Thursday, July 26, 2012

" SPOTTED "

Elmo : Last Woman Standing,labas tayo.

Julie : Ayoko nga,magagalit si Papa.

Elmo : Hindi yun magagalit kasi naipag-paalam na kita sa kanya.

Julie : Talaga? Lakas mo ah,Last Man Standing ka nga. Teka saan lakad natin?

Elmo : Mall.

Julie : Baka may makakita sa atin.

Elmo : Eh ano naman ngayon,wala akong pakialam at saka kasama naman natin sina Sef, Lexi and Steven eh.

Julie : Ah ganon ba,ok sige.


Sa mall.


Lexi : Ang tagal naman nung dalawa.

Sef : Oo nga,nagugutom pa naman na ako.

Steven : Ikaw talaga Sef,kararating mo lang pagkain agad nasa isip mo.

Lexi : Haha!

Sef : Eh usapan natin yun di ba? Kakain muna tayo bago manood ng sine.

Steven : Oo nga,pero obvious ka naman kasi eh.

Lexi : Wag na nga kayo magtalo dyan,andyan na yung dalawa oh.

Steven : Tingnan mo ang bagal nila maglakad,parang walang naghihintay.

Sef : Eh kasi sinusulit ni Elmo yung pagkakataon eh,baka daw ndi na maulit.

Elmo : (narinig si Sef) Oo Sef hindi na nga mauulit ito ---

Sef : Sabi ko na eh,hahaha!

Elmo : (binatukan si Sef) Hindi pa ako tapos magsalita eh. Ibig kong sabihin,hindi na mauulit ito...na kasama kayo,dahil sa susunod kami na lang dalawa. (sabay ngiti)

Lexi : Ayon oh pahiya ka Sef,haha! Hi Julie! (sabay beso)

Julie : Haha,wag nyo nga ganyanin si Sef,pinagtutulungan nyo eh. Hi Lex! (beso din)

Steven : Siya order na tayo kasi gutom na daw yung isa dyan.

Sef : Mga walangya kayo,ako na naman nakita nyo haha!


Habang masayang nag-uusap sa isang lamesa ang magkakaibigan ay hindi nila napansin na nakakakuha na sila ng atensyon at may iba pa nga na kumuha ng pictures at agad na ishinare sa twitter. Dahil sa picture na yon lahat ng adik ay nagkagulo, Meron pa nga na kaka-log out lang at nakahiga na eh nag-online pa ulet ng malaman na may best spotted.


Sef : Wag na tayo kumain.

Elmo : Sige,mamaya na lang.

Lexi : Oo nga,excited na ako manood eh.

Steven : Then lets go na!

Julie : Una na kayo,mag-CR lang ako.

Lexi : Samahan na kita Julie.

Elmo : Ako na lang sasama sa kanya Lexi,sabay ka na kina Sef at Steven.

Lexi : Ok sige,naiintindihan ko,ayaw mo mawalay sa paningin mo si Julie haha,una na kame!


Nauna na nga yung tatlo sa loob ng sinehan at balak na ipagreserve na lang yung dalawa pero kamalasan wala ng space ng pang limang katao. Nang dumating sina Elmo at Julie napagdesisyunan na lang nila na hihiwalay ng upuan ang dalawa pero malapit din naman sa mga kasama nila.


Lexi : Tingnan nyo yung dalawa oh,pustahan wala yan maiintindihan sa pinanood nila,puro harutan eh.

Sef : Si Elmo lang naman yun,nadadala lang si Julie,ang landi kasi ni Elmo eh haha!

Steven : Hayaan nyo na,matagal siya nagpigil eh,kaya ngayong 18 na sila at legal na,wala ng makakapigil dyan.

Sef : Gusto ko yan. Yung nagpigil,halata naman eh,tingnan mo sa mga prod nila,kulang na lang tunawin si Julie.

Lexi : Eh kasi nga matagal nya na gusto este mahal pala si Julie di ba?


Samantala dun naman sa side ng dalawa.


Julie : Moe hindi ko maintindihan ang movie,ang kulit mo kasi.

Elmo : Eh hindi ko mapigilan eh. Kasi naman sa wakas nasolo din kita.

Julie : Malakas ka siguro sa Kanya no?

Elmo : Hindi rin,kasi bakit ang tagal ko naghintay?

Julie : Haha,buti hindi ka nainip?

Elmo : Kasi worth kang hintayin.

Julie : Ayeeeh kinilig naman ako dun.

Elmo : Ako nga everyday kinikilig eh,gawa mo haha!


Samantalang nagkakagulo at nagsasaya ang lahat sa twitterworld,may isang tao naman ang hindi mapakali dahil nakita na rin yung mga picture,kulang na lang itapon niya yung phone niya nung makita niya yung picture sa sobrang galit.


Lauren : Sila nga kaya yun? Pero malabo eh,hindi naman pinapayagan lumabas si Julie at saka blurred yung picture. Matawagan na nga lang si Elmo.


Ilang beses nag-try si Lauren na tawagan si Elmo pero hindi yun sinasagot ng binata kaya lalo siyang kinabahan. Last week spotted din na magkasama ang Magalona Family kasama si Julie,noong una hindi siya maniwala pero sina Maxx at Saab na mismo ang nagkumpirma nito. Naalala pa niya yung usapan nila.


Lauren : Totoo ba yung balita Maxx?


Maxene : Anong balita ba yun baby girl?


Lauren : Dont call me baby girl again! Totoo bang lumabas kayo ng buong pamilya kasama si Julie last week?


Saab : (kararating lang) Dont yell on my sister Lo! And if ever na totoo man yun,may masama ba?


Lauren : Oo masama kasi alam nyo naman na gusto ko si Elmo at saka ni minsan ndi nyo pa ako naisama ng buong pamilya nyo sa isang get together pero siya pinayagan nyo!


Saab : Eh ano naman ngayon? Maaaring gusto mo siya...eh ang tanong gusto ka din ba niya?


Maxene : Lo,totoong lumabas kami na kasama si Julie at para samin walang masama dun dahil kaibigan siya ni Elmo.


Lauren : Kaibigan nga lang ba at si Elmo lang ba talaga ang friend niya sa pamilya nyo?


Saab : Wala ka ng pakialam dun Lo,think not twice but thrice,know your limitation first.


Lauren : Akala ko pa naman besh kita.


Saab : Kaibigan mo nga ako but that's not enough reason para tulungan kita at hadlangan ko ang kaligayan ng kapatid ko.


Pagkatapos ng usapan na yun ay hindi pa sila nagkikita ulit. Masama ang loob niya sa mga ito pero sigurado siya na hindi naman siya susuyuin ng mga ito.


Julie : Oh saan tayo pupunta? May mga kasama pa po tayo in case na nakalimutan mo.

Elmo : Natext ko na po sila at sinabi kong hihiwalay tayo kasi gusto kitang masolo. (ngiti)

Julie : Ikaw talaga,ang landi mo!

Elmo : Sa'yo lang naman eh at saka kailangan ko sulitin ang oras kasi hindi ko alam kung kailan ito mauulit.

Julie : Pumayag na si Papa di ba? Ibig sabihin tiwala na siya sa'yo.

Elmo : (ngumiti) Oo nga pala,wait tatawagan ko lang muna Papa mo para sabihin late tayo makakauwi.


Kinuha ang cellphone sa bulsa at nagulat.


Julie : Oh bakit?

Elmo : May miscall ako,20 pa nga.

Julie : Kanino galing?

Elmo : (tiningnan) Kay Lauren.


Biglang nag-ring ulit ang phone at sinagot yun ni Elmo.


Elmo : Oh Lo,anong kailangan mo?

Lauren : Itatanong ko lang sana kung nasaan ka ngayon?

Elmo : Kapatid ba kita o nanay ko para ipaalam ko sa'yo kung saan ako pupunta? Just kidding haha! Im here on Eastwood.

Lauren : Haha! Great,andito din ako sa Eastwood eh,kita tayo!

Elmo : Hindi pwede eh,Im with my Julie.

Lauren : (hindi napansin ung salitang my) Eh ano naman,friend mo naman kame pareho eh.

Elmo : Oo nga,friend ko nga kayo pareho kaya lang si Julie hindi ko na friend ngayon eh.

Lauren : Hindi mo na friend pero kasama mo? Naglolokohan ba tayo Elmo?

Elmo : Hindi ko na siya simpleng friend lang Lo,ang ibig kong sabihin girlfriend ko na si Julie,girlfriend ko na siya ngayon. Actually were celebrating our advance monthsary,sinagot na niya kasi ako noong June 24 and since may work kame pareho bukas,ngayon na lang kami nag-date.

Lauren : What?! Eh paano tayo?

Elmo : Hahaha! Patawa ka talaga Lo,pwede ka ng comedian! Walang tayo Lauren,masyado kang assuming ha,si Julie ang mahal ko,period wala ng kasunod.

Lauren : No!

Elmo : Ngumawa ka man dyan at magwala,wala akong pakialam. Sige na inaabala mo date namin eh,panira ka ng moment Lo,goodbye! (sabay pindot ng end call sa phone niya)


Inis na inis si Lauren dahil pinagpatayan siya ng cellphone ni Elmo sa unang pagkakataon pero wala na siyang magagawa kasi kahit pamilya nito boto kay Julie. Wala na siyang magagawa kundi tanggapin ang katotohanan na talunan siya.


Julie : Ang bad mo!

Elmo : Eh kasi naman ang kulit niya eh,habol ng habol. Kakairita na kasi kaya yun diniretso ko na.

Julie : Kahit na.

Elmo : Mahal kasi kita Julie kaya handa ako na alisin lahat ng hadlang sa sa pagmamahalan natin,kahit maging masama ang image ko.

Julie : Mahal din kita Elmo,alam mo yan.

Elmo : (ngumiti) Gusto ko tuloy mag-tweet na may date tayo ngayon syempre may kasamang picture yun,wait lang.

Julie : Oi wag,magkakagulo sila!


Pero hindi nagpapigil si Elmo,kinuha pa rin ang phone niya at magti-tweet na sana ng maisipan tingnan ang mention niya. Nagulat siya sa nabasa at nakita and at the same time napangiti na rin. Ini-off na lang niya ang phone niya at tinago ulit.


Julie : Oh akala ko ba magti-tweet ka?

Elmo : Nagbago na isip ko.

Julie : Bakit naman?

Elmo : Buksan mo na lang twitter account mo at tingnan mo mention mo.


Binuksan nga ni Julie ang twitter account niya at tiningnan ang mga mention niya,gulat na gulat na nanlalaki ang mga mata niya na napatingin sa ngiting-ngiting si Elmo sabay sabing :


Julie : Patay! Spotted tayo!

Elmo : (Patay na talaga,patay na si Lo!) The Best Spotted ever! :))

No comments:

Post a Comment