Saturday, August 4, 2012

Chapter 6 - Together Forever

Ely : Bakit ba hindi ka maka-initindi Shirley?

Shirley : Bakit ka ganyan Ely?

Ely : Anong bakit ako ganito?

Shirley : Porke nagselos ako,nakipag-break ka kaagad.

Ely : Kasi nakakasawa ka na,lagi ka na lang selos,kakapagod na!

Shirley : Dahil kaselos-selos naman talaga sya,wala ka ng bukambibig kundi pangalan nya!

Ely : Anong magagawa ko,nasanay ako na lagi syang kasama ko.

Shirley : Yun nga eh,sa sobrang sanay mo hindi mo na alam kung parekoy pa rin ba ang tingin mo sa kanya!

Ely : Oo alam ko,dahil ngayon ko lang narealized ang lahat!

Shirley : Anong na-realized mo?

Ely : Na mahal ko. Na mahal na mahal ko sya!

Shirley : Kita mo na. Eh di umamin ka rin!

Ely : Wala na rin silbi ang pag-amin kong ito.

Shirley : Ha?

Ely : Dahil si PK na at si Angelo,bwisit!

Shirley : Haha,kawawa ka naman pala. Ang taong mahal mo talaga na sa'yo na pinakawalan mo pa.

Ely : Kasalanan mo to eh!

Shirley : Why me?

Ely : Kasi nakilala pa kita,eh di sana kami na lang!

Shirley : Sa totoo lang Ely wala naman sa akin ang problema,na sa'yo mismo kasi nabulag ka sa friendship nyo. Kung hindi mo pa makikita na may kasama syang iba,hindi mo pa ma-realized na mahal mo sya.

Ely : (tahimik lang)

Shirley : Tanggap ko na Ely na hindi pwedeng maging tayo kaya ngayon pinapalaya na kita. Hindi na kita guguluhin.

Ely : Salamat Shirley.

Shirley : Sige aalis na ako. Ingat ka na lang lagi.

Ely : Sige,ikaw din.

Shirley : Bye Ely, (akmang aalis na)

Ely : Bye.

Shirley : Ely...

Ely : Oh bakit bumalik ka?

Shirley : Gusto ko lang sabihin sa'yo na kung talagang mahal mo sya,ipaglaban mo. Wag mong kalimutan ikaw pa rin ang nauna. At feeling ko naman may gusto sya sa'yo.

Ely : (natawa) May gusto sa akin?

Shirley : Maniwala ka Ely,iba ang mga tingin nya sa'yo. Babae din ako at alam ko yung ganung feeling. Sige aalis na talaga ako.

Ely : Sige.


-------------------------------------------------------------------------------------------


Toyang : Gelo Kulit,may sasabihin ako sa'yo.

Angelo : Ano naman yun Tiny Toni?

Toyang : May nakilala ako noong isang araw.

Angelo : Sino naman yun?

Toyang : Si Yago.

Angelo : Yago? Yung anak ng may-ari ng village na ito?

Toyang : (nagulat) Bakit kilala mo sya?

Angelo : Ano ka ba? Barkada at classmate ko sya.

Toyang : Talaga? Wow!

Angelo : Paano mo nga pala sya nakilala?

Toyang : Nagkabanggaan kami sa school.

Angelo : Teka bakit mo nga pala sinasabi sa akin yan?

Toyang : Kasi Gelo Kulit,ang gwapo nya.

Angelo : So?

Toyang : Crush ko sya,na-starstruck ako sa kanya!

Angelo : Ang landi mo na ngayon Tiny Toni ha!

Toyang : Eto naman,sobra naman yun eh.

Angelo : Eh totoo naman eh.

Toyang : Kinikilig nga ako eh! (sabay yakap dito)

Angelo : Hoy wag mo nga ako manyakin Tiny Toni ha,hindi porke't macho ka eh haha!

Toyang : Eh masaya lang naman ako eh!

Angelo : May nakilala ka lang gwapo nakalimutan mo na ako. Nakalimutan mo ng fake lang relationship natin!

Toyang : Haha sorry naman!

Jasmine : (bagong dating) Tama ba yung narinig namin?

Raz : Oo nga Kuya Angelo,Ate Toyang?

Toyang : Ate Jas...Raz...kasi...

Angelo : Ako ang may kasalanan,may pinagseselos kasi kami. (ngiti)

Jasmine : At sino naman?

Raz : Baka si Kuya Ely,kita ko kasi nung isang araw nag-aaway sila sa labas ng bahay nina Ate Toyang eh.

Toyang : Hindi kaya!

Angelo : Tama ang Ate Toyang mo,hindi nga si Ely. May nagugustuhan kasi ako at yun pinagseselos namin sya.

Jasmine : Ah ganun ba.

Raz : Dapat nating ipaalam to kay Kuya Ely para hindi na sya magalit.

Toyang and Angelo : Hindi pwede!

Jasmine : At sabay pa kayo hah. Bakit hindi pwede?

Angelo : Ah kasi...kilala nya kasi yung gusto ko eh alam mo naman si Ely galit sa akin,baka sabihin pa nya dun sa babae.

Jasmine : Sabagay. Sige atin-atin na lang to.

Angelo : Salamat Jas.

Jasmine : Teka wala ba kayong napapansin kay Ely?

Angelo : Ano naman yun?

Jasmine : Lately kasi mas gusto nya mag-stay dito sa house.

Raz : Baka naman nag-away sila ni Shirley?

Julie : Baka naman busy lang.

Jasmine : Hindi eh. Tapos nung isang araw narinig ko sya nagpa-praktis.

Julie : Ano naman pina-practice nya Ate?

Jasmine : Sabi nya "I love you" tapos hindi ko marinig yung kasunod kasi humihina yung boses nya.

Julie : Baka naman Ate hindi nya yun masabi kay Shirley tapos pina-practice nya lang.

Jasmine : Ewan ko pero parang hindi eh.

Angelo : Hayaan nyo na nga lang sya,focus na lang tayo sa pagpapanggap namin.

Raz : Tama Kuya Angelo,pagselosin nyo din si Kuya Ely!

Jasmine : Oh bakit naman nasali si Ely dito sa selosan?

Raz : Para ma-realize nya na si Ate Toyang yung talagang mahal nya at hindi ang Shirley na yun!

Jasmine : Sabagay nga,mas boto naman ako dito kay Toyang kesa sa babaing yun.

Angelo : Ako din!

Julie : Mga sira!


-------------------------------------------------------------------------------------


Lalaki : Pare,pwedeng magtanong?

Ely : Ano yun pare?

Lalaki : Saan ba dito may tindahan ng bulaklak?

Ely : Ah dun sa kabilang shop meron dun.

Lalaki : Salamat pre.

Ely : Walang anuman.

Lalaki : Nga pala,ako nga pala si Yago.

Ely : Ako naman si Ely.

Yago : Nice meeting you pare.

Ely : Same to you. Swerte naman ng babaeng bibigyan mo ng bulaklak.

Yago : She's special.

Ely : I see. Sige pare una na ako. May pupuntahan pa kasi ako eh.

Yago : Sige pare.


Nagmamadaling umuwi ang binata. Pupuntahan nya kasi si Toyang pero bago sya magpunta sa bahay ng mga ito ay umuwi muna sya sa kanilang tahanan at nag-ayos. Inabot din sya ng mahigit isang oras bago natapos. Hanggang sa nagpasya na syang lumabas at magpunta sa bahay nina Toyang.


Ely : Haist,this is it! Papatunayan ko sa kanya na ako talaga yung last man standing at ako lang yung nararapat sa kanya. Magtatapat na ako. Walang urungan to!


Naglakad na si Ely at tumawid papunta sa kabilang bahay. Binuksan nya ang gate katulad ng naka-gawian na lang nya. Paakyat na sana sya ng matigilan sya sa nakita. Si Toyang may kaharap na lalaki,ang lalaki ay nakaluhod at may hawak na bulaklak. Nanlaki ang mga mata nya ng makilala ang lalaki.


Ely : Si PK ang tinutukoy nya na special na babae?

No comments:

Post a Comment