Tuesday, July 31, 2012

Chapter 1 - Together Forever


Toyang : Ganun na lang ba yun parekoy?

Ely : Sorry parekoy,mahal ko talaga si Shirley eh.

Toyang : Kahit ba ang tawagan natin,bawal na din?

Ely : Oo.

Toyang : Mahal mo nga sya kasi nagawa mo akong ipagpalit sa kanya.

Ely : Hindi sa ganun,kaya lang girlfriend ko na kasi sya.

Toyang : Yun nga eh,mula pagkabata magkasama na tayo,mag-bestfriend tapos dahil lang sa kanya,sa first girlfriend mo,itinapon mo na ako.

Ely : Toyang...

Toyang : Alam mo Ely,ang girlfriend kahit ilang libong beses pwedeng palitan pero ang bestfriend pag itinapon na,mahirap ng mabalikan.

Ely : ...

Toyang : Ni isang beses kapag may hiniling ka sa akin binibigay ko ng walang reklamo,eh sya ba may nagawa na ba sya para patunayan na mahal ka nya maliban sa pagseselos sa akin?

Ely : Parekoy...

Toyang : Wag mo na akong tawaging parekoy dahil hindi na tayo ganyan ngayon. Pinili mo na sya kaya kalimutan mo na lang pinagsamahan natin katulad ng hiling nya.


Pagkatapos sabihin yun ay tumayo na si Toyang sa kanyang pagkaka-upo at iniwan ang walang nagawang si Ely.


Dear Diary,


Wala na akong bestfriend ngayon,wala na akong parekoy,mali ang Rivermaya,walang Liwanag sa Dilim pati na rin ang Ereaserheads dahil wala na rin ang Ligaya ko. Tama ang Spongecola,ang lahat ay parang Movie lang at lahat ng nangyayari ay Hindi Na Mababawi pero sabi nga ni Bamboo dapat laging Masaya.


Lumipas ang mga araw,kahit na nagkikita at nagkakasalubong ang dalawa sa school ay nagpi-pretend si Toyang na hindi nakikita si Ely. Sa isang banda, si Ely kahit gustong lumapit at kausapin si Toyang ay hindi magawa dahil sa inilagay na pader ni Toyang.


Toyang's Dad : Anak mag-grocery ka muna,wala na pala tayong stock.

Toyang : Ok Dad,no problemo po.

Toyang's Dad : Ingat ok?

Toyang : Yes Dad!


Sa Grocery Store habang pumipili si Toyang ng mga kailangan nya ay nakita sya ni Jasmine.


Jasmine : Toyang!

Toyang : Ate Jasmine hello!

Jasmine : Long time no see tayo ah.

Toyang : Busy lang ako Ate.

Jasmine : Gaano ka-busy na hindi ka na makapunta o makadalaw sa amin?

Toyang : Sobrang busy ha ha ha!

Angelo : (kararating lang) Jasmine.

Jasmine : Oh Kuya bakit?

Toyang : (naguluhan) Kuya?

Jasmine : (ngumiti) Oo Toyang,kapatid din namin sya,anak din sya ni Papa.

Angelo : Hi,Im Angelo. (ngiti sabay abot ng kamay)

Toyang : Hello,Im Antoinette...Toyang for short. ( Abot din ng kamay)

Angelo : Nice meeting you Antoinette.

Toyang : Nice meeting you too Angelo...Toyang na lang itawag mo sa akin.

Angelo : Ayoko nga,masyado kang maganda para ganun lang itawag ko,mas bagay sa'yo ang Antoinette o kaya Toni na lang,mas maganda pa...like you.

Toyang : Ha ha ha! Maganda daw,macho kaya ako pero sige Toni na lang itawag mo sa akin,macho pa rin!

Jasmine : Uuuuuuy bagay sila,kinikilig ako!

Toyang : si Ate talaga haha,sya una na ako,baka inip na si Dad sa bahay.

Angelo : Hatid na kita.

Jasmine : Uyyy si kuya oh dumadamoves,lagot ka kay ---

Toyang : Ah sige Ate una na ako,nice meeting you Angelo,sa sunod na lang.

Angelo : Ok,sige ingat ka.


Mula ng magkakilala ang dalawa ay lagi ng pumupunta si Angelo sa school nina Toyang para sunduin ito,minsan naman ay si Toyang ang pumupunta ng grocery para kay Angelo. Ang lahat ng ito ay nakikita ni Jepoy na dahil talagang madaldal at makulit ay agad na sinabi kay Ely.


Jepoy : Ely,alam mo na ba?

Ely : Ang alin ba?

Jepoy : Yung tungkol kay Angelo ---

Ely : Wala akong pakialam sa kanya!

Jepoy : Are you sure?

Ely : Wala talaga akong pakialam sa kanya ok?

Jepoy : Okay,sinabi mo eh,hindi ko na lang sasabihin sa'yo na sobrang close na sina Angelo at Toyang,bye! (akmang aalis na)

Ely : (hinila si Jepoy) Hep! anong sabi mo,paki-ulit nga!

Jepoy : Akala ko ba wala kang pakialam?

Ely : Kung kay Angelo wala talaga pero kay PK marami!

Jepoy : Hindi mo na kaya sya parekoy!

Ely : Bakit may binanggit ba akong parekoy?

Jepoy : Eh yung PK?

Ely : At least hindi parekoy at saka may sariling meaning ako nun!

Jepoy : Oo na nga!

Ely : So ano na? sabihin mo na kasi!


Sinabi at kniwento lahat ni Jepoy kay Ely ang mga nakita nya at bilang patunay ay isinama nya ito sa isang parte ng school nila malapit sa gate para mag-spy. Hindi naman nagtagal ay dumating na si Angelo at gulat na gulat si Ely ng makita ito doon. Nakita nyang may itinype ito sa cellphone bago naka-ngiting sumandal sa pader. Maya-maya pa mas ikinagulat nya ang nakita nya. Si Toyang lumapit kay angelo at nagbeso ang mga ito sa isa't-isa at higit pa roon ang gulat nya ng mapagmasdan nya ang suot nito. Naka-dress na with shoulder bag pa,malayong-malayo na sa Toyang na naka-pants and t-shirts dati.


Ely : WTF! She is wearing dress exposing her beautiful legs and she did it not because of me but because of that damn bastard. Must do something! (akmang pupuntahan ang dalawa)

Jepoy : (pinigilan si Ely) Hep! Wag kang basta sugod ng sugod,alalahanin mo,hindi mo na sya parekoy.

Ely : Eh ano naman ngayon?

Jepoy : May girlfriend ka na Ely,in case you forgot.

Ely : Hindi dahilan si Shirley para hindi ako maging concern kay Toyang,wala akong tiwala kay Angelo.

Jepoy : Concern nga lang ba?

Ely : Eh ano pa ba?

Jepoy : Hindi kaya nagseselos ka lang kasi hindi na ikaw ang lagi nyang kasama ngayon at mas lalo kang nagseselos kasi kung sino pang pinaka-hate mong tao,dun pa sya close na close ngayon?


Natigilan si Ely sa huling sinabi ni Jepoy.

No comments:

Post a Comment