Friday, August 3, 2012

Chapter 5 - Together Forever

Eto sya ngayon nasa park kung saan sila lagi naglalaro noon ni Toyang. Inis na inis sya,hindi,galit na galit sya. Hindi nya matanggap na ang parekoy nya na at ang kapatid nya. Sa dinami-dami ng lalaking makaka-agaw dito,kapatid pa nya!


Ely : Aaaaaaah! Shit! Bakit ngayon pa? Kainis,hindi ko kayang tanggapin. Hindi ko kayang makita ang PK ko na kasama ng Angelo na yun tapos masaya pa. Dapat ako yun eh!


Nagpalakad-lakad ang binata. Paroon at parito. Nag-iisip hanggang sa maalala si Jepoy.


Ely : Oo nga pala,si Jepoy,tama! Sya ang kailangan ko ngayon. Matawagan nga!


*phone covo*


Jepoy : Hello?

Ely : Pare!

Jepoy : Oh pare,napatawag ka. Anong kailangan mo ba?

Ely : Pare...tulungan mo ako!

Jepoy : Saan ba kita tutulungan?

Ely : Hindi saan kundi kanino!

Jepoy : Eh kanino ba?

Ely : Kay Toyang!

Jepoy : Kay Toyang? Akala ko ba okay na. Magtatapat ka na di ba?

Ely : Yun nga eh,kaso may problema!

Jepoy : Ano naman problema yan?

Ely : Punta ka na lang kasi dito sa park at dito natin pag-usapan.

Jepoy : Saang park ba yan?

Ely : Dun sa tambayan nami ni PK.

Jepoy : Sige dadating ako.


__________________________________________________________________


Jepoy : Pare!

Ely : Pare,tulungan mo ako.

Jepoy : Anong maiitulong ko?

Ely : Plano. Kailangan nating mag-plano.

Jepoy : Anong plano?

Ely : Plano para paghiwalayin sina Angelo at Toyang,sila na kasi.

Jepoy : (nagulat) Sila na?

Ely : Oo nga. Andun nga sila sa amin ngayon,nagsasaya. Alam mo ba pare  gusto pa ni Angelo na i-congratulate ko sila?

Jepoy : Oh eh anong ginawa mo?

Ely : Eh di binati ko nga!

Jepoy : Nagawa mo yun? Astig mo pre,sakit sa part mo nun!

Ely : Hindi rin pre.

Jepoy : Bakit naman?

Ely : Kasi sinabi kong....Condolence!

Jepoy : (tawa ng tawa) Gago pre,buti hindi ka sinuntok?

Ely : Eh nilayasan ko agad pagkasabi ko eh!

Jepoy : Haha!

Ely : Serious na. Anong gagawin ko?

Jepoy : Ano ba gusto mo mangyari?

Ely : Maghiwalay sila!

Jepoy : Sige,ganito ang gagawin natin.


At nagplano na nga ang dalawa. Kung ano man kalalabasan ng plano nila sana lang success.


Shirley : Toyang!

Toyang : Ikaw pala Shirley. Ano bang kailangan mo?

Shirley : Eto! (sabay sampal kay Toyang)

Toyang : (hawak ang pisnging sinampal) Bakit mo ginawa yun?

Shirley : Kasi malandi ka!

Toyang : Hindi ako malandi!

Shirley : Hindi? Eh inaagaw mo ang boyfriend ko!

Toyang : Kahit kailanman hindi ko inagaw sa'yo si Ely!

Shirley : Inagaw mo sya,kung hindi dahil sa'yo sana ---

Toyang : Sana kayo pa? Ganun ba Shirley?

Shirley : (nagulat) Paano mo nalaman na wala na kami?

Toyang : Sa palagay mo sino nagsabi sa akin?

Shirley : Dont tell me si Ely nagsabi sa'yo?

Toyang : Wala ng iba at pwede ba wag na wag mo ako tatawaging malandi,dahil kung meron man ganun dito...ikaw yun!

Shirley : Aba't --- (akmang sasampalin ulit ang dalaga)

Toyang : (pinigilan ang kamay ni Shirley) Subukan mong sampalin ulit ako at may kakalagyan ka. Kita mo braso ko? Macho to at wala tong sinasanto!

Shirley : Bitiwan mo nga ako! (piglas)

Toyang : (biglang binitiwan si Shirley,napaupo sa lupa)

Shirley : Walangya ka,bakit mo ako binitiwan?

Toyang : Di ba ikaw nagsabi bitiwan kita,ginawa ko lang! Dyan ka na nga! (akmang aalis na)

Shirley : Hindi pa tayo tapos Toyang!

Toyang : (biglang bumalik) Oo nga pala,hindi pa nga pala tayo tapos. May kailangan pa ako sa'yo eh.

Shirley : Hah! Asa ka pang pagbibigyan kita!

Toyang : (ngumiti) alam ko naman na hindi mo ako pagbibigyan eh. Dyan ka na nga! (aalis na)

Shirley : Hoy!

Toyang : (balik ulit) May nakalimutan pala ako.

Shirley : Ano naman yun?

Toyang : (ngumiti) Eto oh! (sabay sampal din kay Shirley)

Shirley : Ouch! Bakit mo ginawa yun!

Toyang : Ako kasi yung tipong pag sinabing pag binato ka ng bato,batuhin mo ng tinapay pabalik...kaya lang walang tinapay dito kaya ang sampal mo sa akin eh yun na lang binalik ko din sa'yo. Goodbye,ingat ka!

Shirley : Walanghiya ka!

Toyang : Kung walanghiya ako,ano ka pa? Para kang hayop na nakatakas sa zoo eh. Dyan ka na nga!


At umalis na nga si Toyang,iniwan nya si Shirley na nagtutungayaw at pinagtitinginan ng mga kapwa nila estudyante. Ang masaklap pa pinagtatawanan ito kasi napa-upo sa semento kanina. Ngayon nya nalaman malakas pala sya.


Dahil hindi tumitingin sa dinadaanan nya si Toyang,hindi nya napansin may makakasalubong pala sya. Pagharap nya sa dinadaanan nya ay...


Blag!


Nagbagsakan ang dalang gamit ng dalaga,umupo sya para limutin yun. Ang nakasalubong naman nya ay pinulot din ang kanyang gamit bago ibinigay sa kanya.


Lalaki : Miss sorry.

Toyang : Hindi,ako ang dapat mag-sorry,hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko eh.

Lalaki : Yun na nga eh. Ako yung nakatingin pero nabangga pa rin kita.

Toyang : Wala yun. Nga pala ako si Antoinette,Toyang for short.

Lalaki : Awww Toni na lang maganda pa.

Toyang : Pareho kayo ng kaibigan ko,mas gustong ganyan ang tawag sa akin. Mas bagay daw sa akin eh.

Lalaki : Tama sya. Maganda kasi yung Toni,bagay sa'yo kasi maganda ka din.

Toyang : Haha thank you!

Lalaki : Ako nga pala si Yago.

No comments:

Post a Comment