Monday, August 6, 2012

"EMAM"

Elmo : Hi Emam!

Julie : Tse! Hoy Elmo may initial akong akin no!

Elmo : Ah basta ikaw ang Emam ko.

Julie : Hoy Elmo hindi mo ako pwedeng tawaging Emam kasi may girlfriend ka na no.

Elmo : So what? Sabi mo nga girlfriend kaya girlfriend ko lang sya.

Julie : Kahit na! Wag mo na ulit akong tatawging Emam,JAPS ang initial ko okay?

Elmo : Wala akong narinig. Basta Emam ang tawag ko sa'yo,tapos.

Julie : Ang kulit mo! Teka lang,bukod sa initial ng name mo yung Emam,may iba ka pa bang ibig sabihin dun?

Elmo : Ewan. Wala akong naiisip na ibang naiisip eh,basta isang araw na-realize ko na lang na gusto kitang tawaging Emam.

Julie : Dapat itinawag mo na lang yun sa girlfriend mo eh.

Elmo : Ayoko nga.

Julie : At bakit naman?

Elmo : Kasi hindi bagay sa kanya pero pag sa'yo swak na swak,sarap pakinggan.

Julie : Elmo!

Elmo : Basta! Hayaan mo na lang ako. Sya aalis na ako,ingat ka! (sabay beso dito)

Julie : Walangya ka Elmo,manyak!

Elmo : Beso lang yun no!

Julie : Tse,bastos ka!

Elmo : Kahit kailan hindi ka na nasanay na kinikiss kita sa pisngi.

Julie : Eh ikaw lang gumagawa nun eh!

Elmo : Aba dapat lang! Pag may gumawa nun,mapapatay ko talaga!

Julie :  At bakit mo naman gagawin yun?

Elmo : Basta! Sya bye na talaga. Ingat ka pag-uwi Emam.

Julie : Hmpt ikaw din.


------------------------------------------------------


Maqui : Alam mo Best,nagtataka talaga ako dyan kay Elmo.

Julie : Bakit naman?

Maqui : Kasi bakit Emam ang tawag nya sa'yo.

Julie : Ewan ko nga ba dun,ilang ulit ko na nasabihan na wag akong tawagin ganun ayaw naman sumunod. Ang kulit lang.

Maqui : Hindi kaya may gusto sya sa'yo best?

Julie : Maqui ha,iba na yan! May girlfriend na sya no.

Maqui : Ewan ko talaga best pero iba ang kutob ko eh.

Julie : Ano naman yung kutob mo?

Maqui : Na yung girlfriend nya imaginary lang.

Julie : Hahaha! Iba ka talaga mag-isip best!

Maqui : Basta itataya ko ang dila ko,may gusto sya sa'yo!


-----------------------------------------------------------


Maxx : Moe totoo ba?

Elmo : Ang alin Maxx?

Saab : (bagong dating) Na break na kayo ni Lauren.

Elmo : Totoo yun.

Maxx and Saab : Thanks God luminaw na din ang mga mata mo.

Elmo : Bakit parang ang saya nyo pa yata dyan? Eh di ba kapatid yun ng bestfriend nyo?

Maxx : Eh ano naman? Hindi porket kapatid sya ni Meagan eh okay na kami sa kanya.

Saab : Oo nga no. Mas kinikilig pa nga kami sa inyo ni Julie eh.

Elmo : Oh bakit naman nasama si Julie dito?

Maxx and Saab : Eh kasi po Emam ang tawag mo sa kanya.

Elmo : Eh ano naman?

Saab : Kasi po parang ibinigay mo na sa kanya ang pangalan mo.

Maxx : Oo nga.

Elmo : Para yun lang. Mas gusto ko kasi syang tawaging Emam kasi pang-asar lang.

Saab : Pang-asar nga lang ba?

Elmo : What do you mean Saab?

Maxx : Hindi kaya sya yung mahal mo kaya ganun ang tawag mo sa kanya?

Elmo : Hey she's my bestfriend,yun lang yun!

Maxx : Kaya ba tuwing may manliligaw sa kanya lagi kang sumisingit,tama bang bakuran mo sya?

Saab : Oo nga Moe,tuwing may makikipag-date sa kanya hindi natutuloy kasi tinatakot at pinapagulpi mo agad.

Maxx : Ang masama pa hindi alam ni Julie yun. Feeling nya tuloy hindi sya maganda.

Elmo : Maganda si Julie. No,she's not simply pretty nor beautiful. For me she's look like the Queen of the Palace,The Jewel on the Hidden Treasures and lastly she's like a Goddess on the Olympus.

Maxx : Yun naman pala eh,bakit hindi mo ligawan,bagay na bagay naman kayo.

Elmo : Bestfriend ko sya.

Saab : So what? Dahil bestfriend mo sya,hindi mo na sya pwedeng ligawan?

Maxx : Ay naku Moe wag ka ng mag-isip dyan,kumilos ka na bago ka maunahan ni Alden,ikaw din!

Elmo : Anong ibig mong sabihin? Sinong Alden? (kunot-noo)

Maxx : Yan na nga ba sinasabi ko sa'yo eh. Ang bagal mo,yan tuloy napag-iiwanan ka na.

Saab : Si Alden po eh yung may-ari ng bar sa Eastwood kung saan kayo madalas tumambay ni Julie. Every wednesday andun sila,as in silang dalawa lang.

Elmo : What?! Kailan pa? (galit na)

Saab : Siguro mga isang buwan na.

Elmo : Bakit walang sinasabi sa akin si Julie about dito?

Maxx : Baka nakakahalata na ikaw yung malas sa kanya haha!

Elmo : Tse,lagot sa akin ang Alden na yun!

Saab : Ano naman gagawin mo? Hoy Elmo bestfriend mo lang si Julie,wala kang karapatan basta na lang manugod dyan.

Elmo : Nasa akin ang lahat ng karapatan kasi sya ang future Emam ko!


------------------------------------------------------------------------------------


Alden : Thank you again Julie.

Julie : No worries. Thank you din Alden.

Alden : The best ka talaga. Laki ng naitulong mo sa akin.

Julie : Para yun lang,masaya naman ako sa ginawa ko.

Alden : Mas masaya ako. Next time ulit. (bebeso sana)


Biglang dumating si Elmo,galit na galit na sinugod si Alden at basta na lang sinapak.


Julie : Elmo!

Elmo : Kapal din ng mukha mo ah!

Alden : Pare! ----

Elmo : Wag mo nga ako matawag-tawag na pare,hindi tayo magkaibigan! At kahit kailan wag mo mahalikan kahit pisngi ng Emam ko!

Alden : Pero pare ---

Elmo :  Wag mo sabi akong tatawaging pare at para sa kaalaman mo,wala ng next time ang date nyong ito!

Julie : Tama na Elmo,ano ba?

Elmo : Isa ka pa! Kaialngan mong magpaliwanag sa akin. Iuuwi na kita!

Julie : Wait! Si Alden ---

Elmo : Wala akong pakialam sa kanya!


Pagkatapo nun ay walang pakialam sa paligid na binuhat ni elmo si Julie at dire-diretsong lumabas. Dinala nya ito sa park kung saan madalas silang tumatambay nung mga bata pa sila.


Elmo : Now explain.

Julie : Ikaw ang dapat na mag-explain.

Elmo : Ikaw ang walang sinasabi sa akin tungkol sa pesteng yun tapos ako ang mag-eexplain?

Julie : Ate Maxx and Ate Saab told me everything. Lahat ng mga ginawa mo sa manliligaw ko kaya ikaw ang mag-explain.

Elmo : (napanganga sa gulat) Sinabi nila sa'yo?

Julie : All along Moe iniisip ko na pangit ako dahil tinatakbuhan ako ng mga manliligaw ko. Yun pala tinatakot mo sila at pinapagulpi. Why Moe,dont you want me to be happy?

Elmo : I always want you to be happy,alam mo yan.

Julie : Eh bakit ganun? Alangan naman ikaw may girlfriend tapos ako walang boyfriend.

Elmo : Ayokong magka-boyfriend ka,tulad ng sinabi ko noon makakapatay ako.

Julie : Eh bakit nga ayaw mo? Hindi naman kita kapatid,lalong hindi naman kita boyfriend!

Elmo : Eh kasi nga ikaw ang EMAM ko!

Julie : Ayan ka na naman sa Emam mo! Ano bang meaning ng letseng initial na yan?

Elmo : Noon tinatanong mo ako kung anong ibig sabihin nyan,hindi kita nasagot noon kasi hindi ko pa alam,ngayon alam ko na ibig sabihin nya.

Julie : At ano naman yun?

Elmo : (lapit sabay kuha ng kamay ni Julie) Ikaw ang Emam ko,ang nag-iisang Emam ko ang Elmo's Macho And Misis kosa future,yun ang ibig sabihin ng Emam,sorry late ko na-realize.

Julie : (napaiyak) Moe...

Elmo : Mahal kita Julie at para sa akin mas gusto kong tawagin kang Emam kesa sa pangalan mo.

Julie : Paano si Lauren?

Elmo : Matagal na kaming break. Hindi ko naman talaga sya mahal,ginamit ko lang sya para maitago ko yung feelings ko para sa'yo. Kaya lang macho ka talaga eh,na-Julie mo ang puso ko,walang kawala.

Julie : (hinampas ang binata) Baduy mo!

Elmo : Ok lang maging baduy basta ikaw ang dahilan. (serious bigla) Now explain.

Julie : Anong eexplain ko?

Elmo : About Alden.

Julie : (ngumiti) Si Alden po hindi nanliligaw sa akin ----

Elmo : Hindi nanliligaw pero nagdi-date?

Julie : Patapusin mo nga muna ako. Lagi kaming magkasama kasi pinagpaplanuhan namin kung paano sya mag-propose kay Maqui.

Elmo : You mean...?

Julie : Opo,sila pong dalawa. Masyado kang seloso.

Elmo : Eh kasi naman,ewan ko ba pagdating sa'yo nagmumukha na akong praning,baliw,engot at sige na nga seloso,mahal kasi kita Emam.

Julie : Mahal din kita Elmo este Emam. Dont worry ako lang ang JAPS mo.

Elmo : (ngiti) Kinikilig ako. Teka ano naman ibig sabihin ng JAPS bukod sa initial mo yan?

Julie : JAPS means si Julie Ay Para Sa'yo. Iyo lang ako. I love you Japs ko!

Elmo : Gaya-gaya pero gusto ko yan,I love you too Emam ko!

No comments:

Post a Comment