Saturday, July 28, 2012

Parents Permission

Direk Mac : Pack Up!


Nang marinig un ni Elmo ay nainis siya,hindi pa kasi nagtatagal sa set si Julie pero dahil sa hindi maganda ang panahon sa location nila eh napacked-up agad sila.


Elmo : Kakainis naman,hindi ko pa nakakasama ng matagal si Julie eh,ano kaya gagawin ko para makasama ko pa siya?"


Nang bigla may pumasok sa isip nya.


Elmo : "Tama ganun nga gagawin ko!"


Lumapit sya kay Julie na noon ay nag-aayos na ng mga gamit nya.


Elmo : Julie,uuwi ka na ba?

Julie : Yup,why?

Elmo : Wag ka muna umuwi,stroll muna tayo.

Julie : Ang sama kaya ng panahon at saka hindi ako papayagan nina Papa.

Elmo : Hindi naman tayo dito mag-stroll eh,sa Eastwood naman at saka ipagpa-paalam naman kita sa kanila.

Julie : Asa ka pa naman na payagan,hoy Elmo kahit 18 na ako hindi pa ako pwede lumabas na lalaki ang kasama no.

Elmo : Pssst wala yan,watch and learn,papayag sila Tita at Tito lalo na at ako naman yung kasama mo.

Julie : Bahala ka,ikaw rin!

Elmo : You'll see.


Iniwan muna ni Elmo si Julie bago siya nagpunta kung nasaan ang mga magulang nito para ipagpaalam ang dalaga.


Elmo : Tito Jonathan,Tita Marivic ipagpa-paalam ko lang po sana si Julie.

Jonathan : Saan mo naman dadalhin ang anak ko?

Elmo : Sa Eastwood po sana,stroll lang naman po,promise iuuwi ko din naman po sya agad.

Jonathan : Alam mo naman siguro ang aking rule,hindi pa sya pwedeng makipag-date.

Elmo : (malungkot) Naiintindihan ko po.

Jonathan : Yung mukha mo Elmo,natatawa ako.

Elmo : Kasi naman po very confident pa naman ako kanina kay Julie ng sabihin kong papayagan nyo sya lumabas kasama ako tapos...tapos...tapos mapapahiya po ako sa kanya eh.

Jonathan : Sino naman nagsabi sa'yo na mapapahiya ka sa kanya?

Elmo : Eh di ba po sabi po nyo hindi pwede?

Jonathan : Exception ka naman dun sa rule,malaki tiwala ko sa'yo kaya pinapayagan kita na isama siya,basta ba iuuwi mo lang sya sa tamang oras eh.

Elmo : Salamat po Tito,wag kayo mag-alala iuuwi ko po sya sa inyo ng walang labis walang kulang.

Jonathan : Walang anuman,sige pwede na kayong umalis basta ingatan mo sya ha.

Elmo : Salamat po ulit Tito and Tita,sige po sasabihin ko na sa kanya ang mgandang balita at magpa-paalam na din poh ako kay Mommy.

J and M : Sige,ingat kayo and Elmo...

Elmo : Po?

Jonathan : Enjoy!

Elmo : Sure poh,thank you po ulit!


Sa sobrang saya ni Elmo muntik na syang madulas sa basang daan,tumakbo kasi siya para makarating agad sa kanyang Mommy.


Elmo : Mom!

Pia : Oh Elmo,bakit?

Elmo : Finally Mom,pumayag na sina Tito and Tita!

Pia : Pumayag na ano?

Elmo : Pumayag na mai-date ko si Julie!

Pia : Wow,congrats Baby!

Elmo : Ang saya ko Mom!

Pia : Kita ko nga anak at masaya ako para sa inyo.Teka i-tweet ko yan!

Elmo : Mom no! Hindi ito pwedeng malaman ng iba,magkakagulo ang mga fans,alam nyo na,baka sundan pa kami,mapurnada pa yung date namin ni Julie.

Pia : Ay oo nga pala pero ndi ko mapigilan ang kilig eh,gagamitin ko na lang yung JOS para mailabas ko ito,wait lang.

Elmo : Bahala ka Mom basta aalis na kami.

Pia : Ingat kayo Baby & enjoy!

Elmo : We will!


Tumakbo na si Elmo papunta kay Julie at naiwan si Pia na ndi talaga napigilan ang sarili na mag-tweet.


@piamagalona If you love  and  


Nabasa yun ni Lauren at hindi nya nagustuhan ang tweet ni Pia.Dali-dali nya itong tinawagan at kinompronta.


*phone convo*


Lauren : Tita what's the meaning of that tweet?

Pia : Oh anong masama sa tweet ko?

Lauren : Para kasing sinusuportahan nyo pa yung si Julie eh.

Pia : Tama ka Lo,in fact pinayagan ko si Elmo ngayon na i-date si Julie eh.

Lauren : Ano po? Bakit nyo po ginawa yun,alam nyo naman pong mahal ko si Elmo !

Pia : Alam ko.

Lauren : Yun naman pala eh,bakit nyo po pinayagan?

Pia : Pinayagan ko sila mag-date kasi boto ako kay Julie para kay Elmo.

Lauren : Paano po ako?

Pia : Eh di ganyan ka pa rin,alam mo Lo matuto ka sanang dumistansya,alam naman natin na si Julie yung mahal ni Elmo,magkaroon ka naman ng konting dignidad sa sarili,lumayo ka at wag kang dikit ng dikit.

Lauren : Pero mahal ko po si Elmo Tita!

Pia : Bingi ka ba Lo o sadyang tanga lang at hindi maka-intindi? Kakasabi ko lang di ba,si Julie ang mahal ni Elmo at subukan mong hadlangan yun at may magagawa ako na hindi maganda sa'yo.

Lauren : Ha! At ano naman po gagawin nyo?

Pia : Yung palubog mong career lalo kong ilulubog hanggang sa hindi ka na maka-ahon at maisipan mo na lang magbalik kung saan ka ngmula,ok na ba yun?

Lauren : T-Tita,s-sige po lalayo na po ako mula ngayon,hindi ko na po guguluhin si Elmo,wag nyo lang po palubugin ang career ko.

Pia : Madali ka pala kausap eh,sige na sinasayang mo oras ko,goodbye na. Oooops nga pala,wag ka na mag-plano lumipat ng GMA kasi wala ka din naman magiging career dito,ang GMA tahanan ng mga may talent hindi ng may teleleng.


Hindi na hinintay ni Pia ang sagot ni Lauren at pinatay na nya ang cellphone nya ng nakangiti.


Pia : "You've got to thanks me Elmo baby,the witch is now off."


Samantala dahil narinig ni Lexi na mag-stroll yung dalawa eh nagpilit syang sumama at maging sina Sef at Steven ay sumama na din.Kahit naiinis ay walang nagawa si Elmo,nag-isip na lang sya ng paraan para masolo ang dalaga.Nanood sya ng sine ng hindi naintindihan ang palabas kaya ng kumakain na sila at hindi na nakatiis ay gumawa na lang ng alibi.


Elmo : Julie tara na,ihahatid na kita.

Julie : Ok.

Lexi : Elmo maaga pa kaya.

Sef : Oo nga,ikaw talaga,gusto mo lang solohin si Julie.

Elmo : (defensive) Hindi kaya!

Steven : Eh bakit gusto mo ng iuwi sya?

Elmo : Eh nangako kasi ako kina Tito eh.

L/S/S : Ah ganun ba,sya go na,uuwi na din kami,salamat nga pala sa libre Elmo.

Elmo : Walang anuman.


Nang magkahiwa-hiwalay na sila sa parking lot ay hinawakan ni Elmo ang kamay ni Julie at niyaya ulit sa loob ng restaurant.


Julie : Akala ko ba uuwi na tayo?

Elmo : Dahilan ko lang yun,gusto ko kasi masolo ka eh.

Julie : So Sef is right,gusto mo lang talaga ako masolo.

Elmo : Wag ka nga,inuulit pa eh.

Julie : Kasi yung alibi mo masyadong childish eh.

Elmo : Eh ano naman,nagmamahal eh.

Julie : Hah? Sino naman?

Elmo : Tatanong pa eh,hiya na nga ako dito oh.

Julie : Eh sino nga kasi.

Elmo Eh di ikaw!

Julie : Ha?

Elmo : There,nasabi ko din,hindi na ako shy lover ngayon.

Julie : Oo nga,ang bilis mo lang haha.

Elmo : Ganun talaga,ako yata ang Last Man Standing!

Julie : Eh di ikaw na!

Elmo : Julie : May pag-asa ba ako?

Julie : Sa tingin mo?

Elmo : Ewan ko..

Julie : Hmmmn Elmo,Im sorry hah but...

Elmo : Ang bilis naman nun Julie,basted agad aq.

Julie : para kang timang dyan,smile ka nga.

Elmo : Paano ako mag-smile eh nabasted ako?

Julie : Eh sino ba may-sabi sa'yong basted ka?

Elmo : Eh di ba sabi mo Im sorry?

Julie : Hindi mo naman ako pinatapos eh...sasabihin ko sana...

Elmo : Sana?

Julie : Na mahal din kita...mahal kita Elmo.

Elmo : Talaga?

Julie : Oo sabi.

Elmo : Yes! So tayo na?

Julie : Hindi pa rin,ligawan mo muna ako.

Elmo : Ok lang sa akin basta bawal ka na magpaligaw ha?

Julie : Oo na!

Elmo : Ako na pinaka-masayang lalaki sa mundo,thank you Julie.

Julie : Thank you din kasi minahal mo din ako.

Elmo : Mas thank you kasi pinili mo ako.I love you Julie.

Julie : I love you too Moe.


Pagkatapos nun ay nagyakap sila na parehong may ngiti at medyo lumuluha ang mata.

No comments:

Post a Comment