Wednesday, March 30, 2011

CLASHING HEARTS

Siya si Carrie Antoinette Alvarez o mas kilala sa tawag na AC, ang babaeng tahasang ipinagsigawan sa buong mundo na mahal niya si JD. Mapaamo kaya nea ang mailap na puso ng binata?

Siya naman si Justin Danz Vicente o mas kilala sa tawag na JD, ang lalaking tahasan naman kung magpakita ng pag-ayaw kay AC. Magawa kaya niyang mahalin din ang dalaga?

Paano kung may lalaking nagmamahal kay AC sa katauhan ni Ethan Kristoffer Elizalde, ang pinsan-buo ni JD, magawa kaya niya mapaibig ang dalaga?

At paano kung kailan handa na ang dalaga na magmahal ng iba saka naman aaminin sa kanya ni JD na mahal din siya nito...ano ang gagawin niya?Sino ang pipiliin niya?Ang lalaking unang nagpatibok ng puso niya ngunit nanakit lang ng damdamin niya at ngayon ay nagbabalik para muling guluhin ang puso niya o ang lalaking lubos na nagmamahal sa kanya at handang ibigay sa kanya ang lahat?

Sa labanan ng puso...sino ang magwawagi?

No comments:

Post a Comment