Wednesday, June 13, 2012

One Shot : Bitter To Sweet :))


She was 18 ng maranasan niya ang sakit ng unang pa-ibig…sa kanyang bestfriend pa mismo.


Julie : Gusto kita Elmo.

Elmo : Im sorry Julie pero hindi kita gusto eh.

Julie : Pero gustong-gusto kita Elmo,matagal na.

Elmo : Hindi nga kita gusto Julie eh kasi ----------

Julie : Ok fine,kalimutan mo na lang lahat ng sinabi ko,goodbye!

Elmo : Julie,I ----------

Julie : I hate you Elmo,someday pagsisisihan mo lahat ng ito!


Pagkatapos sabihin yun ay tumakbo na si Julie palayo kay Elmo,ni hindi man lang siya hinabol nito.Sa sobrang sakit na kanyang naramdaman,hindi na niya napigilan ang pag-iyak habang tumatakbo.Pagdating sa kanilang bahay isang desisyon nabuo sa isip niya.


Marivic : Oh Julie,san ka galing?

Julie : Sa labas lang po,nagpahangin.

Marivic : Umiyak ka ba?

Julie : Hindi po,napuwing lang po ako.

Marivic : Ok,magpalit ka na ng damit at kakain na tayo.

Julie : Ok Ma,nga po pala,napagdesisyunan ko na po na sa America na aq mag-aaral.As soon as possible po sana gusto ko na maka-alis na tayo.

Marivic : Akala ko ba ayaw mo dun,may problema ba Julie?

Julie : No Ma,I just miss Dad & I think kailangan ko na pagbigyan kahilingan niya na makasama naman tayo.

Marivic : Ok.Bukas na bukas din kukuha ako ng early flight para maka-alis na tayo.


Pagpasok sa kanyang kwarto ay hinayaan ni Julie na pumatak ng pumatak ang luha niya.


Julie : This is the last time na iiyakan kita Elmo,ito ang una at huling iyak na gagawin ko dahil sa'yo.Pagdating ng panahon,ikaw din lalapit sa akin at hihiling na pakasalan kita,pagdating ng araw na yun pahihirapan kita!


Alam ni Elmo masama ang loob sa kanya ni Julie kaya pinalipas muna niya ilang araw bago niya pinuntahan ito sa bahay nila.Ganun na lang ang panlulumo niya ng malaman niya sa katulong ng mga ito na ilang araw na buhat ng umalis ang mga ito para magpunta ng America at hindi alam kung kailan ang balik.


Elmo : Im sorry Julie kung nasaktan kita,someday malalaman mo din kung bakit ko nasabing hindi kita gusto at kung bakit tinanggihan kita.


*Pagkalipas ng 6 na taon*


Jonathan : Babalik na tayo ng Pilipinas,dun na tayo mamamalagi.

Julie : But Dad!

Jonathan : No more buts Julie!At saka kailangan mo na rin umuwi kasi may naghihintay sa'yo dun.

Julie : (lingon sa Mama niya) Ma,ayoko pa po umalis dito!

Marivic : Wala ako magagawa anak,kung ano desisyon ng Daddy mo,sumusunod lang ako.

Julie : Ok fine!So kailan tayo babalik ng Pilipinas?

Jonathan : mamayang gabi flight natin kaya ayusin mo na mga gamit mo.

Julie : What?!


Sa kanyang kwarto habang nag-aayos siya ng kanyang mga gamit ay may biglang siyang naisip.


Julie : Kamusta na kaya siya?May asawa na kaya siya?Hmpt I don’t care din naman,pakialam ko ba sa kanya,naka-move on na ako!


*Pilipinas,San Jose Residence*


Housemaids : Welcome home Sir,Ma'am & Ma'am Julie!

Jonathan :  Thank you.Its nice to be back home.

Marivic : Yes.

Julie : Welcome home,na-miss ko kayong lahat,promise!

Jonathan : Julie,magpahinga na kayo ng Mommy mo kasi mamayang gabi sa labas tayo kakain .May imi-meet tayo.

Julie : The who Dad?

Jonathan : Malalaman mo rin mamaya.

Julie : Hmmn sino kaya sila,ay bahala na,basta wag lang yung pamilya ng walangyang yun!



Sa Restaurant.


Julie : Sino ba talaga hinihintay natin Dad?

Jonathan : Maghintay ka lang at parating na daw sila.

Julie : Hmmn,masyadong mga pa-importante!

Marivic : Oh ayan na pala sila eh!

Julie : Sino ba kasi -------- (lumingon at nagulat)

Jonathan : Hello Francis,hello Pia!

Francis & Pia : Hello Jonathan & Marivic! (sabay beso)

Marivic : Its nice to see you again Mare,after 6 years!

Pia : Yeah 6 years,na-miss kita Mare (lingon kay Julie) lalo ka na Julie. (smile)

Julie : I miss you din po Tita Pia. ( sabay beso & hug)

Elmo : (kararating lang) How about me Julie,do you miss me too?

Julie : Ah excuse me poh,mag-CR lang po ako.


Hindi na hinintay ni Julie sagot ng mga kasama at umalis na siya para magpunta ng CR.


Julie : Kapal ng mukha magtanong kung miss ko daw siya,letseng lalaki yun,panira ng araw,gawin ko kayang kalamismis yung mukha niya!


Paglabas ni Julie ng CR eh naabutan niya si Elmo nakasandal sa pader at nag-aabang sa kanya.Hindi niya ito pinansin,sa halip parang hindi nakita na dire-diretso lang siya naglakad,kaya lang pagdaan niya sa tapat nito nahagip nito braso niya,hinila siya at isinandal sa pader.


Elmo : Bakit mo ako iniwan noon ng walang paalam Julie?6 years mo akong pinagmukhang tanga!

Julie : Eh adik ka pala eh!Iba din yung trip mo eh!Sino ka ba para pagpaalaman ko pa,obligasyon ko ba magpaalam sa'yo?

Elmo : Oo,dahil ako ang bestfriend -------

Julie : Wala akong maalala sa sinasabi mo,wala akong bestfriend na lalaki.

Elmo : Letse Julie!Nag-abroad ka lang,nakalimuatan mo na nagtapat ka sa akin,na gusto mo ako!

Julie : Ah yun pala pinagpuputok ng butse mo,yung pagtatapat ko pala noon,eh letse ka din Elmo!Sabi ko lang noon gusto kita,yun lang,hindi ko sinabing mahal kita!

Elmo : Kung pinatapos mo lang sana ako pagsasalita noon,eh di sana ------

Julie : Eh di sana mas nasaktan mo ako noon?Ganun ba Elmo?Tama na nga,tapos na lahat ng yun,naka-move on na ako.

Elmo : Eh ako Julie,hindi mo ba ako tatanungin kong naka-move on na ako?

Julie : Ewan ko sa'yo Elmo (sabay tulak dito) Dyan ka na nga! (At lumakad na siya ng mabilis kaya hindi na siya nahabol nito)


Sa mesa ay masayang nag-uusap ang mga magulang nila,puro kwentuhan at tawanan.Habang sina Julie at Elmo tahimik lang.Minsan nagpapapansin si Elmo gamit yung paa niya sa ilalim ng mesa,sa inis ni Julie tinapakan niya paa ni Elmo.Muntik na itong mapasigaw kung hindi lang pinandilatan ni Julie.Nang matapos silang kumain ay…


Jonathan,Marivic,Francis & Pia : Elmo,Julie makinig kayong dalawa sa sasabihin namin.

JuliElmo : Ano po ba yun?

Jonathan,Marivic,Francis & Pia : Matagal na namin to na-plano,mga bata pa lang kayo,at ngayong pareho na kayong nasa tamang edad,napagdesisyunan namin na ito na oras para ipakasal kayo.

Julie : What?!Ma,Dad,ayoko po!

Jonathan & Marivic : Wala ka naman boyfriend kaya ok lang na ipakasal kita kay Elmo di ba?

Julie : But Dad,I don’t like the idea!I dont like him!

Elmo : Ako walang problema sa akin,wala naman akong girlfriend at kahit hindi kita gusto Julie,papakasalan kita kase nga ------

Julie : Yun nga Elmo eh,hindi mo ako gusto kaya hindi pwede!

Elmo : Sandali lang po Mom,Dad,Tito Jonathan & Tita Marivic,etong si Julie lagi na lang pinuputol lahat ng sinasabi ko eh,pagod na ako maghintay kaya kakausapin ko na talaga siya ng kami lang dalawa.Anim na taon na pinalipas ko at siguro naman sapat na yun para malinawan na siya.

Julie : Ano ba sinasa -------

Elmo : Pde ba hintayin mo paliwanag ko,lagi mo na lang pinuputol sinasabi ko,paano tayo magkakatuluyan?

Julie : (Naguguluhan)

Elmo : Halika na nga (tapos lingon sa mga magulang nila) Umuwi na po kayo,ako na po bahala maghatid kay Julie… ( kung ihahatid ko pa siya)

Pagkatapos sabihin yun ay hinawakan ni Elmo si Julie sa kamay,mahigpit na parang ayaw pakawalan,isinakay sa kotse at dinala sa isang park.


Julie : Ano bang mga kabaliwan sinasabi mo kanina doon sa resto?

Elmo : Kung pinatapos mo lang ako pagsasalita noon Julie,sana hindi tayo nagkalayo,hindi sana tayo parehong nasaktan.

Julie : Nasaktan?Ikaw?Your so funny Elmo!

Elmo : Mahal kita Julie!

Julie : What?Mahal mo ako?Kailan pa Elmo?Sabi mo noon hindi mo ako gusto,ang labo mo lang!

Elmo : Oo sinabi ko sa'yo noon na hindi kita gusto kasi yung gusto at mahal magkaiba yun!Noon pa man hindi lang kita simpleng gusto,mahal na kita noon pa man,mahal na mahal!

Julie : (umiiyak na) Kung mahal mo ako noon pa,sana noon pa lang sinabi mo agad…

Elmo : Paano ko sasabihin kung sa tuwing sasabihin ko,lagi mo pinuputol mga sasabihin ko,puro ka conclusion.Tapos nagalit ka na agad at tumakbo,nilayasan mo pa ako!

Julie : (umiiyak pa rin)

Elmo : Ngayon Julie,tatanungin kita,papakasalan mo ba ako o itatanan na lang kita?

Julie : Itatanan?

Elmo : Kasi kung hindi kita makukuha sa Santong Dasalan,kukunin talaga kita sa Santong tanan!

Julie : (lumuluha pa rin) Paano ako magpapakasal sa'yo,bukod sa hindi naman kita boyfriend,hindi mo naman sinasabi sa akin na mahal mo ako,ni hindi ka din nagpo-propose.

Elmo : (pinahid luha ni Julie tapos lumuhod) yun lang pala eh,I love you Julie,I always do,I think Im fallen in love with you since nagka-isip tayo,mahal na mahal kita talaga.Will you marry me kahit hindi pa kita naliligawan?

Julie : Hmmmn,pag-iisipan ko muna. (sabay ngiti)

Elmo : Julie liligawan kita pagkatapos ng kasal natin basta sagutin muh din agad aq.Now will you marry me & be the mother of my child?

Julie : Child agad-agad?PBB Teens?

Elmo : (pout)

Julie : Haha kidding!I love you Elmo & I will marry you!

Elmo : (tumayo at nagtatalon) Yes!Finally magiging Magalona na din si Julie,magiging akin na talaga siya,magkakaroon na ako ng karapatan na pagbawalan ang ibang lalaki,babae,bakla at tomboy na tingnan siya at titigan…yahoo,Im the happiest man on Earth!

Sabay ng pagtayo nila at pagyayakapan ay bumaha ng mga fireworks.Pagkatapos ng maling akala at laging pag-cut ni Julie ng sasabihin ni Elmo ay sila pa rin sa huli,naitama din ang lahat at nagkatuluyan din sila.Sa ngayon ay may may 2 na silang anak,sina Julianne Moise at Jules Elmo.


Oh di ba ang bilis,may anak agad sila,2 pa…inspired ng PBB Teens at ni Bradley eh! :))

No comments:

Post a Comment