Thursday, August 2, 2012

Chapter 4 - Together Forever


Ely : Hindi man lang nya sinagot yung tanong,tinawanan nya lang. Nakikinig pa naman ako.


Kahit nag-walkout si Ely hindi naman sya pumasok sa kwarto nya pag-akyat nya sa taas,nagtago lang sya sa isang sulok at nakinig pero wala naman syang napala. Ang totoo nainis sya kasi kahit nagbalik na sila sa dati ni Toyang parang ang layo pa rin nito. Si Angelo kasi ang lagi nitong kasama.


Ely : Lagi na lang si Angelo yung kasama nya,paano naman ako? Ako kaya yung parekoy nya.


Kahit sa school nila tila mailap pa rin sa kanya ang dalaga. Oo nga at nakakasama nya ito pero yun ay sa dahilang ka-klase nya lang ito. Kung hindi pa nya tatabihan at kakausapin ndi nya makaka-usap. At lagi pa itong nagmamadali pagkatapos ng klase.


Ely : Parekoy!

Toyang : Oh parekoy.

Ely : Sabay na tayong umuwi.

Toyang : Eh parekoy kasi...

Ely : Kasi...?

Toyang : Andun na kasi sa labas ng gate si Gelo Kulit,hinihintay nya ako.

Ely : Bakit ganun parekoy?

Toyang : Anong ganun?

Ely : Bakit kahit bati na tayo...parang ang layo mo pa rin.

Toyang : Parekoy...

Ely : Nasasaktan ako parekoy eh...

Toyang : Parekoy hindi na kasi tayo tulad ng dati eh.

Ely : Pwede naman nating ibalik yun kung...kung...kung bibigyan mo ulit ako ng puwang dyan sa buhay mo. Kung laging tayo yung magkasama.

Toyang : Pero kasi Ely nasanay na rin ako ng laging kasama si Gelo eh.

Ely : (nagalit na) Lagi na lang si Gelo,si Gelo!

Toyang : (Nabigla) Parekoy?

Ely : (natauhan) Sorry Parekoy,hindi ko sinasadyang magtaas ng boses.

Toyang : Ayos lang parekoy,sige mauna na ako sa'yo.

Ely : Sige go. Hinihintay ka na nya.


Nang makalabas si Toyang ng room nila saka pa lang pumatak ang luhang kanina pa pinipigilan ng binata.


Ely : Damn man,magpaka-lalaki ka nga,wag kang umiyak!

Jepoy : Umiiyak ka ba pare?

Ely : Damn pare,kanina ka pa ba dyan?

Jepoy : (tumango) Narinig ko ang lahat.

Ely : (tumahimik)

Jepoy : Selos ka ano?

Ely : May karapatan ba ako?

Jepoy : Yun nga eh,wala kang karapatan pero hindi naman sila di ba?

Ely : So?

Jepoy : Pwede ka pang makipag-sabayan kay Angelo!

Ely : Gago!

Jepoy : Tanong ko lang pare,mahal mo ba si Toyang?

Ely : Hindi ---

Jepoy : Hindi? Pero dahil sa kanya umiiyak ka? Si Shirley nga naging girlfriend mo hindi mo iniyakan!

Ely : Hindi pa ako tapos magsalita eh. Ang ibig kong sabihin,hindi ko sya mahal kundi mahal na mahal.

Jepoy : Yun naman pala eh,di ligawan mo na!

Ely : Hindi ganun kadali yun pare eh.

Jepoy : Anong mahirap dun?

Ely : Paano kung hindi nya ako gusto? Eh di masisira lang yung friendship namin,lalo syang mawawala sa akin,hindi ko ata kakayanin yun.

Jepoy : Hindi ka pa nga nagtatapat sa kanya naiwawala mo na sya dahil dyan sa ginagawa mo.

Ely : Anong dapat kong gawin?

Jepoy : Eh di sabihin mo sa kanya,be a man,magtapat ka na kasi!

Ely : I am a man and I will be the last man standing here,ipaglalaban ko ang dapat na akin!

Jepoy : Yun tama yun,ganun nga dapat. Pero kailan pa naging sa'yo si Toyang?

Ely : Simula ng naging PK ang tawag ko sa kanya.

Jepoy : Ako nahihiwagaan dyan sa PK na yan,ano bang meaning mo nyan?

Ely : Hindi ko pwedeng sabihin sa'yo. Sa kanya ko lang yun pde sabihin.


Samantala sa isang sulok ng building na yun ay may nakikinig pala sa kanila,si Shirley. Galit na galit ito dahil sa narinig na usapan.


Shirley : Pagbabayaran mo ang lahat ng ito Toyang. Kailanman hindi kayo magiging masaya ni Ely!


---------------------------------------------------------------------------------------------------


Angelo : Hoy Tiny Toni,ano tuloy ba tayo?

Toyang : Natatakot ako Gelo eh,baka hindi mag-work.

Angelo : Ano ka ba? Test nga to,malay mo umepekto.

Toyang : Kasi naman Gelo bakit kasi kailangan ganito pa gawin natin?

Angelo : Hoy Tiny Toni,para sa'yo rin to ano ka ba,dito nakasalalay ang kaligayahan mo.

Toyang : Eh kasi naman malay mo mali pala ang hula mo?

Angelo : Hindi yan,lalaki kaya din ako kaya alam ko yung mga ganung feeling.

Toyang : Kinakabahan talaga ako eh.

Angelo : Hindi yan,ako ang bahala.

Toyang : Sige at ako naman ang kawawa.

Angelo : Basta humanda ka na haha!


--------------------------------------------------------------------------------------------------


Angelo : Hello Guys!


Naglingunan lahat ng taong dinatnan nila at lahat sila ay sa isang bagay lang naka-tingin.


Jasmine : What's the meaning of that Kuya?

Raz : Oo nga Kuya?

Angelo : Tiny Toni and I are...

Ely : What's the meaning of that? Bakit hawak mo ang kamay ni Parekoy?

Angelo : Guys,we just want you to know that we...are now a couple,sinagot na ako ni Toyang!

Raz : Congrats Kuya,sabi ko na nga ba eh!

Jasmine : Yun din ang masasabi ko kasi mula pa noong una mo syang makita Kuya iba na ang tingin mo sa kanya eh,congrats!

Angelo : Thank you! (lingon kay Ely) How about you bro,hindi mo ba kami i-congrats?

Ely : Oh well,what can I say...Angelo...

Angelo : What? Tagal mo naman kami batiin!

Ely : Angelo...Condolence!


Pagkasabi nun ay dire-diretso ng naglakad palabas si Ely at umalis ng walang paalam.

No comments:

Post a Comment