Sunday, December 2, 2012

"Ang Rap Ni Elmo"

Alden, pakinggan mo sasabihin ko
Wag ka ng umasa na mapapansin ka ng Julie Anne ko
Yung pagbulong mo panis yan sa rap ko
Lalo na sa tula ko, dun sya ay napasagot ko.



Matuto kang dumistansya iba na lang gustuhin mo
Dahil wala akong balak i-share sya sa iyo
Ang akin ay akin lamang, forever na yan
Kaya tigilan mo na iyong kayabangan.



Alam mo si Julie Anne ay akin lamang
Mula noon hanggang ngayon sya ay pag-aari ko lang
Kaya naman ikaw Alden wag masyadong pa-epal
Baka sa inis ko sa iyo lumipad ka at bumagsak sa imburnal.



Langyang buhay ito, karibal ko hindi na naubos
Kaya naman pagbakod pag-iigihan ko na ng lubos
Walang sino man pwedeng lumapit kay Julie Anne na mahal na mahal ko
Kundi ako lang, ang kanyang nag-iisang SuperElmo.



Bwisit naman, may lumipat pang Lauren Young
Karibal ko nga ndi na naubos, may dumagdag pang aswang
Pakiusap ko lang, wag kang kang didikit sa aming tambalan
Dahil God made each other, Together Forever na yan.



Naisip ko lamang Alden and Lauren
Bakit hindi na lang kayo gumawa ng sarili nyong tambalan
Tatawagin kayong RenDen ng inyong mga fan
Meaning nakakarindi ang inyong kaepalan.



Julie, Julie, pakiusap wag mong pansinin ang dalawang yan
Pagtuunan mo na lang ng pansin akong iyong nag-iisang Superman
Ating tambalan gawin ng totoo
Nang habangbuhay maging masaya na si Elmo
Dahil kay Julie Anne, sya na ngayon ay buo at kuntento.