Sunday, March 27, 2011

WHEN LOVE & HATE COLLIDE

mula ng masilayan ka
tibok ng puso ko ay nag-iba
sa bilis ng pulso nito
akala ko ito na ang katapusan ko...



dati-rati ayaw ko sa'yo
dahil sa tingin ko ikaw ay pilyo
ngunit di naglaon ay pinatunayan mo
karapat-dapat ka dito sa puso ko...



ikaw noon ay di ko kasundo
pagkat ikaw noon ay may sariling mundo
hanggang sa ikaw ay biglang nagbago
sumama ka sa mundong meron ako...



sa aking paningin ikaw ang pinaka-gwapo
sa mata ng ibang tao ikaw ay mukhang gago
ngunit dahil ikaw ang tibok ng puso ko
ayaw man nila ay pinaglaban ko pag-ibig ko sa'yo...



ngunit bakit ngayon ako ay sinaktan mo
dahil puso ko ay biglang binalewala mo
ano ang naging kasalanan ko
upang ako ay saktan mo ng todo...



kinamuhian kita dahil dito
sinumpa ko ayaw ko na sa'yo
dahil puso mo ay bato
wala kang karapatan sa puso ko...



mula noon hindi ko na tiningnan
ang kahit na isa sa iyong larawan
upang madali kitang makalimutan
at manapa ay mapalitan...



ngunit anong saklap naman
nang ikaw ay muling masilayan
biglang nagbalik ang kamalayan
dahil dito sa puso ko ikaw pa rin pala ang laman...



sana naman mapansin mo na ako
dahil ito na ang huling baraha ko
pag muli ako ay sinaktan mo
pangako ko sa'yo
ikaw ay manghihiram ng mukha sa aso...



minahal kita mula ng isilang ako
dahil ikaw ang nakikita ng ina ko
nang siya ay maglihi ng pinagbubuntis niya ako
kaya ito ay kasalanan mo
pahara-hara ka kasi sa mga mata ng ina ko...



hindi ko ito matapos
dahil pag-ibig natin ay kapos
ngunit alam ko dito sa puso ko
ikaw at ako pa rin
hanggang sa dulo ng mundo...

No comments:

Post a Comment