. maaga pa klase ko.


Pagkatapos sabihin yun ay nagtatakbo na ang dalaga palayo sa binata. Tumayo naman ang binata at hinabol ang dalaga.


Ely : PK hintay!


Halos araw-araw nakasunod si Ely kay Toyang. Sinusuyo nito ang dalaga. Araw-araw iba't-ibang surprise ginagawa ng binata. Hindi sya titigil hanggang hindi nya nakukuha ang kapatawaran ng dalaga. Tulad ngayon,sana lang mapatawad na sya ngayon ng dalaga.


Toyang : Pare ano bang meron dito sa school ngayon?

Jepoy : Bakit ba?

Toyang : Tingnan mo lahat ng tao takbuhan sa isang direction tapos pag nakakasalubong nila ako,ang laki ng ngiti nila sa akin.

Jepoy : Eh bakit hindi na lang natin kaya puntahan yung lugar na pinupuntahan din nila?

Toyang : Sabagay. puntahan nga natin ng hindi naman ako sobrang curious nito.


Pinuntahan nga nila ang lugar kung saan punong-puno ng tao at nagulat ang dalaga ng pagdating nya biglang nahawi ang daan na punong-puno ng mga estudyante. Mas lalo syang nagulat sa nabasa nya.


DEAR ANTOINETTE ESCUETA,

I LOVE YOU...PLEASE FORGIVE ME BEFORE I COULD GO INSANE. I CANT LIVE WITHOUT YOU BECAUSE MY HEART IS IN YOU...PLEASE MAKE ME LIVE AGAIN. I LOVE YOU PK KO!


LOVE,

ELY TRINIDAD


Pagkabasa nun ay biglang lumabas si Ely na may hawak na white board. Nang iharap yun ng binata ay napaiyak ang dalaga sa nabasa.


"Can you forgive me and be my girlfriend again?"


Lumapit si Ely kay Toyang na lumuluha na at pinahid ang mga luha nito sa pisngi.


Ely : Wag kang lumuha PK,nasasaktan din ako. di ba sabi ko sa'yo rock and roll lang palagi?

Toyang : Yeah happy thoughts lang.

Ely : Yung tanong ko. Anong sagot mo?

Toyang : Alin ba dun?

Ely : Yung nasa white board.

Toyang : (ngumiti) Sa tingin mo anong sagot ko?

Ely : Umiyak ka kaya sa tingin ko...Yes?

Toyang : (tumango) Yes.

Ely : (hindi makapaniwala) Yes? As in pinapatawad mo na ako at girlfriend na ulit kita?

Toyang : (tumango ulit) Hindi naman tayo nag-break ah.

Ely : (biglang nagtatalon) Yes! Kami na ulit ni Toyang! Ako si Ely Trinidad ay girlfriend na ulit si Antoinette Escueta,buhay na ulit ako!


Naghiyawan at nagkagulo ang lahat ng marinig yun. Lahat ay masaya at binabati sila. Pero sa lahat sila ang masaya dahil finally ayos na ang lahat. Dahil finally they are now TOGETHER FOREVER.


Ely : I love you PK ko.

Toyang : I love you too PK ko.

Ely : And we are now together.

Toyang : Yeah together...forever.

Ely : We are together forever na talaga.


At magkahawak ang mga kamay na sabay silang umalis sa lugar na yun na parehong may ngiti sa mga labi.

Chapter 13 - Together Forever

Ely : ang saya ko naman ngayon.

Toyang : Bakit naman?

Ely : Kasi finally naipakilala na kita sa mga magulang ko hindi bilang bestfriend na lang,na girlfriend na kita ngayon.

Toyang : Aww. Ang boyfriend ko talaga naman oh.

Ely : Yun oh. Tinawag mo na akong boyfriend.

Toyang : Eh di ba tama naman yun. alangan naman girlfriend kita haha!

Ely : Pilosopo ka talaga. Kung hindi lang kita mahal eh...

Toyang : Uy nagtatampo ang boyfriend ko. ( inamo ang binata)


Tumalikod ang binata sa dalaga pagkatapos ay biglang humarap ng naka-ngiti tapos tinapik ang dibdib at sumigaw :


"Ako si Ely Trinidad ang boyfriend ni Antoinette Escueta, mahal na mahal ko sya. Ang nag-iisang PK ko!"


Dali-daling nilapitan ni Toyang si Ely dahil sa kahihiyan.


Toyang : Ano ka ba? Wag ka ngang maingay dyan!

Ely : Eh bakit ba. Totoo naman yun at saka gusto kong malaman ng lahat na boyfriend mo ako no.

Toyang : Oo na nga. Sige na umuwi ka na at aakyat na ako sa taas.

Ely : Pinaaalis mo na ako? (tampo)

Toyang : Hindi sa ganun. Kaya lang hating-gabi na no. Maaga pa pasok natin bukas.

Ely : Oo nga pala. Okay aalis na ako. (lapit sa dalaga sabay halik sa noo) Goodnight PK ko.

Toyang : Goodnight PK ko.


Pagkaalis ng binata ay umakyat na sa taas ang dalaga. Nasa likod na sya ng pintuan ng marinig nyang nagsasalita mag-isa ang Daddy nya. Nang silipin nya ito ay nakita nyang hawak nito ang picture ng Mommy nya.


" Sweetheart,dalaga na talaga ang baby natin. May boyfriend na sya. Kilala mo naman si Ely di ba? Alam kong aalagaan nya ang anak natin kasi mabait yun at ang pamilya ng mga yun kaya lang paano na pag nalaman nila na ako ang dahilan ng pagkamatay ng magulang ni Ely. Mapapatawad kaya nila ako?"


Toyang : Anong sabi nyo Dad?

TD : Anak?!

Toyang : Totoo po ba yung mga narinig ko?

TD : (yumuko) Totoo yun anak.

Toyang : Pero paano nangyari yun Dad?

TD : Naalala mo ba yung lagi akong nag-iinom dahil sa pagkawala ng Mommy mo?

Toyang : (tumango)

TD : Yun yung time na yun. Nag-drive ako ng nakainom at nabangga ko sila. Bumaba ako para tingnan at ng makita ko na sila yun natakot ako. Iniwan ko sila. Hindi ko sinasadya yun.

Toyang : Pero Daddy dapat sumuko kayo.

TD : Pag sumuko ako paano ka na? Wala na nga ang Mommy mo wala pa ako. Kaya nga lagi akong nag-iinom,hindi dahil iniisip ko pa rin ang Mommy mo kundi dahil binabagabag ako ng konsensya ko.

Toyang : Daddy...

TD : Sorry anak. Siguro nga panahon na para sumuko ako at ipaalam sa kanila ang lahat.


Pagkatapos sabihin yun ay umakyat na ang Daddy ni Toyang. Naiwan ang dalaga na naguguluhan at napapaluha. Iniisip nya kung paano na sila ni Ely.


Toyang : PK...


Sa school kinabukasan.


Jepoy : Toyang!

Toyang : Oh bakit?

Jepoy : Punta tayo sa Auditorium.

Toyang : Bakit? Anong meron dun?

Jepoy : Ewan ko. Basta hinihintay ka na este tayo pala ni Ely dun.

Toyang : Ano naman kayang pakana nya ngayon?

Jepoy : Aba ewan ko. (ngumiti)

Toyang : Iba yang ngiti mo pare ah.

Jepoy : Ndi ah. Basta punta na tayo dun.

Toyang : Sige na nga.


Nagpunta ang dalawa sa Auditorium at naabutan nila si Ely na nasa stage at may inaayos. Mukhang kakanta ang banda nito pero hindi alam ng dalaga kung anong okasyon. Nang makita ng binata ang dalaga ay hinawakan nito ang microphone at nagsalita.


Ely : Buti na lang dumating ka PK ko. (ngiti)

Toyang : (naguguluhan) Ano bang meron PK ko?

Ely : Kasi nag-compose din ako ng kanta para sa'yo.

Toyang : Din?

Ely : Oo. Alam ko naman na yung kanta na nakita ni Shirley eh compose mo para sa akin.

Toyang : (kunot ang noo)

Ely : Wag mo ng tanungin bakit ko nalaman. Basta alam kong akin sya. At dahil mahal na mahal kita PK,hindi mo ako mapipigilan. Nag-compose din ako para sa'yo.. Pakinggan mo maige bawat linya okay?

Toyang : (tumango)


Nagsimula na nga kumanta ang binata.



Let the sun shine let the rivers run away
Coz its a beautiful day now to play now
As I close my eyes and pray lord have mercy on me
Coz im feeling kinda lonely
would you be could you be
My one and only


Habang kumakanta ang binata ay unti-unti naman itong bumaba ng stage kung saan nakikinig ang dalaga.


Took a train at a station
And almost lost my patience coz I was waiting
Damned rain delayed the train
Now Im waitin in vain  just to see your face
Is this the one that Im supposed to be afraid of
Is this the one that Im supposed to be ashamed of
Hard as a rock not soft like play-do
Everytime I hear a song playing on the radio


Nang makalapit na ang binata ay hinawakan nya ang pisngi ng dalaga na lumuluha na. Pinahid ng binata ang mga luha sa pisngi ng dalaga.


Let the wind blow let the wind touch my face
I wanna take a little break now shake now
This is what I have to say
I feel so fine so fine that it blows my mind
Tell the truth when will you be mine


And in my dream you are so real so it seems
Inside my head a giant screen plays every scene
While I scream I feel you everytime I go to sleep
Wake up in the middle of the night  and I weep
Gotta be mine that girl is so fine
Girl be mine girl be mine
All it takes is a matter of time


And in my dream you are so real or so it seems
Inside my head a giant screen plays every scene
So you see I feel you everytime I go to sleep
All it takes is a matter of time
Tell the truth will youl be mine


Nang matapos kumanta ang binata ay niyakap nya ang dalaga. Bumitaw ang dalaga na lumuluha pa rin. Nagtaka nama si Ely sa ginawa ni Toyang. At mas lalo syang nagulat ng tumakbo ito at iwan sya sa Auditorium na ikinagulat din ng mga tao dun. Binitiwan nya ang microphone at hinabol ang nobya.


Ely : PK hintayin mo ako!

Toyang : (patuloy sa pagtakbo)


Naabutan ng binata ang dalaga sa may hagdanan bago pa ito nakalayo. hinawakan nya ito ng mahigpit at pinigilan.


Ely : PK ano bang problema?

Toyang : (umiiyak pa rin) Im sorry Ely.

Ely : (nagulat sa tawag sa kanya ng nobya) Bakit?

Toyang : Umamin kasi kagabi sa akin si Daddy.

Ely : Anong inamin nya?

Toyang : Inamin nya na...na...na...na sya ang may kasalanan kung bakit namatay ang magulang mo.

Ely : Paanong...?


Ikinuwento lahat ng dalaga sa nobyo ang lahat ng inamin ng ama nya. Habang nagkukwento sya ay kitang-kita ni Toyang ang galit sa mga mata ni Ely.


Toyang : (patuloy ang pagluha) Im sorry Ely.

Ely : (matigas ang boses) Wala ng magagawa ang sorry mo. Wala na ang mga magulang ko.

Toyang : Ely...

Ely : Wag muna tayong mag-usap.


Pagkatapos sabihin yun ay iniwan ni Ely ang nobya na lumuluha pa rin. Napaupo na lang ang dalaga sa may hagdanan.