Sunday, March 27, 2011

ANG PUSO KO NABIHAG MO NA

di akalain
sa'yo pala ay may pagtingin
di ba noon halos di ka kausapin
di man lang bigyan pansin


ihip na hangin
ang nagbulong ng pag-ibig
di man narinig
ang puso ko'y sadyang naglalambing



di mo lang napapansin
ikaw lang ang tanging mahal
asahang sa'yo ay tapat
kahit ano pa man sabihin nila
hinding-hindi na magbabago
pag-ibig ko'y sayung-sayo



pinilit mang limutin ka
pag-ibig di na mag-iiba
ikaw lang ang aking mahal
ang nagbigay-kulay sa aking buhay...



sa'yoy wala ng papantay
puso ko man ay nalunod na
sa lalim ng aking pag-iisa
ikaw o aking sinta...



ang siyang sasagip
sa puso kong nabihag mo na....



= QUEEN CONTESSA =

No comments:

Post a Comment