Tuesday, August 14, 2012

Chapter 8 - Together Forever

Ely : Hello Parekoy!

Toyang : H-Hi Parekoy...

Ely : Oh bakit ganyan hitsura mo?

Toyang : Ah ah wala lang.

Ely : Natatakot ka ba sa akin?

Toyang : Hindi no! (mabilis na sagot ng dalaga)

Ely : Ah akala ko kasi...

Toyang : Akala mo ano?

Ely : Ah wala,sorry nga pala last time.

Toyang : Wala yun. Alam ko naman na concern ka lang eh.

Ely : Bakit kasi nagpapaligaw ka pa eh may boyfriend ka na?

Toyang : Alam naman ito ni Gelo eh.

Ely : Alam nya? Tapos hindi sya nagagalit?

Toyang : Oo at saka bakit ba sya magagalit?

Ely : (bulong) Sabagay bakit nga ba sya magagalit eh hindi naman totoong kayo.

Toyang : Hah,may sinasabi ka ba parekoy?

Ely : Ah wala,sabi ko una na ako.

Toyang : Sige ingat ka.

Ely : Sige. (sabay beso sa dalaga)

Toyang : (nagulat sa ginawa ng binata)

Ely : (nagulat din sa ginawa nya) Sige una na ako.


Wala ng nasabi si Toyang. Naka-alis at naka-alis ang binata ay naka-tanga sya sa may gate nila hawak ang pisngi nya na bineso ng binata. Hindi sya makapaniwala na magagawa yun ng binata sa kanya. Pero wag ka at kinikilig sya.


Ely : Parekoy yung bibig mo,baka mapasukan ng langaw,naka-nganga oh!


Mula sa kabilang kalye ay narinig ni Toyang ang boses ng binata. Dali-dali nyang naitikom ang bibig at napahiyang tumakbo papasok sa loob ng bahay nila. Rinig na rinig pa nya ang malakas na halakhak ng binata.


Toyang : Kainis! Kakahiya yun!


Mabilis na lumipas ang mga araw. Eto na rin yung kinatatakutang araw ni Toyang.

Toyang : Kakainis!

Jepoy : (bagong dating) Oh ano naman kinakainisan mo dyan?

Toyang : Eh di ba birthday ko na next week?

Jepoy : Oh ngayon? Dapat nga masaya ka kasi may party!

Toyang : Eh ayoko nga ng party eh. At saka debut ko kasi yun.

Jepoy : Kakaiba ka. ikaw lang magde-debut na nagagalit.

Toyang : Eh kasi nga...

Jepoy : Eh kasi nga ayaw mong mag-gown!

Toyang : Kainis ka,bakit ba kailangan pang ilakas mo yan.

Jepoy : Eh kasi naman kakatawa yang problema mo eh.

Toyang : Sige tawa ka pa,baka gusto mo hindi ka maka-attend.

Jepoy : Eto na nga tigil na eh. So anong plano?

Toyang : Wala. Si Daddy kasi nag-organized eh,wala na ako magagawa dun.

Jepoy : Hayaan mo na,minsan lang naman kasi to at saka nag-iisa ka nyang anak kaya gusto nya yung the best sa'yo.

Toyang : Sabagay.


Samantala sa bahay nina Ely eh busy ang binata.


Raz : Oh Kuya ano ba yung ginagawa mo dyan?

Ely : Eto ba? Wala. Gumagawa lang ako ng scrapbook.

Raz : Scrapbook? Para kanino?

Ely : Kanino pa ba?

Raz : Ah alam ko na,sa debutant ba yan?

Ely : (ginulo buhok ng kapatid) Bakit alam mo agad?

Raz : Kasi Kuya,sa kanya ka lang naman nag-eefort gumawa ng bagay na hindi binibili para iregalo kasi nga sabi mo dapat pag mahalaga ang isang tao,dapat especial din yung gift.

Ely : Tama ka dyan!

Raz : So special si Ate Toyang sa'yo?

Ely : Syempre naman,parekoy ko yun eh!

Raz : Parekoy daw! Weh,sinong niloko mo Kuya,inlove ka sa kanya!

Ely : Ikaw Raz ha,tumigil ka dyan.

Raz : Totoo naman Kuya eh,kitang-kita naman sa'yo. Transparent ka na kaya ngayon.

Ely : Anong ibig mong sabihin?

Raz : Pag nagagalit ka o nagseselos halatang-halata. Pag kinikilig ka mas lalong halata!

Ely : Raz!

Raz : Totoo naman Kuya eh,dyan ka na nga,masyado kang in-denial eh!


Umalis na nga si Raz at naiwan si Ely na napapangiti habang pailing-iling na pinagpatuloy ang ginagawa. Hindi nya tuloy nakita na lumingon si Raz na malaki ang ngiti ng makitang nakangiti sya.


Ely : Tito!

TD : Oh Ely,andyan ka pala.

Ely : Opo. Kararating ko lang po. Asan po si Toyang?

TD : Ah lumabas lang kasama yung bagong kaibigan nya.

Ely : Tito,lapit na po ng birthday ni Toyang. Pwede po ba na tumulong ako sa inyo mag-organized?

TD : Oo naman. Ikaw pa!

Ely : Eh Tito,may itatanong po sana ako eh.

TD : Ano naman yun?

Ely : May escort na po ba si Toyang?

TD : Hindi ko alam eh. Hindi pa kami nagkakausap tungkol sa bagay na yan pero kung ako ang masusunod,mas gusto ko kung ikaw yun.

Ely : (ngumiti) Sana nga po ako na lang.

TD : Wag kang mag-alala,alam kong ikaw pa rin pipiliin nyang escort. Oh ayan na pala sila eh.


Lumingon ang binata at napasimangot sya sa nakita. Sino ba naman matutuwa makita ung karibal mo.


Toyang : Hi Dad! (kiss sa pisngi)

TD : Oh kanina ka pa hinihintay ng parekoy mo.

Toyang : Ah bakit parekoy? Nga pala may papakilala ako sa'yo. Bago kong friend.

Ely : (bulong) Kahit wag na,kilala ko na naman ang mokong na yan eh.

Toyang : May sinasabi ka ba Parekoy?

Ely : Ah wala,sabi ko kilala ko na sya.

Toyang : Hah? Paanong...?

Yago : Nakilala ko sya nung isang araw,nung naghahanap ako ng bulaklak na pang peace offering sa'yo. (lingon sa binata) Yago nga pala pare. (sabay abot ng kamay)

Ely : (matagal na tiningnan ang kamay bago inabot) Ely.

TD : Ah oo nga pala anak,itatanong ko lang sana kung may escort ka na.

Toyang : Ay opo Daddy,meron na po.

TD : Sino naman,si Ely ba?


Ngumiti ng patago ang binata bago tumingin sa dalaga habang hinihintay ang sagot nito.


Toyang : Ahmn Dad,meet my escort....si...Yago.


Nganga si Ely sa narinig.



No comments:

Post a Comment