Monday, August 6, 2012

" Kwintas "

Pia : Moe,wag mong kalimutan sunduin si Julie ha?

Elmo : Ma,malaki na sya,kaya na nyang umuwi mag-isa.

Pia : Ano ka ba,sunduin mo sya. Alam mo naman na pinapabantayan sya sa atin ng Mama nya na kaibigan ko kaya gawin mo inuutos ko sa'yo.

Elmo : Bakit kasi hindi pa bumalik na lang sya sa Amerika at dun na lang ulit mag-aral.

Pia : Kung makapagsalita ka parang hindi kayo naging magkaibigan ah.

Elmo : Eh sya naman kasi yung may kasalanan eh. Tama bang magtapat sa akin nung bata pa kami?

Pia : At sineryoso mo naman? Mga bata pa kaya kayo noon!

Elmo : Ah basta Ma,hindi ko na sya susunduin,bahala na sya sa buhay nya,tutal marunong na naman sya mag-drive kaya ipag-drive na lang nya sarili nya!

Pia : Kahit kailan talaga ang tigas ng ulo mo!


Wala ng nagawa si Pia kundi tawagan ang driver dahil umalis na si Elmo.


Julie : Kakainis sya,hindi talaga ako sinundo!

Maqui : Alam mo naman na kung bakit di ba?

Julie : For God sake Maqui,mga bata pa kami nun kaya hindi ko alam sinasabi ko.

Maqui : Eh anong magagawa mo kung natatandaan nya pa.

Julie : Ang sabihin mo masyado syang malisyoso. Ang babaw ng dahilan nya. Ang sabihin nya tinablan sya dun sa sinabi ko!

Maqui : Tindi ng fighting spirit mo haha!

Julie : Sadya! At least ndi ako in-denial.


Julie : Elmo,paglaki natin papakasalan mo ako ha?

Elmo : Bakit naman?

Julie : Kasi mahal kita at bilang tanda ng pagmamahal ko sa'yo ibinibigay ko sa'yo ang kwintas na to. (sabay suot ng kwintas sa leeg ni Elmo)

Elmo : (hinubad at ibinalik kay Julie) Ayoko nga! Iyo na yan! Wala akong planong pakasalan ka kasi may iba akong gusto!

Julie : (ngumawa ng ngumawa)

Elmo : Tumigil ka nga sa pag-iyak mo dyan!

Julie : (patuloy sa pag-ngawa)

Elmo : (kinuha kay Julie yung kwintas at isinuot) Tumigil ka na sa pag-iyak,tinatanggap ko na tong kwintas.

Julie : Talaga? Ibig sabihin papakasalan mo ako paglaki natin?

Elmo : (hinawakan sa pisngi si Julie) Julie,bata pa tayo kaya wag mo muna isipin yung kasal-kasal na yan. Basta ito ang tandaan mo,pwede kang magmahal ng iba. Okay lang sa akin.

Julie : Pero ikaw lang yung gusto ko.

Elmo : Someday mare-realize mo din na hindi ako ang para sa'yo.


Yun ang huling pag-uusap ng dalawa dahil kinabukasan ay umalis na sina Julie at nag-ibang bansa. Nadestino kasi sa America ang Papa nya kaya isinama sila. Hindi na sya nakapagpaalam kay Elmo kasi nasa school na ito.


Julie : Hi Moe,good morning!

Elmo : Anong good sa morning kung ikaw naman makikita ko?

Julie : Moe naman,bakit ka ba galit na galit sa akin?

Elmo : Nagtanong ka pa,alam mo naman kung bakit di ba?

Julie : Mga bata pa lang tayo nun,hindi ko pa alam yung mga sinasabi ko.

Elmo : Kahit na,akala mo ba madaling kalimutan yun? Hindi kaya! Hanggang ngayon nasa utak ko pa yun!

Julie : Bakit naman hanggang ngayon nasa utak mo pa sya?

Elmo : (natigilan) Ewan ko,itanong mo sa sarili mo! Dyan ka na nga,nawalan na ako ng gana kumain! (akmang aalis na)

Julie : Moe,dont worry,kalimutan mo na yun kasi kung ako nga matagal ng kinalimutan yun,move on ka na. Sige kumain ka na at ako na lang aalis.


Umalis na nga ang dalaga,naiwanan ang binatang natitigilan. Somehow nagsisisi din sya sa mga binitiwan nyang salita sa dalaga pero hindi na nya kayang bawiin pa yun.


Elmo : Hi Ma! Good morning!

Julie : Sige po Tita Pia,una na po ako,baka ma-late pa ako sa school. (beso)

Pia : Maaga pa naman iha,sabay na kayo ni Moe.

Elmo : (tingin kay Julie) Oo nga naman Julie,sabay ka na sa akin.

Julie : (nagulat pero hindi nagpahalata) Wag na po Tita,nakakahiya naman po eh,kaya ko na naman po magsolo. Sige po aalis na ako. (umalis na)

Pia : Anong nangyayari sa'yo?

Elmo : Bakit po Ma?

Pia : Anong nakain mo at pinapasabay mo sa'yo si Julie?

Elmo : Wala po. Gusto ko lang isabay sya.

Pia : Naninibago ako sa'yo anak pero mukhang iniiwasan ka nya.


Pansin nga ni Elmo na sobra ang pag-iwas sa kanya ni Julie. Pag nasa bahay sila at nasa malapit lang sya o kaya lalapit dito,agad itong umaalis at nagkukulong na lang sa kwarto. Pag nasa school naman at makakasalubong nya ito,bumabalik ito kung saan nagmula o kaya parang hindi sya nakita na tuloy-tuloy lang ang lakad. Honestly nasasaktan sya sa pag-iwas nito. Ang higit pa nyang ikinakasakit ng kalooban ay pag nakikita nya itong masaya kasama si Alden.


Julie : Thank you sa paghahatid Baby Alden.

Alden : Haha,ganda ng endearment natin,welcome Baby Julie.

Julie : Sige go na,ingat pag-drive.

Alden : Pasok ka na muna sa loob para alam kong safe ka.

Julie : Baliw to,nasa village tayo kaya hindi ako mapapahamak no.

Alden : Basta pasok ka na lang agad. Sunduin na lang kita ulit bukas.

Julie : Sige,ingat pag-drive. (beso dito)

Alden : Mukhang ikaw ang dapat mag-ingat haha!

Julie : At bakit naman,andito na naman ako sa bahay.

Alden : Yun nga eh. Basta,ingat ka.

Julie : Oo na nga lang,sige na. Goodnight!

Alden : Goodnight!


Hinintay muna maka-alis ni Julie ang sasakyan ni Alden bago sya pumasok ng loob ng bahay. Umakyat na sya at papasok na sana ng kwarto nya ng may biglang humila sa braso nya.


Julie : Sino bang...?

Elmo : (sinandal sya sa pader at tinukuran) Kayo na ba?

Julie : Elmo?

Elmo : (galit) Ako nga! Ngayon sagutin mo,kayo na ba?

Julie : (takot na takot dahil sa nakikitang galit sa mga mata ng binata) Bitiwan mo ako Moe.

Elmo : Hindi kita bibitiwan hanggang hindi mo sinasagot ang tanong ko!

Julie : Wala kang karapatan tanungin ako! Bakit,sino ka ba?

Elmo : Nasa akin ang lahat ng karapatan dahil sa pamamahay ka namin nakatira!

Julie : Kung ganun aalis ako dito para hindi ko kailangan magpaliwanag sa'yo!

Elmo : (mas hinigpitan ang hawak sa dalaga) Aalis ka? Para ano,para mas lalo kayong maging malaya ng lalaking yun? As if naman papayagan ko yun!

Julie : Ha! Hindi ko kailangan ang permiso at bakit ba galit na galit ka dyan,sino ka ba sa buhay ko?

Elmo : Tinatanong mo kung sino ako? Di ba ako yung magpapakasal sa'yo paglaki mo?

Julie : (tumawa ng malakas) Baliw ka na talaga Elmo,malisyoso ka pa. Sinabi ko ng kalimutan mo na yun dahil wala na sa akin yun!

Elmo : Paano ko makakalimutan yun kung yun ang dahilan kung bakit hindi kita makalimutan at bakit hindi ko kayang magmahal ng iba!

Julie : Ha?

Elmo : Oo! Dahil dun hindi ko nagawang magmahal ng iba. Dahil sa'yo dahil yung puso ko nung umalis ka dinala mong kasama mo!

Julie : At akala mo naman maniniwala ako sa'yo? Get real Elmo,wag mong kalimutan na wala ka ng ginawa kundi ang kamuhian ako!

Elmo : Dahil iniwan mo ako! Dahil hindi mo man lang hinintay na bawiin ko yung mga sinabi ko! Na kahit bata pa lang tayo noon kinuha mo na ang puso ko!

Julie : Baliw ka na talaga Elmo,tanga lang maniniwala sa mga sinasabi mo ngayon.

Elmo : Gusto mo ng patunay? (nilapit ang mukha kay Julie)

Julie : Dont you dare do what's on your mind Elmo kung hindi...

Elmo : Kung hindi ano? Sisigaw ka? Go on,sumigaw ka!


Sisigaw sana ang dalaga pero napigilan yun ni Elmo ng mga labi nito. Siniil nito ng halik ang dalaga. Pilit naman nagpupumiglas ang dalaga pero habang nanlalaban sya lalong dumidiin ang halik sa kanya ng binata. Dahil hindi naman sya bitawan ng binata,tumigil na lang sa panlalaban ang dalaga at hinayaan ito habang umaagos ang luha sa kanyang mga mata. Napatigil naman ang binata sa paghalik sa dalaga ng maramdaman ang luha nito. Tumigil sya at pinahid ang luha ng dalaga.


Elmo : Im sorry Julie,hindi ko sinasadyang saktan ka. (niyakap ang dalaga)

Julie : (umiiyak pa din)

Elmo : Tahan na please,nagawa ko lang naman to sa sobrang pagmamahal ko sa'yo.

Julie : (napahinto sa pag-iyak at tumitig sa binata,nagtatanong ang mga mata)

Elmo : Yun ang totoo Julie,mahal kita at nagawa ko lang to sa sobrang selos ko kay Alden.

Julie : Wala ka naman dapat ipagselos eh. (sabay singhot)

Elmo : Wala? Eh sobrang close nga kayo,feeling ko nga kayo na.

Julie : Paano magiging kami kung may girlfriend naman sya at kung may iba naman akong mahal?

Elmo : May iba syang girlfriend? Sino?

Julie : Sino pa,eh di si Maqui. pinapahatid lang ako ni Maqui sa kanya kasi masyadong nag-aalala sa akin si Maqui at dahil nauuna ang bahay ng girlfriend nya kaya yun huli nya akong hinahatid.

Elmo : Eh bakit Baby ang tawagan nyo?

Julie : Pati ba naman yun?

Elmo : (pout)

Julie : Kasi naman po baby face daw kami pareho kaya yun ganun naging tawagan namin.

Elmo : Ayokong tatawagin mo syang ganun.

Julie : Hah?

Elmo : Teka sino nga pala yung mahal mo?

Julie : (ngumiti) Hindi ko sasabihin.

Elmo : Julie!

Julie : Mahal ko yung taong may hawak ng pinaka-iingatan kong kwintas,andun kasi ang puso ko sa loob ng locket nun.

Elmo : (ngumiti sabay labas ng kwintas sa loob ng damit nito)

Julie : Suot mo sya?

Elmo : Lagi ko syang suot,tulad ng sinabi ko sa'yo kanina,nung umalis ka isinama mo na ang puso ko at hindi na nagawang magmahal ng iba. Hinintay kita pero nung magbalik ka hindi ko alam ang gagawin ko kaya dinaan ko na lang sa galit. But God knows galit na galit ako pag may nagpapalipad-hangin sa'yo,gusto kong manapak.

Julie : (ngumiti) Ganun mo ako kamahal?

Elmo : Higit pa roon,mahal na mahal kita Julie,sana ako din mahal mo.

Julie : Mahal din kita Elmo. Yun ang totoo. Kaya mas ginusto kong dito mag-aral,para mapalapit sa'yo,para mabantayan ka at hindi maagaw ng iba.

Elmo : Selosa ka pala. (ngumiti)

Julie : Hindi rin,wala naman ako mapagselosan sa'yo. Wala ka naman ibang gusto. suplado mo kaya sa mga babae.

Elmo : Aminado naman ako na selosa ako,at least hindi stalker katulad mo!

Julie : Im not! Ikaw nga yun,baka akala mo hindi ko alam ha,sinasabi sa akin ni Alden yun.

Elmo : Haha! Nakikita nya pala ako. Akala ko...

Julie : Akala mo...puro ka akala kaya yan napapala mo eh!

Elmo : (niyakap si Julie) At least okay na tayo,nagka-aminan na din tayo.

Julie : (yumakap din kay Elmo) Buti na lang talaga seloso ka,kaya mahal kita eh.

Elmo : Mas mahal kita!


Hinatid ni Elmo sa room nya ang dalaga. Pilyo syang napangiti ng humarap ang dalaga.


Elmo : Babe...

Julie : Heh,magtino ka nga! Matulog ka na!

Elmo : Tabi na lang tayo.

Julie : Ayoko nga,dun ka sa kwarto mo!

Elmo : Hindi talaga makalusot. Goodnight Babe. (halik sa pisngi)

Julie : Goodnight Babe.


Kinaumagahan.


Elmo : Good morning Ma! (sabay halik sa ina)

Pia : Good morning anak! (nakita si Julie) Good Morning din sweetie! (sabay beso sa dalaga)

Julie : Good moring din poh Tita!

Elmo : Hey Babe,where is my good morning kiss,si Mama lang ba meron?

Pia : (nagulat) Babe?

Julie : (beso kay Moe) Good morning Babe!

Elmo : Good morning too Babe! (kiss din kay Julie)

Pia : (tumayo) Care to explain it to me?

Elmo : (kuha sa kamay ni Julie,nag-HH) We are now officially on Ma.

Pia : Julie? (lingon sa dalaga)

Julie : (ngiti) That's true Tita,kagabi lang po.

Pia : (niyakap ang dalawa) Congrats,finally Me and Marivic can finalize your wedding!

JuliElmo : Po?

Pia : Sorry mga anak,plinano na kasi namin yun nung mga bata pa kayo pero syempre hinihintay din namin na magka-ayos kayo. Siguradong magiging masaya din ang Mama mo sweetie.

Julie : Alam na po nila ni Papa,itinawag ko na po kagabi. Uuwi daw po sila. Kaya po pala excited sila umuwi.

Elmo : Ayusin na yang kasal na yan!

Julie : Moe!

Elmo : Bakit ba? Dun din naman ang punta natin eh. Para naman maka-score na ako haha!

Julie : Hoy Moe yung salita mo,nasa harap lang si Tita no.

Pia : Dont worry Sweetie,naiintindihan ko yan. Tagal na nya kasi naghihintay sa'yo haha!

Elmo : Yun oh,kunsintidorang ina!

Pia and Julie : Haha!

Pagkalipas ng isang linggo ay dumating na nga ang mga magulang ni Julie at plinano ang kasal ng dalawa. Sila pa nga ang mas excited kesa sa dalawa. At ang dalawa naman walang ginawa kundi ang maglambingan lang.


Elmo : I love you Julie. I cant wait to spend my lifetime with you.

Julie : I love you too Elmo and me too,I cant wait for it.


Pagkatapos nun ay nagyakap ang dalawa at patuloy na naglambingan.

No comments:

Post a Comment