Wednesday, August 8, 2012

My Textmate, My Queen

He is her King but for him She is not her Queen for the reason that he never sees her existing.


Xander : Sino kaya tong nag-text sa akin?

Emer : Sino nga kaya?

Ronet : Baka naman isa may crush sa'yo.

Xander : Sino naman kaya? Wala naman ako alam na may crush sa akin.

Ronet : Meron kaya! May isang babaeng patay na patay sa'yo.

Emer : Tama si Ronet. at alam kong kilala mo sya.

Xander : Alam ko na kung sino yung tinutukoy nyo kaya lang paano naman mangyayari na sya itong nagtext sa akin?

Emer : Baka hiningi nya.

Xander : Kanino naman?

Ronet : Malay mo hiningi nya sa mga pinsan nya.

Xander : I doubt it. hindi nya ugali magtext eh. Tamad kaya yun magtext.

Emer : Paano mo naman nasabi?

Xander : Kasi yung cellphone nya pag nakikita ko lagi nga nya hawak pero nakikinig lang sya ng music.

Emer : Ewan ko din pero tingin ko sya yan eh.

Ronet : Ako din.


Hi My King,

Kamusta naman yun? Ang galing mo mag-basketball,kaya naman crush na crush kita eh. Sana kahit minsan masulyapan mo ako at mangitian. Ingat ka lagi!

From : Your Queen


Xander : (ngiti) Eto na naman yung text nya. Pero bakit ganun? Hindi man lang ako nabibwisit,natutuwa pa nga ako. Sino kaya sya? Mareplyan nga.



*text convo*


Xander : Hi Queen, salamat sa suporta,sana lagi kang manood ng game namin.

Queen : Dont worry,lagi akong nanonood kasi lagi din naman ako may kasama.

Xander : So pag wala kang kasama hindi ka manonood? :((

Queen: Hindi ah! Manonood pa rin ako,crush kaya kita!

Xander : Crush mo ako? Hindi naman ako gwapo ah.

Queen : Bakit? Sino bang may-sabing gwapo lang ang pwedeng maging crush? Hindi lahat ng babae,panlabas na kaanyuan ang nakikita no.


Natigilan ang binata sa reply sa kanya ng ka-text. Namangha sya. For the first time ngayon lang sya nakarinig ng mga ganung salita. Karamihan sa mga babae puro mukha ang nakikita sa mga lalaki kasi.


Queen : Tulog ka na ata kaya hindi ka na nag-reply. Sya goodnight na,sleep na din ako.


Dali-daling nagreply ang binata sa text ng babae. Hindi nya alam kung bakit parang ayaw nya maputol ang usapan nila.


Xander : No,gising pa ako. Hindi lang kasi ako makapaniwala na may mga babae pang katulad mo na hindi tumitingin sa panlabas na kaanyuan.

Queen : Wala bang salamin dyan sa inyo?

Xander : (naguluhan) Ha? Bakit?

Queen : Kasi kung wala ibibili kita.

Xander : (nairita) Meron kaming salamin. Halos lahat ng kwarto nga dito sa amin meron eh.

Queen : Kung ganun bakit parang hindi mo makita ang hitsura mo?

Xander : (lukot na ang mukha) Ano ba talaga hitsura ko?

Queen : Hindi ka gwapo.

Xander : Yun naman pala eh. Hindi na nakakatuwa yung text mo ah!

Queen : Hindi ka gwapo pero ma-appeal ka. Isang bagay sana na tandaan mo mas gusto ng mga babae ang ma-appeal kesa sa gwapo kasi ang appeal laging nariyan pero ang kgwapuhan naglalaho.

Xander : (gulat) Sino ka ba talaga?

Queen : Ako ang taga-hanga mo. ang babaing handa kang ipagtanggol kapag ayaw na sa'yo ng mundo. alam mo bang lahat ng katangian ng lalaki na gusto ko eh na sa'yo?

Xander : Ano naman katangian yan?

Queen : Kung sa hitsura gusto ko ang pagiging matangkad mo,ang pagiging moreno mo,ang mga ngiti mo at higit sa lahat buong pagkatao mo. Kung sa katangian naman,nagustuhan kita kasi magaling kang mag-basketball. Isang bagay na sobrang lamang ka sa mga nagsasabing gwapo sila.


Napangiti si Xander sa reply sa kanya ni Queen.


Xander : Pwede ba kitang makilala ng personal?

Queen : Ayoko nga.

Xander : Bakit?

Queen : Dahil hindi mo ako magugustuhan.

Xander : Paano mo naman nasabi?

Queen : Dahil hindi ako maganda.

Xander : Dahil lang dun?

Queen : Oo. Dahil kilala ko ang mga tipo mong babae.

Xander : Like what?

Queen : Like maputi,matangkad at higit sa lahat maganda. Mga bagay na wala ako.

Xander : Hindi naman ako ganun ah.

Queen : Ah basta. Goodnight na!

Xander : Wait!


Pero hindi na nag-reply ang dalaga.


Emer : Ang galing mo talaga Xander,dahil sa'yo kaya nananalo ang team natin eh.

Xander : Hindi naman pare,lahat naman tayo gumagawa ng puntos.

Emer : Pare parang hindi ata angtetext yung "Queen" mo?

Xander : Queen mo ka dyan! Hindi nga eh,kaka-miss nga.

Emer : May napapansin ka pa bang iba?

Xander : Oo. Parang hindi nanonood ang babaeng yun.

Emer : Balita ko kasi sa pinsan nya,nagmumukmok lang sa bahay.

Xander : Bakit daw?

Emer : Kinakalimutan ka na daw.

Xander : (natigilan)

Emer : Pare natahimik ka na dyan.

Xander : Wala pare,may iniisip lang ako. Tara na nga.


Isang buwan na hindi nagtetext si Queen sa kanya,maging yung laging nanonood sa kanya hindi rin nya nakikita. Sa sobrang pagka-miss ay tumambay sya malapit sa bahay ng mga ito,inabangan nya kung lalabas ito pero hindi man lang nya nakita kahit anino nito. Malungkot syang umuwi sabay text kay Queen.


Xander : Hi Queen! Kamusta ka na? Miss na kita pati yung text mo. Paramdam ka naman!


Pero kahit isang letra hindi man lang nagreply ang dalaga kaya nagtext ulit sya.


Xander : Bukas na ang championship namin,sana makapanood ka. Ikaw ang inspirasyon ko. Dumating ka at ngitian mo ako ha!


Naghintay ng ilang oras ang binata pero kahit isang reply wala syang natanggap buhat sa dalaga. Malungkot syang natulog.


Xander : Pare,wala pa ba sya?

Emer : Wala pa pare. Bakit mo ba sya hinihintay?

Xander : Wala lang pare.

Emer : Tara na nga dun sa court.


Dahil sa katamlayan ng binata hindi sila maka-puntos. Third quarte na pero lamang na lamang pa rin ang kalaban kaya naman nagagalit na ang mga ka-team nya kay Xander.


Emer : Pare,please focus naman oh,last quarter na oh.

Ronet : Oo nga pare,championship na to pare,wag mo naman sayangin pinaghirapan natin.


Hindi man lang sumagot si Xander at parang hindi narinig ang sinabi ng dalawa. Patuloy syang nagpalinga-linga hanggang sa makita nya. Nanlalaki ang mga mata nya habang nakatingin dito at hinding-hindi sya nagkakamali,ngumiti ito sa kanya!


Xander : Let's go,kaya natin habulin yan!


Takang-taka ang mga ka-team nila sa biglang pagiging magilas ng binata. Hindi pa umaabot sa limang minuto ay halos mahabol na nila ang score. At yun ay dahil sa bilis ni Xander. Masyado itong hyper na hindi nila mapigilan ang kilos. Maging ang mga kalaban nila ay nahirapan bigla na bantayan to. Hanggang sa dumating ang last one minutes,lamang ang kalaban ng nila ng dalawa pero nasa kanila ang bola. Ibinigay ni Ronet ang bola kay Xander at mula sa three points shot na lugar ay pumwesto ito. Bago nito itinira ang bola ay tumingin muna sya sa side ng dalaga at halos lahat ng tao ay nakita yun dahil tinitigan pa nya ang nahihiyang dalaga bago nginitian. Pagkangiti dito ay itinira na nya ang bola at tila slow motion itong nagpaikot-ikot sa ibabaw ng ring bago nag-shoot sa mismong loob ng ring. Shoot,panalo sila!


Emer : Panalo tayo!

Ronet : Oo nga! Xander ikaw na talaga!

Xander : Haha,dahil lahat sa atin kaya tayo nanalo no!

Emer : Iba na ang may inspirasyon!

Ronet : Tama! Nakita namin ang ngiting yun!

Xander : Mga sira! Sige na,una na kayo,may itetext lang ako.

Ronet : Sige pare,sunod ka ha.

Xander : Oo naman pare.


Pagkaalis ng mga ka-team nya ay dali-dali syang nag-type ng message sa phone nya.


Xander : Hi Queen,panalo kami. Nanood ka ba?

Queen : Yup,ang galing mo nga eh!

Xander : Talaga? Asan ka ba ngayon?

Queen : Andito sa tindahan,bumibili. Kasama ko ang pinsan ko.

Xander : Puntahan kita ha!

Queen : Sige punta ka dito at ng makilala mo naman din ang pinsan ko.


Dali-daling tumakbo ang binata papunta sa tindahan kung nasaan ang dalaga. Pagdating nya dun ay dalawang babae ang nakita nya. ang isa ay nakatalikod habang bumibili sa tindahan at ang isa ay nakaharap sa kanya sa kanya ngayon at may hawak na cellphone.


Xander : Ikaw si Queen?

Girl : No.

Xander : (naguguluhan)

Girl : (umimik ulit) Hindi ako si Queen,kundi itong pinsan ko.

Queen : Cousin ito na yung -----


Hindi na naituloy ng dalaga ang sasabihin ng pagharap nya ay makita nya si Xander. Gulat na gulat din.


Queen : (biglang hinila ang pinsan) Tara na nga,bilis!


Tumalikod na ang dalaga para sana umuwi na ngunit maagap na nahablot ng binata ang kamay nya. Maang syang napatingin dito.


Xander : Miss kaya mo bang umuwi mag-isa?

Girl : Oo naman. Teka bakit ba?

Xander : Kakausapin ko lang kasi itong pinsan mo.

Girl : Eh kasi...

Xander : Dont worry ihahatid ko sya.

Girl : Sige,ingatan mo sana sya ha. (lingon sa dalaga) Cousin una na ako ha,sunod ka na lang.

Queen : Wait Jheng,wag mo akong iwan dito!


Ngunit nagtatakbo na si Jheng at naiwan ang dalagang mahigpit na hawak ng binata.


Queen : Bitiwan mo nga ako!

Xander : Ayoko! Sumama ka sa akin at marami kang ipapaliwanag!

Queen : Ayoko! Uuwi na ako! (kinagat ang binata)

Xander : (nabitiwan ang dalaga) Aray! Bakit mo ako kinagat?

Queen : Buti nga sa'yo ang kulit mo kasi. Dyan ka na nga! (tumalikod)

Xander : (agad nahila ang dalaga at binuhat) kung akala mo makakatakas ka sa akin,nagkakamali ka!

Queen : Ibaba mo ako!

Xander : Wag kang maingay dyan,ikaw rin baka akalain nila mag-syota tayo.

Queen : (biglang tumahimik)


Buti na lang wala ng mga tao sa paligid kundi yung mga konting tambay na lang na kung inaayunan naman ng pagkakataon eh barkada din ng binata. Ngiting-ngiti lang ang mga ito sa nakita.


Xander : Ngayon magpaliwanag ka.

Queen : (tumalikod) Wala akong dapat ipaliwang.

Xander : Paanong naging ikaw at ang textmate ko ay iisa?

Queen : Malay ko!

Xander : Isa pang pilosopong sagot may magagawa na akong hindi mo magugustuhan.

Queen : (humarap) Tinatakot mo ba ako?

Xander : Sa palagay mo? Sagutin mo ang ang tanong ko!

Queen : Hindi ko sasa -----


Hindi na naituloy ng dalaga ang sasabihin dahil hinila na sya ng binata sa bewang at hinawakan sa pisngi bago walang pakundangan na hinalikan ang kanyang mga labi. Nagpumiglas ang dalaga pero masyadong malakas ang binata na hindi nya matakasan. Pilipt nyang iniiwas ang mukha pero hindi naman sya makawala. Tumigil na lang sya dahil napapagod na rin sya. Maya-maya pa ay lumuwag ang paghawak sa kanya ng binata at tinitigan sya.


Xander : I did warn you ngunit hindi ka nakinig.

Queen : Bitiwan mo na ako please?

Xander : Kung sasagutin mo ang tanong ko.

Queen : (tumango)

Xander : Good. (binitiwan na ang dalaga)

Queen : (nag-umpisa ng maglahad pero nakatalikod) Kinuha ko ang ang numero mo sa pinsan ko na unfortunately kabarkada mo,si Gerald. Actually ibinibigay sya ni Uncle Lando,ang tito mo pero hindi ko tinanggap dahil ayoko naman talaga mag-text sa'yo. Kaya lang masyadong malakas ang hatak mo. Isang araw hindi ko na napigilan kunin ang numero mo sa pinsan ko at dun nagsimula ang lahat.

Xander : Ang mga sinasabi mo ba ay -----

Queen : Lahat ng yun ay totoo. Maliban sa isang bagay.

Xander : Alin dun?

Queen : (humarap) Na crush kita.

Xander : (natigilan) So hindi mo ako totoong crush?

Queen : Hindi.

Xander : Akala ko pa naman ---

Queen : Hindi kita crush kasi ang totoo...

Xander : Anong totoo?

Queen : (tiningnan sa mga mata ang binata) Ang totoo mahal kita.

Xander : (gulat na gulat) Anong sinabi mo?

Queen : Narinig mo na di ba?

Xander : (tahimik bigla)

Queen : Kung wala ka ng sasabihin aalis na ako. Kaya ko naman umuwi mag-isa eh.

Xander : (hindi gumagalaw)


Tumalikod na ang dalaga sa binata at nag-umpisang humakbang. Napatigil lang ang dalaga ng marinig nyang nagsalita ang binata.


Xander : Mahal din kita.

Queen : (tumigil pero hindi humarap)

Xander : Narinig mo ba abg sinabi ko? Sabi ko mahal din kita!

Queen : (humarap) Paano nangyari yun?

Xander : Hindi ko din alam. Ang alam ko lang tuwing magtetext ka sumasaya ako,yung mga sinasabi mo tungkol sa akin ikinakatuwa ko. Nang hindi ka magparamdam na sa text naiinis akong nalulungkot. Hindi ako mapalagay. Para akong tanga. Kung hindi kita nakita sa court kanina,malamang talo ang team namin.

Queen : May tanong ako sa'yo.

Xander : Ano yun?

Queen : Sino ang mahal mo? Si Queen ba na ka-text mo o ako?

Xander : (gulat na gulat sa tanong ng dalaga)

Queen : Hindi ka makasagot. I get it. Failed ka. (tumalikod at humakbang na ulit)

Xander : Maniniwala ka ba kung sasabihin kong mahal ko kayo pareho? Dahil sa aking puso iisa kayo? Na ang ka-text ko at ang taong laging nakikita ko ay iisa lang? Dahil ang kilos nila at sinasabi ay nagtutugma? Mahal ko si Queen Contessa. Mahal na mahal ko sya dahil sya ay nag-iisa.

Queen : (umiiyak na humarap sa binata) Bakit ako? Ang dami dyan maganda.

Xander : Tulad nga ng sabi mo ang panlabas na kaanyuan madaling maglaho di ba? At saka sino ba maysabing hindi ka maganda at sasapakin ko? Ang ganda-ganda mo kaya! Boto nga agad sa'yo si Mama eh.

Queen : Tse!

Xander : Totoo nana ung sinabi ko. Di ba at at sya mismo nagsabi sa'yo na Mama ang itawag mo sa kanya huwag Tita?

Queen : Paano mo nalaman yun?

Xander : Nung sabihin nya yun nasa tapat kayo ng bahay nina Gerald di ba? Andun din kasi ako at narinig ko.

Queen : (ngumiti)

Xander : So ano na? Tayo na ba?

Queen : (pout) Ano ka sinu-swerte? Manligaw ka muna!

Xander : Kailangan pa ba yun?

Queen : Oo naman,at saka ito. (nilahad ang kamay) Hi, ako nga pala si Queen...Queen Contessa,ang textmate mo at ang babaeng may crush sa'yo.

Xander : (tinanggap ang kamay ni Queen) Hello, ako naman si King...si King Alexander...ang lalaking magbabago ng apelyido mo.


Gulat na gulat si Queen sa huling sinabi ni Xander. Tawa naman ng tawa ang binata habang yakap ang dalaga.


Xander : Pero totoo yun. pag handa ka na,papakasalan na kita.

Queen : Eh paano kung handa na ako ngayon?

Xander : Eh di magpakasal na tayo ngayon! Hindi na rin naman ako makahintay eh!

Queen : Sira!

Xander : Tara na nga,iuuwi na kita sa inyo at baka sa amin pa kita mai-uwi.

Queen : Tse! Maghintay ka oy!

Xander : Sabi ko nga!


At masaya ng naglakad pauwi ang dalawa. Hindi na nakapunta ang binata sa party ng kanilang team. alam naman nyang maiintindihan sila ng mga ito. Ang mahalaga ayos na sila ng reyna nya.

No comments:

Post a Comment