Friday, August 31, 2012

"Kimpoy Out,Elmo In"

Kanina pa magkausap sa phone sina Elmo at Direk Rico.


Elmo : Direk naman eh.

DRG : Im sorry Elmo pero hindi pwedeng pagbigyan ang kahilingan mo.

Elmo : Kahit ngayon lang Direk.

DRG : Hindi nga pwede eh.

Elmo : Hindi ka ba naaawa sa akin Direk,minsan lang naman eh.

Direk : Pagbigyan mo na,isang beses lang naman.

Elmo : I hate it Direk. Bakit naman kasi yun pa yung hiling nya.

DRG : Aba malay ko. Sya ang tanungin mo.

Elmo : Gagawin ko yan!

DRG : Ha ha sige. Okay bye na,may gagawin pa.

Elmo : Sige po Direk. Salamat po.


Natapos ang usapan ng dalawa na aburido ang binata. Naiinis sya kasi naman may aagaw sa spot nya.


Elmo : Kakainis talaga!

Maxx : Ano ba pinagpuputok ng butse mo dyan Moe?

Elmo : Eh kasi naman Maxx may umaagaw ng spot ko.

Maxx : Ano bang spot yung pinagsasasabi mo?

Elmo : Kakainis ka Maxx,bakit ba hindi mo ma-gets?

Maxx : Paano ko mage-gets kong ang labo mo naman kausap? Diretsuhin mo na kasi!

Elmo : Kasi yung si Kimpoy eh.

Maxx : Oh anong problema naman sa kanya?

Elmo : Hiniling ba naman na magkaroon sila ng duet ni Julie.

Maxx : Oh eh ano naman masama dun? Kakanta lang naman pala sila.

Elmo : Yun na nga yun eh,kakanta sila. Crush nya kaya si Julie!

Maxx : Wala naman masama kung crush nya si Julie kasi talaga naman maganda si Julie at talented pa.

Elmo : Aaaah Maxx kakanta sila,hahawakan nya mga kamay ni Julie at yun ang hindi ko papayagan!

Maxx : Ayun. Yun naman pala ang ikinakagalit mo. Selos ka?

Elmo : Im not jealous for God sake!

Maxx : Sa lagay na yan hindi pa? Oh common Moe,ayaw mo lang kasi na may ibang lalandi kay Julie eh.

Elmo : Okay I admit it,ayoko nga kasi wala silang karapatan.

Maxx : Eh ikaw ba may karapatan? Wag mo kalimutan loveteam lang kayo,loveteam!

Elmo : Ah basta hindi ko papayagan mahawakan nya kahit kaunti si Julie!

Maxx : Ewan ko sa'yo. Dyan ka na nga!


Paalis na sana si Maxx ng may bigla syang maisip.


Maxx : Ah Elmo...?

Elmo : Why?

Maxx : Naisip ko lang,bakit hindi mo na lang ipaglaban?

Elmo : Paanong ipaglaban?

Maxx : Kung hindi mo mapigilan si Kimpoy na maka-duet si Julie...eh di sumali ka!

Elmo : Paanong sali?

Maxx : Yung katulad ng inyo dati nina Jay tapos ang gawin mo yung katulad ng ginawa mo sa fan nyo sa Mall Show nyo.

Elmo : (ngiti ng makahulugan) Tama! Bakit hindi ko agad naisip yun?

Maxx : Kasi wala kang utak haha!

Elmo : Meron no!

Maxx : Meron na kung meron pero siguraduhin mo na hindi alam ni Julie na kasama ka para surprise. Tapos lumabas ka agad pag alam mong ita-try hawakan ni Kimpoy si Julie.

Elmo : Tama,gagawin ko yan! Thank you Maxx (niyakap ang kapatid) You are my lifesaver!

Maxx : Welcome Baby,for you I can do everything.


Sa Tech Reh.


Kimpoy : (lumapit kay Julie) Hi.

Julie : (tumingin kay Kimpoy) Hello.

Kimpoy : Ako nga pala si Kimpoy. Kimpoy Feliciano. (ini-abot ang kamay)

Julie : Ako naman si Julie. Julie Anne San Jose. (ini-abot din ang kamay)

Elmo : Ako naman si Elmo Magalona. Ang Loveteam ni Julie.


Bago nahawakan ni Kimpoy ang kamay ng dalaga ay maagap na itong nakuha ng binata at sya na ang nakipagkamay dito.


Kimpoy : Ah I know you. Son of Master Rapper.

Elmo : Yeah. (bumulong) At ang future ni Julie.

Kimpoy : Ha may sinasabi ka?

Elmo : Wala. Wala.

Kimpoy : So Julie (lingon sa dalaga) practice na tayo?

Julie : Sige.

Elmo : (lumapit kay Julie at bumulong) Wag kang papahawak ha. Magwawala ako.

Julie : (napangiti) Hawak lang ng kamay eh.

Elmo : Sinasabi ko sa'yo Julie,lahat ng sinasabi ko ginagawa ko. Alam mo yan.

Julie : Oo na.

Elmo : Sa harap lang ako ng stage,nakabantay. Umayos sya ha,baka hindi ko sya matantsa.

Julie : Oo na nga. Ikaw talaga. Selfish!

Elmo : Sa'yo lang naman.


At nag-practice na nga ang mga ito. Si Elmo todo-bantay,pag kita nyang gustong hawakan ni Kimpoy ang kamay ng dalaga ay napapatayo sya. Pansin na pansin naman yun ni Julie kaya iniiwas nito ang sariling kamay. Natapos ang rehearsal pati yung sa kanilang prod na maayos.


Kimpoy : Julie,hatid na kita.

Julie : Ah...

Elmo : (biglang sulpot tapos umakbay sa dalaga) Sorry Pare pero ako ang maghahatid sa kanya eh.

Kimpoy : Ah ganun ba.

Julie : Sorry ha. Sige una na kami.

Elmo : Ingat pag-uwi pare.

Kimpoy : Sige. Ingat din kayo.


Umalis na nga ang dalawa na magka-holding hands pa.


Elmo : Akala nya ha. Hindi nya ako maiisahan.

Julie : Ang seloso mo talaga.

Elmo : Alam mo yan.


Kinabukasan sa Party Pilipinas. Sa prod nung dalawa.

Kimpoy :

I was a man who always played around in love
So quick to take but so afraid to give enough
But now I found the one and heaven will only know
What only my eyes can say and time cant take away


Julie :

I was a girl who trusted no one with my heart
And the dreams that young girls dream,we've just vanishing in the dark
but now I've found the one and heaven will only knows
What only my eyes can say,they say...


Mag-duet na sana ang dalawa sa chorus ng biglang lumabas si Elmo. Parehong nagulat ang dalawa pero si Elmo diretso lang ang mga mata sa dalaga. Inabot nya ang kamay nito at hinawakan ng mahigpit.


Elmo : 

That I will take you forever
And there will never be anyone else in my heart but you
And I will take you forever
And there will never be anyone else but you
Anyone else but you...


Titig na titg ang binata sa dalaga at hindi na inalala na kasama nila sa prod si Kimpoy. Ang binata na ang nagpatuloy ng kanta. Yung tipong hinaharana nya ang dalaga. Kinabig nya ito ng mas malapit sa kanya habang patuloy na kumakanta.


Elmo :

Now my touch belongs to you and I will always be your bestfriend
Now my secrets are safe with you and the magic will never end
Now you are the one and heaven will only know
What only my eyes can say,they say...


Natapos at natapos ang kanta ng parang sila lang ang nasa stage. Napailing na lang si Kimpoy lalo na ng maintindihan na kung bakit nakasama sa prod na yun si Elmo. Pagkatapos ng kanta ay hinalikan ng binata sa gilid ng kanyang labi si Julie na ikinagulat nito maging ng lahat ng manonood. Naghiyawan ang mga fans sa sobrang kilig. Napangiti na lang si Kimpoy sa ginawa ng binata. Pagkatapos ng prod ay kaunting interview lang ang ginawa kay Kimpoy at pagkatapos ay diretso na silang nagpunta sa backstage. Sa hallway ay tinawagan ni Kimpoy si Elmo na naka-akbay pa kay Julie.


Kimpoy : Elmo. Julie!

JuliElmo : (lumapit) Bakit?

Kimpoy : Congrats Pare.

Elmo : Para saan?

Kimpoy : Hindi ko na itatanong dahil very obvious na. Kayo na di ba?

Julie : (nahihiyang itinago ang mukha sa dibdib ni Elmo)

Elmo : Yes Pare. Kami na nga kay distansya naman dyan.

Kimpoy : Hey pare,hindi ako karibal. Crush ko lang sya. Hindi ko sya aagawin sa'yo.

Elmo : Buti na ang malinaw.

Kimpoy : Seloso ka pala pare.

Elmo : Oo pare. Lalo na pag dating kay Julie,madamot ako.

Kimpoy : Halata ko nga kahapon pa. Ayaw mong mahawakan ng iba ang kamay nya.

Elmo : Ganun talaga. Pag-aari ko eh.

Kimpoy : Congrats again and thank you sa prod kanina kahit medyo na-OP ako.

Elmo : (napakamot sa ulo) Sorry pala dun pare.

Kimpoy : Naiintindihan ko. Sige una na ako.

Elmo : Sige.


At nauna na nga paglalakad palayo si Kimpoy. Naiwan ang dalawa na nag-uusap pa.


Julie : Kakahiya yung ginawa mo kanina. Guest pa naman sya ng show.

Elmo : Eh kasi naman nakakapagselos eh. At saka may blessings naman yung paglabas ko sa stage.

Julie : Ha? Sino nagbigay ng blessing sa'yo?

Elmo : Si Direk Rico. Buti nga napapayag ko eh.

Julie : Wag mo na lang ulitin yun sa susunod ha.

Elmo : Opo. Basta ba walang Kimpoy na dadamoves eh.

Julie : Loko ka talaga. Ang landi mo kanina. Yan tuloy nalaman na nila na tayo na.

Elmo : Mas mabuting malaman na nila ngayon para naman yung mga lalaking may gusto sa'yo,alam kong saan sila lulugar.

Julie : Ewan ko sa'yo.

Elmo : I love you Baby. (niyakap ang dalaga)

Julie : (gumanti ng yakap) I love you too Baby.


At nag-nose to nose muna ang dalawa bago sabay na naglakad papunta sa dressing room nila. Opo pareho sila ng dressing room kasi pareho silang may-sakit. Sa takot ng mga kapwa nila artista na mahawa,sila na ang pinagsama sa isang dressing room na ikinatuwa naman ng dalawa.

Chapter 12 - Together Forever

Maya-maya ay biglang tumayo ulit ang binata at hinabol ulit ang bus.


Ely : Hindi...hindi ako papayag na hindi ko masabi sa kanya ngayon yung nararamdaman ko. By hook or by crook malalaman nya ito.


Patuloy na hinabol ni Ely ang bus kahit medyo malayo na ito sa kanya habang sumisigaw. May isang ka-klase nila ang napalingon at napansin ang binata.


Classmate : Si Ely oh,hinahabol itong bus!


Narinig naman yun ni Toyang at napalingon. Nakita nya nga na humahabol si Ely at kita nya rin ang pagod sa mukha nito. Pinara nya ang bus at hinintay na maabutan ito ni Ely. Agad na sumakay si Ely sa bus at hinanap si Toyang. Tumayo naman ang dalaga para makita agad sya ng binata. Lumapit ang binata sa dalaga.


Toyang : Parekoy,anong ginagawa mo dito?

Ely : Parekoy,may gusto kasi akong sabihin sa'yo eh.

Toyang : Ano naman yun?

Ely : (hindi makapagsalita) Sabi ko na eh,pagkaharap kita ndi ko masasabi ng diretso yung sasabihin ko. Kaya ito sinulat ko na lang.


Naguguluhan ang dalaga sa gustong iparating sa kanya ng binata pero hinayaan nya lang ito. May dinukot ito sa sa likod ng bulsa nito at binasa sa harap ng dalaga.


Elmo : Parekoy sorry kung may kodigo ako. Hindi ko talaga masabi ng diretso eh. Pakinggan mo na lang bawat linya nito dahil ito ay para sa'yo.


Mula pagkabata ikaw na ang kasama
Sa lungkot at saya ikaw ang karamay
Kaya naman sa ating pagtanda
Sana kamay pa rin natin ang magka-akay.

Nang magmahal ako,sinuportahan mo ako
Hindi ko man lang napansin na ikaw ay nasaktan ko
Kung hindi ka pa lumayo,hindi ko mapapansin ito
Kulang ang mundo ko kung wala ka sa piling ko.

Nang sumulpot si Yago na syang naging karibal
Saka lang ako natauhan at nalaman kung sino totoo kong mahal
Kaya Toyang parekoy sana ako ay iyong pakinggan
Kahit parang huli na ang lahat ikaw ay aking ipaglalaban.

Toyang og Toyang,hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito
Dahil sagad sa katorpehan ang lalaking nasa harap mo
Kaya naman sa tulong ng white board aking naisulat
Ang tatlong salita na sa'yoy gusto kong ipagtapat.


Toyang : Ano bang ibig mong sabihin?

Ely : Yung tula para yan sa'yo. Yan yung gusto kong sabihin. pero may kulang pa at hindi ko talaga sya masabi kaya isinulat ko na lang.

Toyang : Ha?


Ibinaba ni Ely ang dalang bag at binuksan. Kinuha nya sa loob ang isang white board na may nakasulat at ipinakita sa dalaga. Sabay ng pagpapakita noon ay ang pagbuka ng kanyang mga labi.


Ely : "PK Mahal Kita"


Napaluha si Toyang sa nabasa at sa mga sinabi ng binata.

Ely : PK wag kang umiyak,nasasaktan ako lalo pag nakikita kitang umiiyak eh. (sabay pahid sa luha ng dalaga)

Toyang : Ikaw naman ang dahilan nito eh.

Ely : Im sorry kung late ko narealize. Gago kasi ako eh. Gago.

Toyang : (umiiyak pa rin) Akala ko ako lang nagmamahal sa'yo. Akala ko wala ng pag-asa.

Ely : (gulat) Gusto mo rin ako?

Toyang : Oo mahal din kita.


Naghiyawan ang nasa loob ng bus ng marinig yun. Mas lalo pa silang naghiyawan ng nagyakap na ang dalawa. Pagkatapos ng yakapan ay naghiwalay sila.


Toyang : Paano yan,mahihintay mo ba ang pagbalik ko?

Ely : Ang tagal nun. Sasama na lang ako sa'yo.

Toyang : Hindi pwede Ely. May pasok kayo eh.

Ely : Eh di wag ka na lang sumama.

Toyang : Mas lalong hindi pwede yun. May hinahabol kaya ako sa academics ko.

Ely : Paano na yan?


Sumigaw bigla ang driver ng bus.


Driver : Hindi na tuloy ang Summit,may bagyo daw paparating!


Nang marinig yun ay parehong napangiti ang dalawa. Magkatabi silang naupo sa bus habang binabagtas nito ang daan pabalik ng school.


Ely : PK salamat.

Toyang : Salamat saan?

Ely : Sa pagmamahal mo. Sa paghihintay mo sa akin.

Toyang : Hindi naman kita hinintay eh. Eksakto lang yung pagbalik mo sa akin. Kung nahuli ka pa ng kaunti,mawawala na talaga ako sa'yo.

Ely : Thank God naka-abot ako.


At parehong naka-ngiti ang dalawa habang nasa byahe. Nakatulog ang dalaga sa mga balikat ng binata.


Jas : Masaya ang isang bata dyan.

Angelo : Kita naman sa mga mata nya Jas eh.

Raz : Masaya naman talaga ako kasi okay na kami ni Louie.

Jas : Hindi naman ikaw ang tinutukoy namin eh.

Raz : Eh sino ba? Hindi naman pwedeng si Kuya Angelo kasi basted sya kay Ate Sam.

Angelo : Tarantado! Kailangan pa ba banggitin yun?

Raz : Syempre haha! Teka,would it be....Kuya Ely?

Ely : You said it!

Raz : Bakit Kuya?

Ely : (ngumiti lang)

Jas : Kasi sila na ni Ate Toyang mo. (ngiti)

Raz : Talaga Kuya? Kayo na? Im so happy for you!

Angelo : Finally haha!

Ely : Oo nga eh. Sa wakas kami na talaga.

Jas : Alagaan mo syang mabuti Ely.

Ely : Alam ko Ate,ginagawa ko na eh.

Jas : I know kung nasaan man sina Papa at Mama ngayon,masaya sila para sa'yo.

Ely : I know Ate. Oo nga pala pupunta pa kami sa puntod nina Papa.

Angelo : Yun oh papakilala na nya!

Raz : Pasama Kuya!

Ely : Hindi pwede! Moment namin yun.

Raz : Madaya!

Jas/Angelo : Haha!


Napasimangot na lang si Raz lalo na at ginulo pa ni Ely ang buhok nya.


Ely : Hi Pa, Hi Ma.

Toyang : Hello po Tito, Hello din Tita.

Ely : Pa, Ma papakilala ko po sa inyo si Toyang. Alam ko pong kilala nyo na sya pero bilang parekoy lang dati.

Toyang : (ngumiti)

Ely : Pa,Ma si Toyang po hindi ko na lang bestfriend. Girlfriend ko na po sya ngayon. Alam ko pong masaya kayo sa narinig nyo. Wag kayong mag-alala at aalagaan ko syang mabuti.

Toyang : Ha ha.

Ely : Mahal na mahal ko po sya Pa, Ma.

Toyang : Ang corny!

Ely : Eh totoo naman yun PK eh. (ngiti)

Toyang : Teka nga pala,lagi mo ako tinatawag ng ganyan pero hindi ko alam ibig sabihin nyan. Ano ba ibig sabihin nyan? Parekoy ba?

Ely : Nope.

Toyang : Eh ano?

Ely : (harap sa dalaga) Alam mo PK mahal na mahal talaga kita kaya naman ikaw lang ang PK ko...ang nag-iisang Pillows Ko, ang Pag-ibig Ko, ang Puso Ko at ang Pangarap Ko.

Toyang : (napaiyak) Parekoy...

Ely : Sabi ko wag ka ng iiyak di ba? Dapat happy thoughts lang. Rock and roll lang palagi. (sabay pahid ng luha ng dalaga)

Toyang : Eh hindi ko mapigilan umiyak eh. (hikbi)

Ely : Mga babae talaga oh.

Toyang : Ikaw nga dyan umiyak nung iwan kita sa park eh. Lalaki ka ba?

Ely : (gulat) Paano mo nalaman yun?

Toyang : Lumingon kaya ako,hindi mo lang nakita.

Ely : Yuck,kakahiya pala ako nun.

Toyang : Hindi kaya. Pag umiyak ang isang lalaki,ibig sabihin totoo yung sinabi nya.

Ely : Eh bakit hindi ka bumalik?

Toyang : Hello? Yung unang salita mo pa lang masakit na. Assuming ako eh. Alangan naman magpakatanga ako sa harap mo nun.

Ely : Tanga din ako eh. Pinabayaan lang kita umalis agad.

Toyang : Wag na nga natin pag-usapan yan lalo na dito. Kakahiya kina Tita at Tito eh.

Ely : Tama. Halika na nga at pagabi na. Ihahatid na kita sa inyo.

Toyang : Sige PK.

Ely : Anong sabi mo? Ano yung tinawag mo sa akin?

Toyang : (ngumiti) PK din as in Prince Ko.

Ely : Lakas mong magpakilig PK.

Toyang : Akala mo kasi ikaw lang marunong magpakilig PK eh.

Ely : Ayaw mo talaga magpatalo.

Toyang : Ako pa!

Ely : Tara na nga! (lingon sa puntod ng mga magulang) Aalis na po kami Mama, Papa pero babalik po ulit kaming dalawa.

Toyang : Bye po Tito, Tita.


At umalis na nga ang dalawa na magka-hawak ang mga kamay.

Tuesday, August 28, 2012

"Sinehan"

Kanina pa naka-park ang kotse nya sa labas ng bahay ng dalaga. Hinihintay nya ang paglabas nito. Matagal na rin nya itong ndi nakikita at hindi nasisilayan.


Xhander : Common Queen,lumabas ka na dyan. Kanina pa ako pinapapak ng lamok dito eh.


Maya-maya pa ay nakita nya na bumukas ang gate ng mga ito at may lumabas. Napa-angat sya sa pagkakaupo pero nadismaya lang ng makitang hindi naman ang hinihintay ang lumabas.


Xhander : Kakainis. Ilang araw na akong nagbabantay dito pero hindi ko pa rin sya nakikita.


Biglang nag-ring ang phone ng binata at nakita nya sa screen na tumatawag si Gerald,ang pinsan ni Queen.


*phone convo*


Xhander : Hello.

Gerald : Hello Pare,nasaan ka?

Xhander : Sa tingin mo?

Gerald : Wag mong sabihin na naka-tambay ka na naman sa harap ng bahay ng pinsan ko?

Xhander : Unfortunately yes.

Gerald : Sinabi ko na sa'yo di ba,hindi sya lumalabas lalo na pag alam nyang andito ka sa Pilipinas.

Xhander : Hindi naman nya ako makikita eh. Ibang kotse yung dala ko.

Gerald : Kahit na. Hanggang loob lang ng bahay yun.

Xhander : Nakakapagod din pala mag-abang sa ayaw magpakita.

Gerald : Umuwi ka na lang at hayaan mo gagawan ko ng paraan na makita mo sya.

Xhander : Talaga?

Gerald : Oo nga sabi. Boto kaya ako sa'yo haha!

Xhander : Yun yun eh. Okay uwi na ako. Gabi na din eh.

Gerald : Ingat pag-drive.

Xhander : I will.


Pagkatapos maibaba ang phone nya ay minsan pang pinagmasdan ng binata ang bahay ng dalaga. Nang maisip na hindi na talaga ito lalabas ay pinaandar na nya ang sasakyan at umalis na.


Cedric : Bakit ba ayaw mong lumabas Ate?

Queen : Eh ayoko eh.

Cedric : Hssst,porke kasi may iniiwasan ka eh.

Queen : Wala ah,hindi ko lang talaga feel lumabas.

Cedric : Hello! Ate,kailan ka pa natutong mag-mongha sa bahay? Ah nung dumating nga pala sya.

Queen : Eh ano naman kung ayaw ko sya makita?

Cedric : Eh di inamin mo din! Ay naku Ate,obvious na inlove ka pa din sa kanya ha.

Queen : Hindi na no at saka wala naman kami naging relasyon.

Cedric : Eh yun nga eh. Wala naman kayong naging relasyon,bakit ka nagtatago?

Queen : Eh kasi nga ayoko syang makita.

Cedric : Dahil?

Queen : Okay. Ayoko syang makita kasi baka magbalik yung nararamdaman ko sa kanya.

Cedric : Kaya pala lagi mo binibisita Facebook account nya tapos nagnanakaw ka pa ng picture nya.

Queen : (gulat) Wag ka nga maingay dyan. Baka marinig ka nila!

Cedric : Eh totoo naman eh!

Queen : Okay inaamin ko pero dapat hindi mo na lang sinisigaw dyan.

Cedric : Ewan ko sa'yo Ate. Masyado kang in-denial.

Queen : Tse!

Cedric : Dyan ka na nga. Ang labo mong kausap.


Iniwan na nga ng pamangkin nya si Queen. Ang totoo ayaw talaga nya lumabas kasi ayaw nya makita ang binata. Natatakot kasi sya na baka hindi na naman nya mapigilan yung nararamdaman nya. At para maiwasan yun,hindi na lang sya lumalabas.


Manelle : Tita phone call oh.

Queen : Sino?

Manelle : Si Klarisse.

Queen : Bakit daw?

Manelle : Ewan ko. Ikaw naman ang hinahanap eh.

Queen : Okay. Akin na nga.


Kinuha ni Queen ang telepono sa pamangkin.


Queen : Hello Klarisse.

Klarisse : Hello Contessa,come here!

Queen : Saan?

Klarisse : Sa bahay nina Gerald. Andito kaya ako. Dali may pag-uusapan tayo.

Queen : Hindi ba pwedeng dito na lang sa phone?

Klarisse : Hindi pwede. Basta punta ka dito tapos. Wait ka namin. Bye!

Queen : Wait-


Hindi na natapos ng dalaga ang sasabihin dahil binaba na ng kausap ang telepono. Dali-dali nyang kinuha ang tsinelas at naglakad papunta sa bahay ng pinsan.


Queen : Yuhoo! Im here na!

Klarisse : Wow ang bilis!

Queen : Syempre,takot ko na lang sa'yo eh.

Klarisse : Haha!

Queen : Teka nasaan ba yung pinsan ko?

Klarisse : Naliligo.

Queen : Ah.

Klarisse : Umuwi ka na din.

Queen : What? Pinagmadali mo ako pagpunta dito tapos papauwiin mo rin agad? Ang labo ha!

Klarisse : Umuwi ka at maligo. May pupuntahan tayo nina Gerald.

Queen : Ay ayoko.

Klarisse : Bakit naman?

Queen : Langya,nagtanong ka pa? Hello, ma-OP ako sa inyo eh.

Klarisse : Dont worry may partner ka naman eh.

Queen : Sino? Si Kim?

Klarisse : Bakit? Ayaw mo?

Queen : Utang na loob Klang,ayoko makasama yung kapatid mo na yun,sisirain nya lang araw ko.

Klarisse : Sobra naman,tuwa lang sa'yo yung kapatid ko. Ikaw nga lang babae na close nya eh. Kung hindi lang mas bata yun sa'yo,iisipin ko may gusto sya sa'yo eh.

Queen : What? Si Kimpoy? Hahaha...for God sake wala syang ginawa kundi sirain ang araw ko tapos magkakagusto sa akin? Labo men!

Klarisse : Haha,stop na nga. Highblood ka na eh. Dont worry hindi sya makakasama natin. Pasalamat ka may lakad sila ng barkada nya.

Queen : Eh teka sino makakasama pa natin?

Klarisse : Dont worry,masaya syang kasama. Uwi ka na at maligo. In less than thirty minutes dadaanan ka namin.

Queen : What?!

Klarisse : Go na!

Queen : Teka saan ba tayo pupunta?

Klarisse : Sa mall.


Itinulak na ni Klang ang dalaga. Walang nagawa si Queen kundi bilisan ang kilos. Maya-maya pa nga dumating na sina Klang at Gerald para daanan sya. Sakay ng kotse ni Gerald nagpunta na sila ng mall para tagpuin ang kasama nila.


Klarisse : Andito na tayo!

Queen : Sa wakas! Teka ano ba gagawin natin dito bukod sa pamamasyal?

Klarisse : Manonood muna tayo ng sine. May magandang palabas oh.

Queen : Wow! Bet mo rin ang Just One Summer?

Klarisse : Oo naman no,Im a fan of them.

Queen : Yun oh,same!

Klarisse : Oh andyan na pala sila.

Queen : Sino bang-


Natigilan ang dalaga ng paglingon ay makilala kung sino ang kasama nila.


Gerald : Sorry kung nagtagal kami.

Klarisse : Okay lang.

Gerald : Cousin bigla ka ata natahimik dyan?

Queen : Ah wala to. Manood na tayo ng movie.

Klarisse : Hindi mo man lang ba babatiin ang partner mo?


Nanlaki ang mata ng dalaga sa sinabi ni Klarisse.


Xhander : I guest hindi pa nya alam. Kitang-kita yung gulat sa mukha nya oh.

Queen : (sinamaan ng tingin ang binata)

Gerald : Sya tama na yan. Bibili na ako ng ticket.

Klarisse : Sige.


Hinintay lang nila si Gerald pagkatapos ay pumasok na sila sa loob ng sinehan.


Queen : (bumulong) Klang,una na kayo. Daan lang ako sa CR.

Klarisse : Samahan na kita.

Queen : Hindi kaya ko na naman ito.

Klarisse : Sasamahan kita kasi alam ko tatakas ka eh.

Queen : Hindi ah.

Klarisse : Sa presinto ka magpaliwanag. Sasamahan kita okay.


Tinawag ni Klang si Gerald at pinauna na. Pinaliwanag nyang dadaan lang sila ng banyo. Pumayag naman ang mga binata at sinabing sumunod sila. Wala naman nagawa si Queen kasi todo bantay si Klang sa kanya. Pagkatapos nilang mag-banyo ay sumunod na sila sa taas. Ganun na lang ang gulat ng dalaga ng makita nila kung paano ang pwesto nila. Sina Gerald at Xhander ay naglagay ng dalawang espasyo kung saan sila uupo. Ibig sabihin makakatabi nya ito.


Klarisse : Upo na tayo.

Queen : Sige.


Naupo na nga si Klang pero laking gulat ng mga ito ng makita nilang naglakad si Queen pataas at dun naupo.


Xhander : Ang tigas talaga ng ulo ng pinsan mo Gerald.

Gerald : Alam mo yan. Bahala ka dumiskarte. Tinulungan na kita.

Xhander : Alam ko na ang gagawin ko. Its time for me to tame her.

Klarisse : Wow tapang ng pinsan ko!

Xhander : Para sa kanya,why not haha!

Gerald : Sige na. Puntahan mo na sya.


Dahil engrossed sa panonood ang dalaga. Hindi na nya napansin kung sino ang tumabi sa kanya. Nagulat na lang sya ng biglang umakbay sa kanya ang katabi nya. Madilim kaya ndi nya agad napagsino ang katabi.


Queen : (sisigaw sana)

Xhander : (tinakpan ang bibig ng dalaga) Ako to. Si Xhander.

Queen : (hinampas ang binata) Walangya ka. Bakit ka nag-aakbay?

Xhander : Why? Masama bang akbayan ko ang girlfriend ko? (ngumiti)

Queen : Kapal ng mukha mo ha. Hindi mo ako girlfriend!

Xhander : Sa ngayon hindi pa pero paglabas ng sinehang ito,sinisigurado ko sa'yo na meron ng tayo.

Queen : Ha! Ang yabang mo ah. Masyado kang sigurado!

Xhander : Syempre. May ipagyayabang eh.

Queen : Tigil-tigilan mo ako Xhander ha. Hindi kita feel.

Xhander : Okay lang yun. Feel naman kita. (ngiti)

Queen : (yamot na) Tanggalin mo nga yang kamay mo sa balikat ko! (inalis ang kamay ng binata)

Xhander : (ayaw alisin ang kamay) Ayoko.

Queen : Aalisin mo o sisigaw ako dito? (pananakot nya sa binata)

Xhander : Naka-akbay ako o hahalikan kita? ( hamon naman ng binata)

Queen : (nanlalaki ang mga mata) Dont try me!

Xhander : Me too. Kaya kong gawin ang sinabi ko. Ewan ko lang sa'yo kung kaya mo talagang sumigaw.

Queen : Wag mo ako hinahamon dahil pag sinabi ko ginagawa ko.

Xhander : Eh di gawin mo.


Sisigaw na sana ang dalaga ngunit wala ng lumabas na sigaw sa bibig nya kasi naunahan na sya ng binata. Bago sya nakasigaw ay nahalikan na sya nito. Dahil hindi handa ay natulala ang dalaga. At kahit tapos na syang halikan ng binata ay tulala pa rin ang dalaga. Naalimpungatan lang sya ng mahina syang tampalin ng binata.


Queen : Ba-bakit mo a-ako hinalikan?

Xhander : Hindi pa ba obvious?

Queen : Obvious ang alin?

Xhander : Na may gusto ako sa'yo?

Queen : Ha?

Xhander : Queen naman,bakit ba ang slow mo?

Queen : Eh ano ba ang ibig mong sabihin?

Xhander : (hinawakan sa magkabilang balikat ang dalaga) My Queen Contessa,today I will confess to you. I want to say that I love you,I really really love you. Since you are 13 pa lang mahal na kita.

Queen : (hindi makapaniwala) Hindi mo nga ako pinapansin nun eh.

Xhander : Ginawa ko yun para sa'yo.

Queen : Para sa akin?

Xhander : Oo. Kasi bata ka pa nun. Hindi pa kita pwedeng mahalin kasi baka ako pa maging dahilan ng pagkasira ng buhay mo.

Queen : Bakit naman masisira ang buhay ko?

Xhander : Dahil mahal kita kaso lang bata ka pa. Baka hindi ko makontrol ang sarili ko at maitanan kita noon.

Queen : (ngumiti) Yun pala yun.

Xhander : Kung alam mo lang kung paano ko pinipigilan ang sarili ko dahil sa sobrang selos. Gustong-gusto ko ng upakan lahat ng mga lalaking lumalapit sa'yo.

Queen : (hinampas ang binata) Sobra ka naman!

Xhander : Eh kasi naman nakakapagselos kasi sila nakakalapit sa'yo,ako hindi. Bakit kasi mas close ka sa mga lalaki kesa sa babae eh.

Queen : Alam mo naman na ipinanganak akong puro mga lalaki ang mga pinsan.

Xhander : Oo nga eh. Wala tuloy akong magawa.

Queen : (ngiti na lang)

Xhander : Pero teka. Hindi mo pa sinasabi sa akin kung mahal mo ba din ako.

Queen : Hindi ba obvious? (niyakap ang binata)

Xhander : (ngumiti) Hindi eh. Dapat hindi lang action. Dapat may words din,for assurance.

Queen : Okay. (hinawakan ang pisngi ng binata) My King,I love you too. You know that at kung kailan nagsimula. Basta I love you. Hindi naman nawala yun eh. Siguro tinago ko lang para ilabas ngayon.

Xhander : (niyakap ang dalaga) I really love you My Queen,ikaw lang talaga.

Queen : (niyakap din ang binata) I know now.

Xhander : Can I kiss you?

Queen : Nagpaalam ka pa eh kanina nga basta mo na lang ako hinalikan?

Xhander : (ngumiti) Oo nga pala haha!


Pagkasabi nun ay hinalikan ng binata ang dalaga,marahan lang at saglit lang din. Pagkatapos ng halik na yun ay nagyakap muli ang dalawa.


Queen : Wait lang,sina Gerald at Klang?

Xhander : Umuna na. Alam naman nila na hindi kita papalabasin dito ng hindi tayo eh.

Queen : (ngumiti) Kakainis ka. Tingnan mo,hindi ko na napanood ng maayos yung palabas. Gusto ko pa naman yung mga bida.

Xhander : Haha pwede naman natin yan panoorin ulit bukas,sa isa pang bukas,sa susunod na bukas,araw-araw hanggang sa hindi sya natatapos ipalabas.

Queen : Pero gusto ko talaga malaman na yung story ngayon.

Xhander : Eh di panoorin natin ngayon,tutal ndi pa naman last full show. Alam mo nakakakilig yan mga bida sa movie na to.

Queen : Syempre sina Julie at Elmo yan eh.

Xhander : Alam mo hindi lang ito feeling pero sigurado ako,sa huli sila ang magkakatuluyan.

Queen : Paano mo naman nasabi?

Xhander : Dahil sa mga kilos nila. Parang tayo din sila eh,deny ng deny pero ang totoo nagmamahalan naman. Hindi pa lang talaga oras kaya hindi pa mailabas yung nararamdaman.

Queen : May tama ka dyan.

Xhander : Sya panoorin na natin. Sandal ka sa akin.

Queen : Okay.


At sabay ngang muling pinanood ng dalawa ang Just One Summer kung saan sila ay parehong nakaka-relate sa title. Dahil una silang nagkakilala nung Summer League ng Barangay nila.

Monday, August 27, 2012

"Pasalubong"

Maqui : Nabalitaan mo na ba?

Julie : Ang alin?

Maqui : Nagbalik na sya.

Julie : Sinong sya?

Maqui : Yung longtime crush mo!

Julie : Marami akong crush na nag-abroad,sino sa kanila?

Maqui : Ikaw talaga Julie,alam ko naman na alam mo kung sino ang tinutukoy ko eh.

Julie : Eh sino nga ba?

Maqui : Okay. Si Elmo!

Julie : Ah I see. Now I know.

Maqui : Ganun lang yung reaction mo? Parang wala lang?

Julie : Move-on na ako Maq. Matagal ko na syang kinalimutan.

Maqui : Weh? Sa tagal ng panahon na crush mo sya as in mga bata pa kayo crush mo na sya,mali mahal na pala,ngayon sasabihin mong nakalimutan mo na sya? Hindi ganun kadali yun Julie.

Julie : Kahit ano pang sabihin mo,wala na akong pakialam sa kanya.


Pagkasabi nun ay tumayo na ang dalaga at iniwan ang kaibigan. Umakyat na sya papunta sa kwarto. Napabuntong-hininga na lang ang naiwang kaibigan.


Sef : Pare,nice to see you again!

Elmo : Haha thanks Pare. Its nice to be back home.

Alden : Eh di happy-happy na ulit tayo ngayon?

Elmo : Syempre. Teka asan si Kris?

Sef : Hmmn bakit mo naman sya hinahanap?

Elmo : Syempre gusto ko rin naman sya makita.

Alden : Gusto nga ba o magpapakwento ka lang?

Elmo : Mga gago! Hindi ah,gusto ko lang din sya makita para kumpleto tayo.

Alden : Palusot mo! Kung ako sa'yo puntahan mo na lang sa bahay nila yung pinsan ni Kris.

Elmo : Pwede ba tigil-tigilan nyo nga ako dyan.

Sef : If I know may gusto ka din sa kanya.

Elmo : Wala akong gusto sa kanya no.

Sef : Wala daw. Eh lagi mo nga syang kinakantahan pag dadaan sya dito sa tapat natin eh.

Elmo : Hindi ko sya kinakantahan. Nagkakataon lang na pag dadaan sya napapakanta ako.

Alden : Kinakantahan mo kasi tuwing dadaan sya sa harap mo hindi ka man lang tinitingnan.

Elmo : Hindi ah. Suplada sya,kayo lang binabati.

Sef : Paano ka nya babatiin eh crush ka nga nun?

Elmo : Crush? Saan ka nakakita ng crush na hindi namamansin sa crush nya?

Sef : Meron! Si Julie!

Kris : (bagong dating) Uy narinig ko ang pangalan ng pinsan ko. Anong meron?

Alden : Etong si Elmo hinahanap ka,magtatanong daw ng tungkol kay Julie.

Elmo : Wala akong sinabing ganyan!

Kris : Ikaw Elmo ah. akala ko ba hindi mo sya gusto?

Elmo : Hindi naman talaga eh,yang dalawang yan lang masyadong feeling.

Kris : Tama na nga yan. Tambay na tayo at tigilan nyo na nga si Julie,masaya na yun eh.

Elmo : (nagulat) Masaya? Saan?

Sef : Oh ayan daw walang gusto,tanong agad!

Alden : Dapat tanong Elmo kung kanino?

Elmo : Ha?

Kris : Tama na yan. Tagayan na lang tayo!


Habang nag-iinuman ay nasa ibang dimensyon ang utak ng binata.


Elmo : May nagpapasaya na sa kanya? Sino?


Nagdaan ang mga araw. Minsan sinugo ng Mama nya si Julie para pumunta sa bahay nina Kris. Ayaw sana nya kasi takot syang makita ang binata pag lumabas sya kaya lang ayaw naman nya magalit ang ina.


Julie : Kainis naman. Bakit kasi mag-isa lang akong anak,yan tuloy ako lagi ang nauutusan.


Habang naglalakad ay nagdadabog sya. Malapit na sya sa bahay nina Kris ng matigilan sya. Hindi sya nagkakamali,kulay pa lang at plate number ng kotse alam na nya kung sino ang may-ari. Para tuloy ayaw nya ng tumuloy.


Julie : Kaya ko to. Sino ba sya para iwasan ko?


At dire-diretsong naglakad ang dalaga. Parang walang nakita na diretso syang tumuloy sa loob ng bahay.


Julie : Tita!


Lumabas si Kris mula sa kusina.


Kris : Cousin wala si Mama dito.

Julie : Ha? Nasaan sya?

Kris : Umalis sya. May pinuntahan. Mamaya pang gabi ang balik nya.

Julie : Ah ganun ba. sya babalik na lang ako mamayang gabi.

Kris : Ano bang kailangan mo sa kanya?

Julie : Ah may pinapasabi lang kasi si Mama.

Kris : ah okay. Wait lang may kukunin lang ako.

Julie : Ano naman yun?

Kris : Wait ka lang dyan. Upo ka muna dun sa sala.

Julie : Okay.


Nagpunta nga sa sala ang dalaga para maghintay sa pinsan. Tahimik lang syang nakaupo ng maramdaman nyang hindi sya nag-iisa. Lumingon sya at ganun na lang ang gulat nya ng makita nya si Elmo.


Elmo : Hi Julie. (ngiti)

Julie : (naupo at hindi pinansin ang binata)

Elmo : Hanggang ngayon suplada ka pa rin sa akin. (pumunta sa harap ng dalaga)

Julie : (parang walang nakita)

Elmo : So wala ka talagang planong pansinin ako? (inis na)

Julie : (tiningnan ang binata) Excuse me? Do I know you?

Elmo : Eh kung halikan kaya kita dyan? (pananakot ng binata)

Julie : Dont you dare!

Elmo : Eh kung gawin ko nga,anong gagawin mo?

Julie : Wag mong magawa yang plano mo kung hindi sisgaw ako!

Elmo : (lumapit pa at naupo na din) Eh di sumigaw ka as if naman may makakarinig sa'yo.

Julie : Maririnig ako nina Kris!

Elmo : Sa lakas ng sounds dito sa bahay sa palagay mo maririnig ka nila? (mas lumapit)

Julie : (umisod) Wag kang lalapit!

Elmo : (lapit pa rin)

Julie : Sisigaw na talaga ako!

Elmo : Eh di sumigaw ka.

Julie : Asan ba si Kris? Akala ko ba may kukuhanin lang sya.

Elmo : Meron nga. Ako yung pinagdadala nya sa'yo kaso ndi ko na ibibigay kasi ang ilap mo naman sa akin.

Julie : Kung ganun aalis na lang ako. Dyan ka na nga!


Tumayo na ang dalaga at akmang maglalakad na para lumabas ng biglang hulihin ng binata ang isang kamay nya. Paghila ng binata nawalan sya ng balanse at sa kandungan ng binata sya bumagsak.


Elmo : Not so fast my lady.

Julie : Bitiwan mo nga ako!

Elmo : Bibitiwan kita pag naibigay ko na sa'yo pasalubong ko.

Julie : Wala akong pakialam sa pasalubong mo. ang gusto ko bitiwan mo ako!

Elmo : Bakit ba ang taray mo? Meron ka ba ngayon?

Julie : Bastos!

Elmo : Teka nga pala,sino yung nagpapasaya daw sa'yo?

Julie : Wala kang pakialam dun impakto ka,bitiwan mo ako sabi!

Elmo : Not after this.


Magsasalita pa sana ang dalaga pero huli na ang lahat dahil sinakop na ng binata ang labi nya. Nagpumiglas ang dalaga pero mahigpit na hinawakan ng binata ang dalawa nyang kamay habang ang isang kamay nito ay nasa batok nya at pinipigilan sya. Dahil wala naman syang magawa,huminto na lang sya at pinabayaan ito kung kailan titigil. ang kaso wala ata itong plano kaya ng makakuha sya ng tyempo kinagat nya ang labi nito. Dun pa lang sya nito binitiwan.


Elmo : Shit!

Julie : Buti nga sa'yo,manyak ka kasi!

Elmo : Ginawa ko lang naman yun kasi lagi mo na lang akong hindi pinapansin. In short tinatakasan mo ako!

Julie : Eh ano naman ngayon?

Elmo : sa kakaiwas mo hindi ko tuloy masabi sa'yo na hindi kita gusto!

Julie : Kapal ng mukha mong sabihin yan,hindi rin naman kita gusto eh!

Elmo : Hindi? Eh sabi nila crush mo ako eh.

Julie : Engot naman nung mga spy mo.

Elmo : Bakit hindi ba talaga?

Julie : Hindi nga dahil hindi naman kita gusto kaya hindi kita crush!

Elmo : Okay lang kasi hindi naman yan ang gusto kong marinig sa'yo eh.

Julie : At ano naman gusto mong marinig sa akin?

Elmo : (lumapit) Gusto kong marinig kung....kung...kung mahal mo din ba ako?

Julie : (gulat) Ha?!

Elmo : Oo Julie mahal kita noon pa. Hindi ko lang masabi sa'yo noon kasi wala pa akong maipagmamalaki.

Julie : (umiyak) Dapat noon mo pa sinabi yan.

Elmo : Bakit? Meron na bang nagmamay-ari sa'yo? Hindi ka ba binabantayan nina Kris?

Julie : (tumingin sa binata) Anong ibig mong sabihin?

Elmo : Dahil hindi pa ako makapagtapat sa'yo pinabantayan kita. Para kahit wala ako hindi ka maagaw ng iba.

Julie : Ganun pala yun. Kaya pala ganun kahigpit sa akin sina Kris,ngayon naiintindihan ko na. Pinababantayan mo pala ako.

Elmo : Ganun nga. Ganun kita kamahal eh.

Julie : Pasalamat ka mahal din kita. kung hindi sinapak na talaga kita.

Elmo : Mahal mo din ako?

Julie : (ngumiti) Mahal din kita. Mga bata pa tayo mahal na kita.

Elmo : (ngumiti)

Julie : Teka ano nga pala yung pasalubong mo sa akin?

Elmo : Naibigay ko na eh. Pero pwede ko naman ibigay ulit.

Julie : Naibigay mo na? Wala ka naman ini-aabot sa akin ah.

Elmo : Eto oh.


Pagkatapos sabihin yun ay hinalikan muli ng binata ang dalaga at dun pa lang naintindihan ng dalaga kung anong pasalubong ni Elmo sa kanya. Nahampas na lang nya ito pagkapos nitong bitiwan sya.

"Bestfriends Untold Love"

Malungkot na tiningnan ni Julie ang picture nila ni Elmo.


Julie : Ikakasal na sya. Parang kelan lang sa akin lang umiikot ang mundo nya. Kami lang dalawa okay na. Ang sakit naman sa pakiramdam.


Napaluha na ang dalaga habang muling sinasariwa sa kanyang isipan nung sabihin ng binata sa kanya na ikakasal na ito.


Elmo : Best!

Julie : Uy Best,ang saya mo ah!

Elmo : Syempre Best kasi may good news ako sa'yo.

Julie : Ano naman yung good news na yan?

Elmo : (hinawakan sa balikat ang dalaga) Dahil close tayo at ikaw ang pinakamalapit sa akin,dapat lang na ikaw ang unang makaalam ng nararamdaman ko ngayon.

Julie : (ngumiti) Ano nga yun? Pinapakaba mo ako eh.

Elmo : Best...I...

Julie : I...?

Elmo : I...Im getting married Best! (sabay yakap sa dalaga)

Julie : Hah? (gulat na gulat)

Elmo : (kunot-noo) Aren't you happy on my good news?

Julie : Ah hindi,nagulat lang ako pero Im so happy for you Best,congrats!

Elmo : Thank you Best. Sabi na eh magiging masaya ka para sa akin. Salamat,sige una na ako,puntahan ko pa si Lo eh. Dumaan lang ako dito para sabihin yan.

Julie : Sige go. Ingat and congrats ulit!


Umalis na nga ang binata na kumakaway-kaway pa sa kanya. Habang sya pagkaalis nito ay tuluyan ng bumagsak ang kanina pa pinipigilang luha. Dahil ang totoo,mahal nya ang bestfriend nya higit pa sa kaibigan.


Alden : Julie!

Julie : Uy Alden ikaw pala.

Alden : Ngiti ka naman dyan.

Julie : Paano ako ngingiti kung nagluluksa ako.

Alden : Ay oo nga pala ano,ikakasal na nga pala sya.

Julie : Sige ipagdiinan mo pa.

Alden : Haist bakit kasi sya pa. Meron naman iba pa dyan sa paligid,hindi mo lang napapansin.

Julie : Sino naman kaya yun?

Alden : Lumingon-lingon ka lang,malay mo katabi mo na pala sya ngayon.

Julie : (nagulat) Ikaw?

Alden : (ginagap ang kamay ng dalaga) Oo Julie,bakit hindi natin subukan?

Julie : Alden...

Alden : Try lang naman. Malay mo madevelop.

Julie : (ngumiti) Why not? Siguro tama na rin to para makalimutan ko sya. Payag ka ba na magamit kita para makalimutan ko sya?

Alden : Kung ang kapalit naman ay ang mga ngiti sa mga labi mo,payag na payag ako. At saka ako naman ang nag-suggest eh.

Julie : Paano kung hindi mag-work?

Alden : Eh di no hard feelings.


Napangiti na lang ang dalaga. Mula noon lagi na silang magkasama at lumalabas. Naging masaya naman ang dalaga sa piling ni Alden kahit nanliligaw pa lang ito. Kung meron man hindi masaya sa nangyayaring ito,yun ay si Elmo.


Elmo : Bakit ba lagi nyang kasama ang lalaking yun?

Saab : (kararating lang) Si Alden ba ang tinutukoy mo?

Elmo : Paano mo nalaman?

Saab : Ikaw Elmo,umamin ka nga sa akin. May gusto ka ba kay Julie?

Elmo : Ate naman,ano bang tanong yan?

Saab : Eh kung nakikita mo kasi ang sarili mo sa salamin,yung mga mata mo kitang-kita ang galit,yung mukha mo hindi maipinta tapos yang mga sinasabi mo sinasabi lang yan ng mga taong umiibig eh.

Elmo : For God sake Ate,ikakasal na kaya ako!

Saab : So what? Ikakasal pa lang naman. Kung ako sa'yo Elmo i-analyze mo muna ang feeling mo bago ka magpakasal,bago mahuli ang lahat. Dahil kung tutuusin mas gusto naman namin si Julie kesa kay Lauren.

Elmo : Ate...

Saab : Pag-isipan mo ang sinabi ko.


Pagkasabi noon ay umalis na si Saab at umakyat na papuntang kwarto. Naiwan ang binatang pinag-isipan ang mga sinabi ng kapatid.


Julie : Salamat sa isang masayang araw na naman na nagdaan Alden.

Alden : Walang anuman Julie. Kahit na alam naman natin na hindi masyado masaya yung lakad natin ngayon.

Julie : (lumapit) Im sorry Alden. Pinilit ko pero hindi talaga eh. Hindi ko makontrol ang puso ko.

Alden : (ngumiti) Ganun talaga pag nagmamahal. Hindi mo pwedeng pigilan ang puso kung saan sya talaga tumitibok at kung para kanino.

Julie : Kung kaya ko lang talaga...

Alden : (pinigilan ang dalaga pagsasalita) Pssst,tama na. Una pa lang alam ko na sa ganito ang bagsak ng lahat pero masaya pa rin ako kasi pinagbigyan mo ako. Pwede bang mayakap kita kahit sa huling sandali?

Julie : (ngumiti) Yun lang pala eh. Halika nga dito.


At nagyakap nga ang dalawa. Naghiwalay lang sila ng biglang may sumuntok sa binata.


Alden : Sinong....Elmo?

Julie : Elmo ,anong ginagawa mo dito at bakit mo sya sinuntok?

Elmo : Bakit ka nya niyayakap? (tanong sa dalaga)

Julie : Eh ano naman ngayon,yakap lang yun!

Elmo : Wala syang karapatang yakapin ka! (poot ang tingin kay Alden)

Alden : Pare,mali ang interpretasyon mo.

Elmo : Wag mo ako matawag-tawag na pare traydor ka,lumayas ka sa harap ko!

Alden : Pare...eh moe pala...

Julie : Sige na Alden umalis ka na muna. Ako na bahala sa kanya.

Alden : (tumingin sa dalaga) Are you sure?

Julie : Yeah. Go.

Alden : Sige,una na ako. (umalis na nga ang binata)

Elmo : (sumigaw) Wag ka ng babalik dito!

Julie : Elmo!

Elmo : (lumingon sa dalaga)

Julie : (sinampal ang binata) Anong karapatan mo na suntukin sya?

Elmo : (gulat sa ginawa ng dalaga) Wala ba?

Julie : Ang labo mo ha!

Elmo : Ikaw ang malabo! Bakit basta ka na lang nagpapayakap sa kanya,boyfriend mo na ba sya? (galit na tanong ng binata)

Julie : (galit din) Kung boyfriend ko sya,ano naman sa'yo?

Elmo : (tuluyan ng nagalit) Boyfriend mo na sya? (dahan-dahan lumapit sa dalaga)

Julie : (napaurong dahil sa nakitang galit sa mga mata ng binata) 

Elmo : Sumagot ka!

Julie : (hindi na nakasagot dahil naramdaman wala na syang uurungan)

Elmo : Bakit hindi ka makasagot ha?

Julie : Lumayo ka nga sa akin!

Elmo : Eh kung ayoko? (ngumisi)

Julie : (nalanghap ang amoy-alak na hininga ng binata) Naka-inom ka Moe. Umuwi ka na lang.


Akmang tatalikuran na ng dalaga ang binata para pumasok sa loob ng bahay nila (sa may gate sya napaurong) ng bigla syang hilahin ng binata. Pagharap ng dalaga ay hinapit ng binata ng isang kamay nito ang bewang nya at ang isa naman kamay ay sa may batok.  Magsasalita pa sana ang dalaga ngunit huli na dahil sinakop na ng binata ang mga labi nya. Pilit na nanlalaban ang dalaga pero hindi sya makakawala sa binata. Habang nanlalaban sya alo naman humihigpit ang yakap nito at lalong dumidiin ang halik. Ramdam nya ang maalat na dugo dahil sa diin ng halik ng binata kaya napaiyak na lang sya. Naramdaman naman yun ng binata kaya napatigil ito sa paghalik pero hindi sya binitiwan.


Elmo : Im so-sorry Julie. Hindi ko sinasadya.

Julie : Bakit Elmo? Bakit mo ako hinalikan?

Elmo : (tumahimik)

Julie : Hindi mo ako dapat hinalikan dahil ikakasal ka na.

Elmo : Wala ng kasalan na mangyayari.

Julie : (gulat) Ha? Bakit?

Elmo : Because I realize something.

Julie : (naguguluhan)

Elmo : I realize I never love her. That I love someone. (tingin sa dalaga)

Julie : Sino?

Elmo : The one who is always at may side. (ngiti)

Julie : (tungo) Wag mo akong paasahin.

Elmo : (itinaas ang mukha ng dalaga sabay haplos) Julie Julie...alam mo bang mahal kita?

Julie : Paano mo nasasabi yan ngayon eh ikakasal ka na dapat?

Elmo : Thanks to Saab.

Julie : Oh bakit sa kanya?

Elmo : Dahil sya ang nagpaliwanag sa isip ko.

Julie : Di ko ma-gets.

Elmo : Nakita nya kasi pagka-aburido ko nung malaman kong nagdi-date kayo ni Alden. Kulang na lang kasi magwala ako sa selos kaya yun sabi nya pag-isipan ko kung sinong mahal ko at narealize q na ikaw talaga yung mahal ko.

Julie : Are you sure?

Elmo : Im very much sure,mahal kita Julie at hindi ko kayang mabuhay ng wala ka,ng hawak ng iba. Ikakamatay ko.

Julie : Si Lauren...

Elmo : Tinanggap nya agad dahil sa una pa lang daw alam na nyang ikaw talaga yung mahal ko. Bulag lang daw talaga ako. At tama sya sa sinabi nyang yun. Nasa tabi ko na hindi ko pa nakita.

Julie : (ngumiti) Pasalamat ka mahal din kita.

Elmo : (ngiti) Talaga?

Julie : Mahal nga kita,kung alam mo lang kung paano ko iniyakan nung malaman kong ikakasal ka na.

Elmo : Kaya ba nagawa mong makipag-date sa mokong na yun? (tampo)

Julie : We just try para makalimutan kita pero failed eh. Kanina nung suntukin mo sya nagkaliwanagan na kami na last na namin labas yun.

Elmo : Buti naman.

Julie : Anong buti naman?

Elmo : What I mean buti naman,hindi ako nahuli. Naabutan pa kita bago naging pag-aari ng iba. Sabagay kahit maging kayo naman aagawin pa rin kita sa kanya.

Julie : Maagaw mo kaya?

Elmo : Naman! Yes!

Julie : Yabang!

Elmo : May ipagyayabang eh. I love you Julie.

Julie : I love you too Elmo.


At parehong naka-ngiti na sabay silang pumasok sa loob ng bahay.

Friday, August 24, 2012

Chapter 11 - Together Forever

Iyak ng iyak si Toyang pagdating sa bahay. Buti na lang wala ang kanyang ama kaya hindi sya nakita nito nung dumating sya. Kung hindi baka tanungin pa sya kung anong dahilan ng pag-iyak nya.


Toyang : Ikaw kasi Toyang eh,masyado kang assuming,yan tuloy napala mo.


Nasa ganun syang kalagayan ng may kumatok sa pinto. Nang buksan nya ay ang katulong nila ang nakita nya.


Yaya : Ma'am Toyang,may naghahanap po sa inyo sa labas.

Toyang : Sino po Yaya?

Yaya : Si Sir Yago po.

Toyang : Sige,pakisabi bababa na ako.


Nag-ayos lang ang dalaga ng kaunti at tiningnan maige kung may bahid pa ng luha ang kanyang mga mata. At ng masiguro nya na okay na ay bumaba na sya at pinuntahan si Yago.


Yago : Magandang gabi magandang binibini.

Toyang : (ngumiti) Ikaw talaga Yago.

Yago : Kamusta?

Toyang : Okay naman. Ikaw?

Yago : Hindi okay.

Toyang : Bakit naman?

Yago : Hindi ko pa rin makalimutan yung ginawang panunulak sa akin ni Ely nung debut mo eh.

Toyang : Yago,hindi naman nya sinasadya yun eh.

Yago : Yun ang akala mo.

Toyang : Yun ang sabi nya di ba?

Yago : Hindi mo naman nakita ang mga pangyayari. Teka bakit ba kinakampihan mo pa sya?

Toyang : Hindi naman sa ganun yun.

Yago : Kinakampihan mo pa sya eh pinapaiyak ka lang naman nya.

Toyang : Hindi nya ako pinapaiyak!

Yago : Hindi? Eh ano ibig sabihin ng mugto mong mata?

Toyang : Napuwing lang ako.

Yago : Wag mo nga ako niloloko. Alam kong umiyak ka. Dahil sa kanya yan no? Mahal mo sya no?

Toyang : Dami mong tanong. Hindi kaya. Umalis ka na at magpapahinga na ako.

Yago : Iwas-iwas ka din sa katanungan ko eh. (ngumiti)

Toyang : Tse! Sige alis na at matutulog na ako. (tumalikod na)

Yago : Goodnight Toyang,dream on your parekoy ha!


Kumaway na lang ang dalaga kay Yago ng nakatalikod ng napapangi to bago pumasok sa loob ng bahay nila. Samantala sa bahay naman nina Ely ay magkausap ang magkapatid na Ely at Jasmine.


Jasmine : Ano nasabi mo na ba?

Ely : Hindi pa Ate eh.

Jasmine : Akala ko ba sasabihin mo na?

Ely : Sasabihin ko na sana kaya lang...

Jasmine : Kaya lang...?

Ely : Namis-interpret nya yata ako.

Jasmine : Paanong mis-interpret?

Ely : Kasi Ate nung debut nya hinalikan ko sya.

Jasmine : What?!

Ely : Ate hindi ko na kasi napigilan eh. Sobrang selos ko kay Yago kaya yun nahalikan ko sya.

Jasmine : Tapos anong sabi mo sa kanya?

Ely : Kanina nung puntahan ko sya nag-sorry ako dahil sa nagawa kong yun.

Jasmine : Nag-sorry ka? My God Ely dapat hindi mo ginawa yun!

Ely : Ate hinalikan ko sya ng hindi naman kami magkasintahan tapos ndi ako magso-sorry?

Jasmine : Kasi Ely pag nag-sorry ka iba ang magiging dating sa kanya. Ibig sabihin ayaw mo sa kanya.

Ely : (nagulat) Ganun ba yun Ate? Kaya pala ganun yung reaction nya.

Jasmine : Kaya nga Ely ngayon pa lang sabihin mo na sa kanya ang nararamdaman mo bago mahuli ang lahat.

Ely : Sige Ate,gagawin ko yan. Bukas na bukas din.

Jasmine : Gawin mo na agad.


Kinabukasan maagang nagising si Ely. Nag-ayos sya at bumaba na agad. Naabutan pa nya ang mga kapatid sa harap ng mesa pero hindi nya pinansin ang mga ito.


Angelo : Bro kaen ka muna.

Ely : Sige Bro busog ako at saka may dadaanan pa ako.

Raz : Mukhang kilala ko na kung sino ung dadaanan mo Kuya.

Ely : Sya nga Raz. (ngumiti)

Jasmine : Yung sinabi ko wag mong kakalimutan.

Ely : Gagawin ko Ate. Sige una na ako.

J/A/R : Goodluck!


Tumango lang ang binata at kinawayan ang maga kapatid bago umalis. Lumabas na sya at tumawid ng kalsada bago nagpunta sa bahay nina Toyang. Napasimangot sya ng makita nya sa labas si Yago kausap ni Jepoy.


Jepoy : Pare!

Ely : Pare! Bakit nasa labas kayo? Hinihintay ngo ba si Parekoy?

Jepoy : Hindi no. Kanina pa kaya sya naka-alis.

Ely : Ha? Pero mamaya pa ang klase nya ah.

Jepoy : (gulat) Wag mong sabihin na hindi mo alam?

Ely : Ang alin?

Jepoy : Ngayon yung alis nya papuntang Baguio para sa Summit.

Ely : Ano! Anong oras sya umalis?

Jepoy : Kaka-alis lang.

Ely : Kaka-alis lang? Sige pare mauna na ako at susndan ko sya!

Yago : Gusto mo ba ihatid na lang kita?

Ely : (gulat)

Yago : Pare,sorry last time. (inabot ang kamay)

Ely : (inabot din ang kamay) Sige Pare okay na tayo Sorry din last time.

Yago : Alam ko naman kung bakit ganun yung reaction mo eh.

Ely : (ngumiti)

Jepoy : Yan bati na kayo. Bakit hindi ka na lang magpahatid sa kanya Pare?

Yago : Bakit nga ba hindi? Hatid na kita para maabutan mo sya.

Ely : Sige Pare. Kailangan ko din sya maabutan. May mahalaga akong sasabihin sa kanya.

Jepoy : Ano pang hinihintay nyo? Kilos na!

Yago : Pare angkas na!

Ely : Sige Pare. Salamat ha.

Yago : Walang anuman basta pasayahin mo lang sya.

Ely : Yan talaga yung gagawin ko.

Yago : (ngumiti)

Ely : (tingin kay Jepoy) Pare una na kami. Kailangan ko talaga sya maabutan eh!

Jepoy : Sige ingat!


Umalis na nga ang dalawa. Pinakabilisan na ni Yago ang pagpapatakbo ng motorsiklo para madali silang makarating sa terminal. Pagdating nila dun ay mabilis na bumaba si Ely at nagpasalamat kay Yago. Ngumiti lang at tumango ang binata at umalis na. Samantalang si Ely pinuntahan lahat ng bus. Naabutan pa nya ang bus na paalis na. Hinabol nya ito.


Ely : Tigil!


Pero patuloy pa rin sa pagtakbo ang bus.


Ely : Parekoy hintay. May sasabihin pa ako sa'yo!


Patuloy pa rin sa paghabol ang binata ngunit hindi huminto ang bus. Hanggang sa mapagod ang binata sa pagtakbo at napaluhod na lang.


Ely : Bumalik ka na PK...balikan mo na ako Pillows Ko.

Thursday, August 23, 2012

"Bakit Ngayon"

Marivic : Papakasalan mo si Elmo.

Julie : Ayoko Ma!

Marivic : Sa ayaw mo at sa gusto susundin mo ang gusto ko.

Julie : Give me one big reason muna bakit gusto nyong pakasalan ko sya.

Marivic : Dahil malaki na ang utang ng pamilya natin sa kanila.

Julie : Paano nangyari yun eh ang lakas ng kita ng bar natin?

Marivic : Yun lang ang alam mo. Ang totoo hindi na tayo ang may malaking share dun. Sina Pia na ang may-ari ng 3/4 ng MyJaps Bar.

Julie : Pero Ma hindi pa rin sapat na dahilan yun para ipakasal nyo ako sa lalaking yun!

Marivic : Ano bang ayaw mo kay Elmo? Dati naman ---

Julie : Dati yun,hindi ko na gustong balikan ang nakaraan.

Marivic : Ganun pa man,papakasalan mo pa rin sya and that's my final decision!

Julie : Ma!


Ngunit wala ng nagawa ang pagpoprotesta ni Julie dahil tinalikuran na sya ng ina.


Elmo : So Mommy alam na ba nya?

Pia : Yes baby,she know's but not all.

Elmo : What do you mean Mom?

Pia : Ang alam lang nya kailangan ka nyang pakasalan dahil may utang ang pamilya nya sa pamilya natin.

Elmo : (smile) Buti naman. Thank you Mom.

Pia : Para sa'yo anak,you know lahat gagawin ko.


Sa Bar.


Waiter : Ma'am pwede naman po kayo hindi gumawa dito. anak po kayo ng may-ari.

Julie : No, I will help besides ndi naman na kami ang may-ari nito.

Waiter : Ano pong ibig nyong sabihin Ma'am?

Elmo : (bagong dating) Ang ibig nyang sabihin ay dalawa na ang may-ari nito. Ang pamilya nya at ang pamilya namin.

Waiter : Ah ganun po pala Sir, sorry po.

Julie : Dont be. Mukhang pera sila eh.

Elmo : We are not!

Julie : (rolling her eyes) Whatever!

Waiter : Sige po Sir Ma'am, pasok na po ako sa loob.

Julie : Sunod na ako sa kanya. (akmang aalis)

Elmo :(pinigilan ang braso ng dalaga) No. Mag-uusap tayo.

Julie : (pilit inaalis ang kamay) Wala tayong dapat pag-usapan.

Elmo : (pigil pa rin ang dalaga) Meron. Marami. Tulad ng kasal natin.

Julie : Walang kasalan na mangyayari!

Elmo : I assure you na meron dahil yun ang gusto ko. (tiim-bagang na sabi ng binata)

Julie : (naguguluhan) What do you mean?


Sa halip na sagutin ang tanong ng dalaga ay hinila ito ng binata palabas. Sumakay sila ng kotse ng hindi alam kung saan pupunta. Sa huli sa may harap ng Bay sila huminto.


Julie : Elmo magpaliwanag ka!

Elmo : Magpapakasal ka sa akin sa ayaw mo at sa gusto.

Julie : Pero ayoko!

Elmo : Papakasalan mo ako o maraming tauhan sa  MyJaps Bar ang matatanggal?

Julie : (umiiyak na) Elmo please...pwede naman na wag ng magpakasal di ba? Pwede naman na bayaran namin yun ng hindi sa ganung paraan. Magtatrabaho ako para makabayad kami.

Elmo : Im sorry Julie but masyadong malaki ang pagkakautang ng pamilya nyo sa amin.

Julie : Bakit ako Elmo ang kailangan ipambayad-utang?

Elmo : Bakit? May choice pa ba ang Mama mo? Hindi ba't nag-iisa ka lang anak?

Julie : (natigilan) Kahit na! Kasal yun! Baka nakakalimutan mong ilang beses mo akong tinanggihan noon!

Elmo : Mga bata pa tayo noon kaya ndi ko pa alam ang mga sinasabi ko ang beside magpapakasal lang naman tayo. Hindi ko naman sinabing gusto kita.


Nasaktan ang dalaga sa huling sinabi ng binata pero ganun pa man,desidido pa rin syang hindi magpakasal sa binata.


Julie : Kung hindi mo naman pala ako gusto bakit kailangang may kasal pa?

Elmo : Dahil yun ang gusto nila. Sinusunod ko lang din.

Julie : Sinusunod mo lang din? Ano bang makukuha mo dito?

Elmo : Yung Bar.

Julie : Gusto mo yung Bar namin? Eh di bilhin mo na lang!

Elmo : Ayaw nga ipagbili sa akin ng Mama mo ang 25% na share nya. Ang gusto nya pakasalan kita kaya para makuha ko yung gusto ko gagawin ko kahit ano. Palibhasa ikaw sarili mo lang inisip mo!

Julie : How dare you!

Elmo : Totoo naman di ba? Kung hindi ka makasarili bakit hindi mo magawang magsakripisyo para sa marami?

Julie : Ok, you win! Magpapakasal ako sa'yo! Pero yun ay sa dahilang gusto ko lang patunayan na hindi ako selfish!

Elmo : (ngumiti) Wala naman ako sinasabing ibang dahilan ah.

Julie : Kahit pa! Sapat na yang devilish smile mo para ndi ko maintindihan ang gusto mong iparating!

Elmo : Whatever.

Julie : Iuwi mo na lang ako sa amin. Gusto ko ng magpahinga.

Elmo : As you wish my Goddess.

Julie : Anong sabi mo?

Elmo : Alin dun?

Julie : Yung itinawag mo sa akin impakto ka!

Elmo : Impakto daw pero magiging asawa naman nya. Ikaw talaga my Goddess.

Julie : Dont call me like that!

Elmo : I will call you what I want, Future Wife.

Julie : Letse i-uwi mo na lang ako!

Elmo : Ok Sweetheart.


Hindi na lang nagsalita ang dalaga. Lalo lang hahaba ang usapan pag sumagot pa sya. Dahil pinabayaan lang ng binata ang dalaga manahimik, hindi na napigilan ng dalaga ang antok. Nakatulog na sya sa kotse. Nang lumingon ang binata at nakitang tulog ang dalaga ay napangiti na lang sya.


Pia : Oh bakit buhat mo sya?

Elmo : Eh tulog na tulog na po sya eh. Ayoko naman na po sya gisingin.

Pia : Ganun ba. Sya sige ipapahanda ko ang guest room.

Elmo : (umiling) No Mom, sa kwarto ko sya matutulog.

Pia : (gulat) Anak hindi pwede!

Elmo : Mom pumayag na po sya magpakasal sa akin.

Pia : Kahit na anak. Babae pa rin sya no.

Elmo : Mom, wala akong gagawing masama ok. Pagod na din ako dahil wala naman kaming ginawa kundi magtalo. Matutulog na din po ako.

Pia : Magsasama kayo sa isang kwarto?

Elmo : Sa sofa po ako matutulog.

Pia : Okay. Siguraduhin mo lang.

Elmo : I swear Mom. Kahit oras-oras mo pang silipin.

Pia : (ngumiti) No need. May tiwala naman ako sa'yo. Sige na, matulog ka na.

Elmo : Goodnight Mom.

Pia : Goodnight anak. Teka alam na ba to ni Marivic?

Elmo : Yes Mom.


Tumango na lang si Pia at pinabayaan na maka-akyat ang binatang buhat ang dalaga. Tulog na tulog talaga ang dalaga dahil kahit ibinaba na ito sa kama ng binata ay hindi man lang nagising. Pinagmasdan muna ito ng ng binata bago hinalikan sa noo.


Elmo : Goodnight Baby.


Kinaumagahan ng magising si Julie ay gulat na gulat sya dahil iba ang kulay ng kwarto nya.


Julie : Kailan pa naging blue ang kulay kwarto ko. Alam naman ni Mama na favorite ko ang orange kaya ndi nya papalitan ang kulay nito.


Nagpalinga-linga ang dalaga at napansin nyang iba din ang mga naka-display at amoy lalaki din ang buong kwarto. Pagtingin nya sa isang panig ay may nakita syang lalaking nakahiga sa sofa. Dahan-dahan syang tumayo sa kama at nilapitan nya ang natutulog na lalaki. Ganun na lang ang gulat nya ng makilala nya ito.


Julie : So kay Elmo palang kwarto to. Pero bakit dito ako nakatulog, Bakit hindi sa ibang kwarto?


Yumuko ang dalaga at tinitigan ang binata. Napangiti ang dalaga at akmang hahawakan ang mukha ng binata ng bigla itong mumulat.


Julie : (gulat na gulat) Anak ng sampung butiki!


Tawa ng tawa si Elmo ng makita nagreaksyon ng dalaga. Pinaghahampas ito ngi Julie na sinasalag naman ng binata. Nang hindi pa rin tumigil si Julie ay hinila na ito ni Elmo kaya ang dalaga ay nalaglag sa ibabaw ng binata. Natigilan sila pareho at nagkatitigan. Naunang natauhan si Julie at akmang tatayo na sana ngunit pinigilan ng binata.


Julie : Elmo...

Elmo : Julie...

Julie : Bitiwan mo na ako.

Elmo : Baby, magagalit ka ba kung...

Julie : Kung...?

Elmo : Kung....kung...kung hahalikan kita?

Julie : (nagulat) What?! Ano ka sinuswerte? Bitiwan mo nga ako!


Nagpumiglas ang dalaga ngunit hindi talaga sya bitiwan ng binata. Sa huli binalak nyang untugin ito pero wrong move pala dahil sa halip na mauntog ito ay hinila sya ng binata at diretsong naglanding sa mga labi ng dalaga ang labi ng binata. Sinamantala ni Elmo ang pagkagulat ni Julie at patuloy itong hinalikan. Hindi naman nakagalaw ang dalaga. Ang alam lang nya patuloy na lumalalim ang halik sa kanya ng binata at maging ang mga kamay nito ay gumagala na din. Dun natauhan ang dalaga kaya naman habang abala si Elmo na hinahalikan sya ay inuntog nya ito. Nabitiwan ng binata ang dalaga.


Elmo : Ouch!

Julie : Bagay lang sa'yo yan manyakis ka!

Elmo : Pwede mo naman sabihin na ihinto ko bakit inuntog pa!

Julie : Paano ko sasabihin kung ayaw bitiwan ng labi mo ang mga labi ko tapos ung kamay mo parang si Dora kung mag-explore?!

Elmo : (ngumiti) Pasalamat ka mahal kita.

Julie : (nagulat sa sinabi ng binata) Anong sinabi mo?

Elmo : Wala akong sinabi. (patay-malisya)

Julie : Uulitin mo o babawiin ko ang pagpayag ko ng pagpapakasal sa'yo?

Elmo : As if naman papayag ako na hindi matuloy ang kasal natin.

Julie : Aber at bakit naman hindi ka papayag?

Elmo : Kasi nga mahal kita!

Julie : Anong sabi mo?

Elmo : Sabi ko mahal kita!

Julie : Ano?

Elmo : Isang paulit pa at hindi ka na makakalabas ng kwartong ito. (pananakot ng binata)

Julie : (biglang hinto)

Elmo : Oh di natameme ka ngayon.

Julie : Kailan mo pa ako mahal?

Elmo : (buntong-hininga) Matagal na. Bago kita tinanggihan nun.

Julie : What?! Eh bakit ngayon mo lang sinabi? Bakit hindi noon?

Elmo : (hinawakan kamay ng dalaga) Kasi inunahan mo ako. Dapat ako yung nagsabi nun pero ikaw hindi nakapaghintay,ikaw na nagtapat.

Julie : (tahimik)

Elmo : Matagal na kitang mahal. Hindi ko lang sinabi sa'yo kasi mga bata pa tayo noon. Pero ang parents natin alam ang feeling ko sa'yo.

Julie : Alam nila?

Elmo : Oo. Hindi ka ba nagtataka na walang mka-akyat ng ligaw sa'yo?

Julie : Nagtataka pero ang alam ko lang ayaw pa no Papa na mag-boyfriend ako.

Elmo : Mali ka. Ndi ka nila pinapaligawan kasi sila na mismo nagtadhana para sa atin. Dahil sinabi kong akin ka lang,na ako lang ang magiging manugang nila.

Julie : Parang siguradong-sigurado ka na papakasalan kita ah.

Elmo : Syempre lahat ng manliligaw mo tinatakot ko eh.

Julie : Ang sama mo!

Elmo : Ganun talaga, kailangan kitang bakuran eh. Hindi ka naman prutas na pag nahinog ay pwede nilang pitasin. Ano ako hilo? Ako ang nagtanim,iba ang aani? No way! Akin ka lang!

Julie : Kung iyo ako ibig sabihin akin ka na din di ba?

Elmo : Paano ako magiging sa'yo eh hindi mo pa nga sinasabing mahal mo ako? (pout)

Julie : Ang cute muh talaga pag ganyan ang hitsura mo. (smack sa binata)

Elmo : Hindi mo ako makukuha sa kiss. Yung tanong ko hindi mo pa sinasagot.

Julie : Hindi pa ba halata?

Elmo : Wala kang sinasabi eh! (tinalikuran ang dalaga)

Julie : Hoy wag ka nga magtampo dyan. (yakap sa likod ng binata)

Elmo : (tampo pa rin)

Julie : Okay aamin na po. I love you too Baby,mula noon hanggang ngayon ikaw pa rin ang mahal ko.


Hindi pa rin pinapansin ng binata ang dalaga pero nakangiti ito habang nakatalikod sa dalaga. Ang totoo naglalambing lang sya kay Julie. Ang dalaga naman todo amo sa binata. Nang hindi pa rin ito lumilingon ay hinalikan ito ng ni Julie sa may batok. Hindi pa rin lumilingon si Elmo kaya ang dalaga patuloy sa paghalik dito. hinalikan nya ang binata mula batok hanggang balikat pagkatapos ay iniharap nya ang binata at hinalikan ito sa labi. Nung una ay marahan lang pero si Elmo ndi nakapagtimpi kaya hinila nya si Julie hanggang sa mapahiga na sila sa kama. Kung kanina ang dalaga ang maharot, ngayon ang binata na ang may hawak ng kontrol. Patuloy lang sila at hustong nahubad na ng binata ang damit ng dalaga ng biglang bumukas ang pinto.


Pia : Anong ibig sabihin nito ha Elmo, Julie?

Elmo : Mom naman, kita mo na eh. Nauuna na yung honeymoon tapos tatanungin mo pa.

Julie : (binatukan ang binata) Umayos ka. Nakakahiya tayo.

Elmo : Bakit naman tayo mahihiya eh sya nga yung nag-instorbo?

Pia : Magbihis nga kayong dalawa at gusto ko kayo makausap sa labas. Now na!


Pagkatapos nun ay lumabas na si Pia at isinarado ang pinto.


Julie : Bihis na tayo.

Elmo : Mamaya na. Bitin eh.

Julie : Magtigil ka nga. Magbihis na tayo at hinihintay na tayo ni Tita!

Elmo : Kainis talaga si Mommy, wrong timing! (pout)

Julie : Magagawa mo naman din ito pagkatapos ng kasal natin, ano ka ba.

Elmo : (ngumiti) Tama! Pakasal na tayo bukas ha.

Julie : Kahit kailan pero ngayon magbihis na tayo at bumaba.

Elmo : Okay Boss! (sabay smack sa dalaga)

Julie : Mandurugas!

Elmo : Hahaha!


Nagbihis na nga dalawa at hawak-kamay na bumaba. Naabutan nilang naka-upo sa sofa sina Pia at Marivic.


Elmo : Mom...

Julie : Ma...

Pia and Marivic : Bakit parang takot na takot kayo?

Elmo : Eh kasi Mom...

Julie : Kasi po baka galit kayo sa amin.

P and M : Hindi kami galit. May gusto lang kami sabihin.

JuliElmo : Ano po yun?

P and M : Gusto agad namin ng apo ha?

Elmo : Yun lang pala eh. Sige po akyat na kami at sisimulan na namin gumawa. (akmang tatalikod)

Julie : (binatukan ang binata) Tarantado!

Elmo : Nakakarami ka na ng batok ha, kung ilan ang bilang nun un din bilang ng magiging anak natin!

Julie : Tse!

P and M : Tama na yan. May gusto pa kaming sabihin.

JuliElmo : Ano po ulit yun?

P and M : Hindi totoong nalulugi ang Bar.

Julie : Po?

P and M : Ginawa lang namin yun kasi yan si Elmo gusto ka ng maging asawa!

Julie : (tingin kay Elmo) Explain.

Elmo : (kamot sa ulo) Na-explain ko na to kanina di ba? Ginawa ko lang yun kasi alam mo na, mahal na mahal kasi kita at takot ako na maagaw ka pa ng iba. Eh since galit ka sa akin kaya ito na lang yung naisip kong paraan.

Julie : I hate you Elmo! (sabay takbo palabas)

Elmo : (hinabol ang dalaga) Baby,nagawa ko lang yun kasi nga mahal na mahal kita!

Julie : (lumingon) But I still love you kaya habol hahaha!

Elmo : Lagot ka sa akin pag nahuli kita. Itutuloy ko ang honeymoon natin!

Julie : Kung maaabutan mo ako hahaha!

Elmo : Kayang-kaya kitang abutan hahaha!


At patuloy na naghabulan ang dalawa na parang bata. Napangiti na lang sina Marivic at Pia ng makita nilang naabutan ni Elmo si Julie at niyakap. Pumasok na lang sila sa loob at pinag-usapan ang tungkol sa kasal ng dalawa.

Saturday, August 18, 2012

Chapter 10 - Together Forever

Nagsimula na ang birthday party ni Toyang pero bago ito nagsimula may ipinakita munang isang VTR na ginawa ni Ely. Isang VTR na iniyakan ng dalaga dahil ang nandoon ay ang kanyang ina na nagsasalita na parang nagpapaalam na sa kanya. Kasama din dun yung ibang birthday nya na nagdaan na kasama ang parekoy nya.


TD : (tingin kay Ely) Thank you. (sabay thumbs up)


Ngumiti lang ang binata bago nag-sign din ng thumbs up sa ama ng dalaga.


TD : Dalaga ka na talaga anak.

Toyang : Daddy,kahit dalaga na ako,ako pa rin ang baby girl mo.

TD : Naaalala ko pa nga nung bata ka pa,tuwing aalis ako kailangan ko pa tumakas kasi umiiyak ka.

Toyang : Dad naman eh,pinaalala pa yun.

TD : Pero anak may itatanong lang ako ha.

Toyang : Ano po yun Dad?

TD : may nanliligaw na ba sa'yo?

Toyang : Dad naman eh. Bata pa rin po ako kahit 18 na ako.

TD : Kahit na. Si Yago ba nanliligaw sa'yo?

Toyang : Dad,hindi po!

TD : Eh si Ely?

Toyang : Hindi din po. Parekoy lang po kami.

TD : (ngumiti) Kung manliligaw sya anak sagutin mo na agad ha?

Toyang : Dad naman eh!

TD : Gusto ko kasi si Ely para sa'yo anak. Sya lang.

Toyang : Sya lang din naman yung gusto ko eh. (bulong)

TD : May sinasabi ka anak?

Toyang : Wala po.


Nagsimula na ang sayawan kaya nagsimula na din ang pag-iinit ni Ely kay Yago. Gusto kasi nitong ito ang mauna sa kanya sa pagsayaw kaya nung isang ikot ay sinadya niyang itulak ito na naging sanhi ng pagtilapon nito sa cake. Nasira tuloy ang cake.


Ely : Parekoy,hindi ko sinasadya,nalito kasi ako eh.


Hindi ito pinansin ng dalaga at tinulungan si Yago para ayusin ang sarili. Sa inis ng binata lumabas sya at nagpunta na lang sa garden. Sinundan naman sya ng kapatid na si Angelo.


Angelo : Okay ka lang Ely?

Ely : Okay lang ako Kuya. Uwi na lang kaya ako.

Angelo : Bakit ka naman uuwi eh hindi pa tapos ang party?

Ely : Baka kasi masira ko pa yung party ni parekoy eh.

Toyang : (bagong dating) Aalis ka na Parekoy? Iiwan mo na ang party ko?

Ely : Parekoy...kasi...

Angelo : Iwan ko muna kayong dalawa parekoy. (umalis na)

Toyang : Ang labo mo parekoy,dahil lang dun iiwan mo ang party ko. Nangako ka di ba?

Ely : Kasi parekoy baka ako pa makasira sa party mo eh.

Toyang : Wag ganun,wala ka pa ngang gift eh,ni wala ka pang hug at saka eto. (nag-parekoy handsign)

Ely : (lumapit at naghandsign din ng parekoy) Sorry. (sabay hug)

Toyang : Bakit feeling ko may gusto kang sabihin?

Ely : Parekoy kasi...kasi...kasi...

Toyang : Kasi ano?

Ely : Kasi parekoy,sobrang...sobrang...sobrang ganda mo ngayon.


Napangiti na lang ang dalaga sa sinabi ng binata at napa-iling bago napayuko. Agad naman nahawakan ni ely ang pisngi ng dalaga bago unti-unting pinatingin sa kanya. Bago unti-unting ibinaba ng binata ang kanyang mukha at hinalikan ang dalaga.


Toyang : Bakit nya ako hinalikan? Ibig bang sabihin nun may gusto din sya sa akin?


Nagmumuni-muni pa ang dalaga ng biglang tumunog ang phone nya.


Toyang : Hello?

Caller : Miss Escueta?

Toyang : Eto nga po.

Caller : Hello,gusto ko lang po sabihin sa inyo na isa po kayo sa napili para dumalo sa National Student Summit.

Toyang : Salamat po. Salamat po.

Caller : Congratulations Miss Escueta. You will leaving after 2 days for the Summit.

Toyang : 2 days?

Caller : Kailangan ng i-sign ng parents mo ang conscent form na nandito sa students office.

Toyang : Salamat po Sir.

Caller : Congratulations po ulit.

Toyang : Sige po.


Pagkatapos ng pag-uusap nila ay inisip nya muli si Ely at kung bakit sya nito hinalikan. Samantala sa bahay nina Ely ay nag-uusap ang magkakapatid na Ely,Jas at Angelo.


Angelo : Ano pang hinihintay mo?

Jas : Sandali lang Ely,madaming friendship ang nasisira pag nag-cross ng boundaries. Sayang naman kung mangyari yun sa inyo ni Toyang.

Ely : Pero Ate hindi ko na talaga kayang isekreto to kay Toyang eh. Alam nya yung lahat sa akin kaya kung hindi nya magustuhan ang pagtatapat ko,okay lang sa akin. At least nasabi ko sa kanya.

Jas : Eh paano nga kung mag-iba yung pagtingin sa'yo ni Toyang?

Angelo : Eh paano nga natin malalaman kung hindi magtatapat si Ely? (kausap kay Ely) Ely sabihin mo na para malaman na kung anong sagot nya.

Ely : Sige. Puntahan ko na sya.

Jas : Ely,goodluck ha at boto ako kay Toyang. Im sure kung andito pa sina Mama at Papa,boto rin sila kay Toyang.

Ely : Feeling ko naman din talaga na boto nga sila kay Toyang.

Jas and Angelo : Goodluck!


Pinuntahan ni Ely si Toyang sa bahay ng mga ito pero wala ito. Sinabi ng ama nito na nasa park ang dalaga.


Toyang : Parekoy...

Ely : May gusto akong sabihin sa'yo...

Toyang : Sige ikaw na muna magsalita.

Ely : Ikaw na muna.

Toyang : Hindi. ikaw na muna.

Ely : Yung nagyari dun sa birthday mo,hindi ko sinasadya. Matagal na tayong mag-bestfriend,ayaw ko sana masira yun.

Toyang : Sige gets ko na. Ang labo mo parekoy. Hinalikan mo ako tapos sasabihin mo ayaw mo masira yung friendship natin. Ano ba ako sa'yo? Kung kaibigan mo lang ako,dapat hindi mo na ginawa yun!

Ely : (natahimik)

Toyang : Sige gets ko na.


Pagkasabi ng linyang yun ay kinuha ng dalaga ang kanyang bag at iniwan na ang binata.


Ely : "Parekoy,mahal na mahal kita."


Ngunit hindi na yun narinig ng dalaga kasi umalis na ito. Lumuluhang napasandal ang binata sa pader.

Tuesday, August 14, 2012

"Interview"

DJ : So Julie,care to tell us why you like Elmo?

Julie : I like Elmo because she is sweet,cute and talented.

DJ : How about you Elmo,why you like Julie?

Elmo : I like her because she is super sweet,lovable and she is sexy!

DJ : Ah Julie,if Elmo court you,anong gusto mong panliligaw?

Julie : Ahmn dalagang Pilipina kasi ako kaya gusto ko sana yung haharanahin ako.

DJ : Oh Elmo,kaya mo ba yun?

Elmo : Kakayanin!

DJ : Sa ngayon Elmo,ilang percent mo sya minamahal?

Elmo : 90% po.

DJ : Bakit 90% lang,dahil ba kay Julie manggaling yung 10%?

Elmo : (tumawa) Haha! Kasi po mga bata pa kami.

DJ : Kung may kanta kayo para sa isa't-isa,ano naman yun?

Elmo : Ako ang kanta ko para kay Julie eh yung Girl Be Mine.

DJ : Bakit naman?

Elmo : Kasi bagay sa kanya pati yung lyrics.

DJ : Pwede mo bang kantahin para malaman namin?

Elmo : Opo,pwede po. (kumanta)

DJ : So ikaw naman Julie,anong kanta mo para kay Elmo?

Julie : Ah yun pong Baby You Are.

DJ : Aba,bakit naman?

Julie : Actually dalawa po sila eh,pati po yung I'll Be There kasi po bagay din sa kanya.

DJ : Pwede mo ba syang kantahin?

Julie : Pwede po. (kumanta)

DJ : Pwede ba kayong kumanta ng isang duet?

Elmo : Pwede po ba yung sweet?

DJ : Aba nag-request pa haha,pwede yan!

Elmo : Ah pwede po yung Right By My Side? Paborito ko din po kasi namin yun eh.

DJ : Pwedeng-pwede!

JuliElmo : (kinanta ang Right By My Side)


Pagkatapos nilang kumanta ay natapos na yung interview sa kanila. Konting picturan lang at pagkatapos ay lumipat naman sila sa kabilang station,sa DK.


DJ : Kinikilig din ba kayo sa isa't-isa?

JuliElmo : Opo.

DJ : Kung oncam may kilig factor kayo sa isa't-isa,offcam ba meron din?

Elmo : (mabilis na sagot) Opo. Hindi naman po mawawala yun eh.

DJ : Kung sakali may plano ka ba ligawan si Julie?

Elmo : Ahmn sa ngayon po hindi pa kasi naghihintay pa po ako ng right timing. Mga bata pa naman po kami.

DJ : Nagseselos ba kayo pag may ibang kasama ang isa't-isa?

Julie : Ako po,hindi po. Curious lang.

Elmo : Ako po nagseselos talaga. Hindi lang halata.

DJ : Anong masasabi mo na ikaw ang first kiss nya?

Elmo : Im so lucky and syempre sobrang swerte kasi ako nga yung first kiss nya. No one gets to become first anymore.

DJ : Yun naman! At dyan po nagtatapos ang interview. Sorry kung maikli,kinulang kasi sa oras. Balik kayo next time ha?

JuliElmo : Opo.

DJ : Pwede kayo naman mag-DJ.

JuliElmo : Haha!


Pagkatapos ng interview ay nagpicturan lang ulit pagkatapos ay lumabas na sila. Tahimik lang na naglalakad ang dalawa hanggang sa hindi makatagal si Elmo. Pinigilan nya si Julie.


Elmo : Julie,pwede ba tayong mag-usap.

Julie : (tumango)

Elmo : Bakit ka ganyan?

Julie : Anong bakit ako ganito?

Elmo : Yung mga sagot mo,nung una okay na eh. Bakit sa huli nag-iba.

Julie : Ano bang nag-iba dun?

Elmo : Yung sagot mo na nagseselos ka lang sa galing kong mag-rap tapos curious ka lang pag may kasama akong iba.

Julie : Eh bakit ba. Yun lang ang yung nararamdaman ko eh. Ikaw nga dyan,bakit ganun mga sagot mo?

Elmo : Anong problema sa mga sagot ko?

Julie : May 90% ka pang nalalaman dyan at kakayanin.

Elmo : Eh totoo naman yung sinabi ko eh.

Julie : Tapos may right timing ka pa nalalaman dyan pati na yung selos-selos. (pout)

Elmo : (ngumiti) Ang cute mo talaga pag naka-pout. Eh totoo naman kasi lahat ng sinabi ko eh,ikaw lang naman ayaw maniwala dyan.

Julie : Eh bakit nga ba kasi yun yung mga sinagot mo?

Elmo : Eh kasi yun yung nararamdaman ko talaga ngayon.

Julie : Ha?

Elmo : Julie naman,bakit ba ang manhid mo?

Julie : (turo sa sarili) Ako manhid?

Elmo : Oo ang manhid mo. Bakit ba hindi mo mahalata na may gusto ako sa'yo,na hindi lang tingin pang-kaibigan ang nais ko sa'yo?

Julie : (naguguluhan) Eh kasi ang labo mong kausap. Minsan okay ka,minsan hindi.

Elmo : Eh kasi nga nagseselos ako,ayoko lang ipahalata. Ikaw ba naman magkaroon ng partner na napakaganda.

Julie : Moe...

Elmo : (ginagap ang kamay ni Julie) Handa akong maghintay Julie,katulad ng sabi ko kanina,kakayanin ko. Kung kailangan haranahin kita sa harap ng bahay nyo gagawin ko.

Julie : Kinikilig ako.

Elmo : Kinikilig daw. Kaya pala nung ang tanong kanina kung nagseselos ka kapag may kasama akong iba eh curious lang tapos kinikilig?

Julie : Bakit hindi ko ba pwedeng gayahin yung style mo na ayaw ko lang din ipahalata?

Elmo : (gulat) May gusto ka din sa akin?

Julie : Ang kapal mo ah!

Elmo : Hey Julie,umamin ka,kanina halos aminin mo na na gusto mo ako kasi Baby You Are pala ang kanta mo para sa akin.

Julie : Eh kasi sinagot ko lang naman yung kanta mo sa akin na Girl Be Mine eh.

Elmo : So yun lang pala ibig sabihin nun? (tampo)

Julie : Hoy wag ka naman magtampo dyan,sayang kagwapuhan mo.

Elmo : Kagwapuhan daw,kaya pala hindi nya ako gusto.

Julie : Eh hindi naman talaga kita gusto eh.

Elmo : Oh tingnan mo yun oh. Tanang ako hindi lang kita gusto,mahal kaya kita!

Julie : (gulat) Mahal mo ako?

Elmo : Hindi ba halata?

Julie : Katulad ng pagseselos mo,hindi sya halata.

Elmo : Julie naman,mahal nga kita eh. Mahal na mahal pa nga eh. Tapos ako kahit gusto lang,wala para sa'yo.

Julie : Eh hindi naman talaga kita gusto lang kasi mahal din kaya kita.

Elmo : (gulat) Mahal mo din ako?

Julie : (tumango)

Elmo : (biglang tumayo at nagsisigaw) Yahoo! Mahal din ako ni Julie Anne San Jose,mahal nya ako,mahal nya ako!

Julie : Tumgil ka nga dyan,para kang baliw!

Elmo : (lumapit) So tayo na?

Julie : Bakit nanligaw ka na ba?

Elmo : Eh di ba mahal mo din naman ako?

Julie : Eh di ba sabi ko nga ligawan mo muna ako?  Di ba sabi mo kakayanin mo?

Elmo : Tsk,oo nga pala,sinabi ko nga pala yun. Pero wag matagal ha kasi dun din naman ang punta natin.

Julie : Patunayan mo muna na mahal mo ako.

Elmo : (niyakap si Julie) Patutunayan ko yan at sisimulan ko ngayon.

Julie : Anong ibig mong sabihin?

Elmo : Ako na maghahatid sa'yo.


Hawak-kamay at sabay na nga naglakad papunta sa parking area ang dalawa kung saan andun ang mga kasama nila. Pinagpaalam ni Elmo sa mga kasama ni Julie na sya na maghahatid dito. Nakangiti naman pumayag sina Miss Rose at Miss Tracy at pagkatapos nun ay umalis na sila. Kung saan makakarating ang love story nila,subaybayan na lang sa mga susunod na kabanata.

Chapter 9 - Together Forever

Ely : Bakit ang mokong na yun ang escort nya,bakit hindi ako?

Angelo : Eh kasi pinabayaan mo sya.

Ely : (tiningnan ng masama ang kapatid) Tinatanong ko ba opinyo mo?

Angelo : Hindi pero alam mo kasi Ely tigilan mo na ksi yang pag-tanggi mo sa feeling mo sa kanya,hindi na kasi nakakatuwa.

Ely : Sino bang tumatanggi ha?

Angelo : Ikaw!

Ely : Ako?

Angelo : Oo ikaw. Alam naman ng lahat na mahal mo sya eh. Kayo lang dalawa yung problema.

Ely : (naguuguluhan) Teka hindi ba't kayong dalawa na?

Angelo : Tama na nga pagkukunwari mo Ely.

Ely : Pagkukunwari?

Angelo : Alam kong alam mo na.

Ely : Ang alin?

Angelo : Ang sekreto namin,na hindi naman kami. Hindi ako ipinanganak kahapon Ely.

Ely : Paano mong nalaman na alam ko na?

Angelo : Akala mo ba hindi ko alam na nakikinig ka sa may pinto ng kwarto ko?

Ely : (yumuko)

Angelo : Kaya ka nga nag-dabog sa kwarto mo di ba? Kasi nagagalit ka,kasi feeling mo naisahan ka.

Ely : Bakit nyo ba ginawa yun?

Angelo : Hindi "namin". Ako lang,pinilit ko lang sya.

Ely : Bakit nga?

Angelo : Para mapa-amin ka. At mukhang  umayon naman ang lahat sa plano ko.

Ely : Hindi ko maintindihan.

Angelo : Nagseselos ka sa akin di ba kasi akala mo kami na?

Ely : (tumingin sa ibang panig ng sala)

Angelo : Pero mas nagseselos ka kay Yago di ba?

Ely : (lumingon sa kapatid)

Angelo : Umamin ka na kasi!

Ely : Wala akong aaminin!

Angelo : Yan! Itanggi mo pa. Sa kakatanggi mo unti-unti ng nawawala yung babaeng mahal mo.

Ely : Hindi ko nga sya----

Angelo : Mahal mo sya at nagseselos ka kay Yago kaya ka nagkakaganyan. Aminin mo lang yun at gagaan ang dinadala mo dyan sa dibdib mo!

Ely : Okay aaminin ko,nagseselos nga ako kay Yago pati sa'yo kasi inagaw nyo sya sa akin.

Angelo : Yun lang ba?

Ely : I admit it,I love her so much that I dont want anybody to be close to her,gusto ko ako lang!

Angelo : Eh di inamin mo din.

Ely : Ngayon masaya ka na?

Angelo : hindi pa.

Ely : Hah?

Angelo : Kasi hindi ka pa gumagalaw. Maging lalaki ka naman.

Ely : Lalaki naman ako ah!

Angelo : What I mean is...ipaglaban mo sya. Bawiin mo sya. Kasi kung may totoong nababagay para sa dyosang si Toyang,ikaw lang yun kapatid ko.

Ely : (napangiti) Salamat Kuya.

Angelo : Kuya?

Ely : Yes. Kuya. Di ba Kuya naman talaga kita?

Angelo : Haha oo nga naman!


At nagyakap ang dalawa. Sa wakas nagka-ayos na din sila.


Jasmine : Handa na ba kayo?

Raz : Oo Ate.

Angelo : Ako din handa na. Ewan ko lang kay Ely.

Ely : Handang-handa na ako Kuya.

Jasmine : Kuya? Tama ba ako sa narinig ko? Tinawag mo talagang kuya si Angelo?

Ely : Yup Ate. Nagka-ayos na kami.

Jasmine : So alam mo na?

Ely : Matagal na. Nagkunwari lang ako.

Angelo : Nagka-ayos kami nung isang araw. Umamin na rin sya sa wakas.

Raz : Anong inamin mo Kuya Ely?

Angelo : Inamin nya ng mahal nya si Toyang,pinilit ko eh.

Jasmine : Haha! Pinilit talaga?

Raz : Sa wakas umamin ka din Kuya!

Ely : Eh wala eh. Sabi mo nga Raz,super obvious ako.

Raz : Totoo naman eh.

Angelo : So tara na at sigurado akong gusto na makita ng isa dyan ang Dyosa nya.

Jasmine! Ansabe! Dyosa pala ha!

Raz : Nganga mamaya si Kuya Ely kasi ndi pa nya nakita mag-gown si Ate Toyang.

Jasmine : Gusto ko na nga din makita eh.

Angelo : Wala ng bago sa akin kasi nakikita ko naman sya naka-bestida.

Jasmine : Iba pa rin yun Kuya kasi  kahit naka-bestida sya,ndi naman sya nag-make up.

Angelo : Sabagay.

Ely : Kahit naman wala syang make-up maganda sya eh. Kaya nga Dyosa!

Angelo : Haha tinamaan ng lintek. Inlove nga kapatid natin!

Ely : Wala eh,nahulog. Diretso agad. Sagad.

Angelo : Anak ng pating. Hindi na sya shy lover ngayon!

Jasmine : Tara na nga! Hindi ko na kinakaya mga binibitiwang salita ni Ely eh.

A/E/R : Hahaha!


Sa venue.

Jepoy : Tagal naman nila.

Ely : Pare andito na kami!

Jepoy : Sa wakas!

Ely : Sorry kung nagtagal,traffic eh.

Jepoy : Okay lang.

Ely : Nakita mo na ba sya?

Jepoy : Hindi pa? Nasa daan pa daw sila eh.

Ely : Sila ni Tito?

Jepoy : Hindi.

Ely : Eh sinong sila?

Jepoy : Sila ng escort nya.

Ely : (sumimangot)

Jepoy : Ikaw kasi eh.

Ely : Anong ako?

Jepoy : Pare dapat ikaw yun kaya lang ikaw kasi bagal-bagal. Nasa harap mo na,pinakawalan mo pa!

Ely : Wag kang mag-alala pare,nalinawan na ako kaya babawiin ko ang akin.

Jepoy : Babawiin ko ang akin ka dyan! Bakit,kailan ba naging sa'yo si Toyang?

Ely : Matagal ng akin si PK,hindi lang halata. Kaya ikaw wag ka mag-plano ligawan sya ha.

Jepoy : pti ba naman ako pagseselosan mo din? Grabe ka pare ha pero 18 na nga sya,pwede ng ligawan. Ano kaya kung---

Ely : (binatukan si Jepoy) Eh kung sapakin kaya kita dyan? Kakasabi ko lang di ba? Ang kay Juan kay Juan at ang kay Pedro kay Pedro!

Jepoy : Eh bakit si Juan ka ba? Ako ba si Pedro?

Ely : (naka-amba na ang kamao)

Jepoy : Oo na nga. Iyo na sya. Iyo na ang PK mo.

Ely : Talagang akin lang si PK,walang ibang magmamay-ari sa kanya. Kahot pa ang gagong Yago na yun!

Jepoy : Aminin mo nga sa akin Pare,ano ba talaga ibig sabihin ng PK na yan? Tagal ko na gusto malaman yan eh!

Ely : Hindi ko sasabihin sa'yo. Kay PK ko lang sasabihin.

Jepoy : Kainis ka!

Ely : Ganun talaga haha!


Patuloy na nagkulitan ang dalawa hanggang sa...


"Andito na ang debutant!"


Lumingon si Ely kung saan bababa si Toyang. Gulat na gulat sya ng makita ang ayos nito. Naka-nganga pa nga sya lalo na nung palapit na ito sa kanyang tabi.


Toyang : Parekoy,bakit ganyan ka makatingin? Hindi ba bagay? Sabi ko na nga ba eh.

Ely : Hindi Parekoy. Bagay na bagay sa'yo. Ang ganda-ganda mo. Isa kang Dyosa.

Toyang : Sobra ka naman parekoy,Dyosa agad?

Ely : Ikaw ang Dyosa ko.

Toyang : Anong sabi mo?

Ely : (natauhan) Wala. Sabi ko napaka-ganda mo,bagay sa gwapong katulad ko.

Toyang : Kapal!

Jepoy : Hi Pare,Happy Birthday!

Toyang : Thank you Pare,gift mo?

Jepoy : Mamaya ibibigay ko. Teka ngayong 18 ka na,may gusto akong itanong eh.

Toyang : Ano naman yun?

Jepoy : (tumingin kay Ely) Ah kasi itatanong ko lang sana kung pwede ka nga ligawan?

Toyang : Ha?

Jepoy : (napa-aray) Ano ba Pareng Ely,bakit mo ako inapakan,tinatanong ko lang naman kung pwede para yung mga nagpapatanong sa akin masagot ko na,ang sakit nun ah!

Ely : Buti nga sa'yo!

Toyang : Haha! Sabihin mo Pare,pwede na silang pumila umpisa bukas. (ngiti)


Nagkatinginan sina Ely at Jepoy dahil sa narinig na sagot ni Toyang. Parehong hindi nagustuhan ang sagot ng dalaga. Sa side ni Jepoy,nag-aalala sya para kay Ely at sa side ni Ely,natatakot syang lalong dumami ang karibal.