Thursday, August 2, 2012

Chapter 3 - Together Forever

Toyang : Ely saan ba tayo pupunta?

Ely : Sinabi ko na kanina di ba?

Toyang : Please Ely wag mong gawin ito.

Ely : Shut up!

Toyang : Mali itong ginagawa mo,kailan ka pa naging masamang tao?

Ely : Hindi ako masamang tao!

Toyang : Hindi pa ba sa lagay na yan? Kinikidnap mo na ako Ely!

Ely : Hindi kita kinikidnap,mag-uusap lang tayo.

Toyang : Talaga?

Ely. Oo nga.

Toyang : Promise?

Ely : (ngumiti kay Toyang) Promise.


Dinala ni Ely si Toyang sa isang park. Sa tagal ng kaka-ikot ng kotse dun din pala ang bagsak nila.


Ely : Wala na kami ni Shirley.

Toyang : (nagulat) Ha? Bakit?

Ely : (tumalikod kay Toyang) Nakakasawa na kasi,puro na lang kami away,halos araw-araw na.

Toyang : Baka naman pwede pang magkabalikan kayo?

Ely : (umiiling) Ayoko na. Na-realize ko na hindi ko naman pala sya mahal,na hinahangaan ko lang pala sya.

Toyang : Yan na nga ba sinasabi ko eh.

Ely : (humarap kay Toyang) Pinagsisisihan ko na sya ang pinili ko. Makakabalik pa kaya ako sa'yo?

Toyang : Tulad ng sinabi ko sa'yo nun Ely,ang girlfriend napapalitan pero ang bestfriend mahirap ng balikan.

Ely : (nalungkot) So wala na talagang pag-asa?

Toyang : (tumahimik)

Ely : I understand. Pero pwede naman siguro pag-isipan muna yun di ba parekoy?

Toyang : (nagulat) Parekoy?

Ely : Bakit ayaw mo ba? Kahit magkalayo na tayo,ikaw pa rin ang nag-iisang parekoy ko. Ayoko kasi ng iba.

Toyang : (ngumiti) Alam mo parekoy ayoko din ng iba eh,gusto ko ikaw lang din parekoy ko.

Ely : (ngiti) Ibig bang sabihin nyan...

Toyang : Oo parekoy,dating gawi!

Ely : Yes!

Toyang : Wag ka ngang maingay dyan.

Ely : (tingin kay Toyang) Parekoy pwede bang...pwede bang...

Toyang : Pwede bang?

Ely : Pwede bang...pa-hug?

Toyang : (lapit kay Ely) Yun lang pala eh! (hug kay Ely)

Ely : Na-miss ko to parekoy. Na-miss kita.

Toyang : Ako din. Ako din.


Parehong lumuluha habang mahigpit ang hawak ng dalawa. sobrang na-miss nila talaga ang isa't-isa at ngayon ngang okay na sila ulit susulitin ni Ely ang pagkakataon na binigay ni Toyang.


Toyang : Ate Jasmine!

Jasmine : Oh Toyang,anong ginagawa mo dito?

Toyang : Tatanong ko lang sana kung andito si Gelo.

Jasmine : Wala sya dito eh,nasa bahay lang sya.

Toyang : Ay bakit?

Jasmine : Wala kasing magbabantay ngayon kay Raz,nag-dayoff kasi sina Yaya.

Toyang : Ah okay,pwede ko ba sya puntahan dun?

Jasmine : Okay lang naman,ikaw talaga,andun din si Ely pero asahan mo na nagkukulong yun sa kwarto nya.

Toyang : Haha! Sya puntahan ko na lang sya sa inyo Ate.

Jasmine : Sige. Ingat ka. (beso kay Toyang)

Toyang : (bumeso din) Ikaw din Ate.


Umalis na nga si Toyang at nagpunta sa bahay nina Ely.


Toyang : Hi Raz!

Raz : Hello Ate Toyang,long time no see!

Toyang : Oo nga eh,teka andito ba si Gelo?

Angelo : Im here! (pababa ng hagdan)

Toyang : Gelo Kulit,samahan mo naman ako.

Angelo : Saan lakad natin Tiny Toni?

Raz : Ang cute ng tawagan nyo. Gelo Kulit and Tiny Toni...ang sweet lang!

Angelo : Haha! Bagay ba kami Raz?

Raz : Ba ---

Ely : Hindi kayo bagay. (naka-simangot na sagot nito)

Toyang : Parekoy!

Ely : Parekoy! Mukhang may lakad tayo ah.

Toyang : Oo may lakad nga ako.

Ely : Samahan na kita.

Toyang : Actually sasamahan ---

Angelo : Sasamahan ko sya. (pagpapatuloy ni Angelo)

Ely : Parekoy...

Toyang : Sorry parekoy,lakad kasi namin to ni Gelo Kulit eh,next time ka na lang ok.

Ely : (sumimangot) Hindi ba ako pwedeng sumama?

Toyang : (kinurot sa ilong si Ely) Hindi eh,sorry.

Raz : Aw wawa naman si Kuya Ely!

Ely : Tumigil ka nga dyan Raz! (walk-out)

Toyang : Hoy! tama bang layasan kami? (hindi pinansin ni Ely)

Raz : Baka nagselos?

Angelo : Bakit naman sya magseselos at sino pagseselosan?

Toyang : Oo nga naman Raz.

Raz : Baka pinagseselosan nya si Kuya Angelo lalo na kasi mas close kayo ngayon,feeling nya naitsapwera sya.

Angelo : Bakit naman nya ako pagseselosan?

Raz : Kasi baka mahal nya si Ate Toyang!


Lakas ng itinawa nina Angelo at Toyang dahil sa sinabi ni Raz. Sa dami ng tao na magsasabi kasi nun isang bata pa na tulad nito ang naka-isip nun. Maya-maya ay napatigil sila pareho sa pagtawa.


Angelo : Tiny Toni,hindi kaya totoo yung sinabi ni Raz?

Toyang : Asa ka pa haha,kaka-break lang nun sa girlfriend nya no.

Angelo : Malay mo kaya nag-break kasi dahil ikaw pala ang mahal nya?

Toyang : Malabo yun.

Angelo : Malay mo nga kasi.

Toyang : Sa tinagal-tagal namin magkaibigan ngayon lang sya mai-inlove sa akin? Bakit hindi noon?

Raz : Kasi Ate noon wala pa syang kaagaw ng atensyon mo eh ngayon meron na,selos yun kay Kuya Angelo,sigurado ako.

Angelo : Tama si Raz. Teka,ikaw ba sa tagal ng pagkakaibigan nyo,hindi ka ba na-inlove sa kanya?


Natigilan si Toyang sa tanong ni Angelo. Hindi sya nakasagot.

No comments:

Post a Comment