Friday, June 22, 2012

JuliElmo One Shot : Elevator

Julie : Hindi kayo bagay ni Lauren.

Elmo : Bakit naman?

Julie : Kasi hindi naman siya maganda,tingnan mo yung mukha niya.

Elmo : Dahil ba sa malaki ang gilagid niya at pati na yung mga mata niya,hindi na agad bagay sa akin?

Julie : Mahilig siya sa party,ang arte-arte pa,ang plastic!

Elmo : Sabi mo lang yun kasi ayaw mo sa kanya,nagseselos ka siguro?

Julie : Ako magseselos sa kanya?Bakit?

Elmo : Dahil may gusto ka sa akin. (ngumiti)

Julie : Ang kapal naman ng mukha mo,hindi kita type noh,never!

Elmo : Ows?

Julie : Ah ewan ko sa'yo,dyan ka na nga,lakas ng topak mo!


Umalis na si Julie at naiwan si Elmo na napabuntong-hininga na lang.Bata pa lang magkakilala na sila ni Julie pero hindi sila magkasundo,si Julie kasi yung tipo ng babae na hindi mo mapapasunod o mapapaniwala agad sa sinasabi mo,boyish ito,hindi naman niya masisisi ito kung ganun lumaki kasi halos lahat ng pinsan nito ay lalaki.


Elmo : Tulungan mo na kasi ako eh.

Lauren : Engot ka Elmo,hindi ko alam bakit pagdating sa kanya wala ka magawa.

Elmo : Eh kita mo naman ndi ako maka-bwelo,masyadong matapang naman kasi siya.

Lauren : Sabay kayong lumaki,hindi man kayo nagkakasundo nagkakausap naman kayo.

Elmo : Ok,sabihin na natin ganun pero paano ko ba sasabihin sa kanya na mahal ko siya at kung may pag-asa ba kaya ako?

Lauren : I cant believe you Elmo,halos mga babae na nga manligaw sa'yo at lahat sila naiwasan mo ng hindi nasasaktan pero kay Julie wala kang magawa?

Elmo : Eh kasi nga mahal ko siya at saka takot ako mabasted.Baka sipain lang ako nun pag nagtapat ako eh.

Lauren : Sigurado ako may gusto yun sa'yo,tingnan mo nga,sabi mo nilait ako at sinabing hindi tayo bagay.Ibig sabihin may gusto siya sa'yo.Pag lagi kang ganyan baka maunahan ka ni Kimpoy,ikaw din!

Elmo : Isa pa nga yung lalaking yun,kakainis siya,ginagamit niya ung tattaward para mapalapit sa Julie ko,feeling naman niya mananalo siya.

Lauren : Yun nga eh,bakit pinapayagan mo siya makalapit dun,dapat gwardyahan mo si Julie.Teka,kaibigan mo mga kapatid at pinsan niya di ba,malakas ka sa mga yun,tingin ko matutulungan ka nila!

Elmo : Eh paano kung hindi ako tulungan?

Lauren : Problema mo na yun.


Hindi na makatulog si Elmo kaka-isip kung ano ang gagawin niya kung paano magtatapat kay Julie.Oo mahal niya ito kaya nga lagi niya itong inaasar kasi para pansinin siya at success naman siya dun.Kaya lang torpe talaga siya kaya hanggang ngayon hindi pa siya nakakapagtapat dito.


Elmo :  Bukas talagang sasabihin ko na sa kanya ang nararamdaman ko,kaya ko to!


Kinabukasan maaga nagising si Elmo.Maaga siyang bumangon at gumayak,hindi na nakuhang kumain dahil gusto na niyang makita at makausap si Julie.Pinuntahan niya ito sa bahay ng mga ito.


Julie : Andito ka?Anong kailangan mo mahangin?

Elmo : (nauutal) M-may sa-sabihin ako sa'yo eh,ma-mahalagang bagay ito.

Julie : (nagtaray) Ano naman yun?

Elmo : (huminga ng malalim bago dire-diretsong nagsalita) Julie,matagal ko na to dapat sinabi kaso lang natotorpe ako kasi naman nakaka-intimidate ka,ang suplada mo kasi at ang taray,hindi tuloy ako maka-bwelo,pero kung hindi ko pa sasabihin ngayon baka maubusan na ako ng panahon at maagaw ka pa sa akin ng iba.Julie mahal na mahal na mahal kita,matagal na,sana mahal mo rin ako.

Julie : (natulala sa mga narinig)

Elmo : Ngayon nasabi ko na ang gusto kong sabihin,ano masasabi mo?

Julie : (nakabalik na sa reyalidad) Umuwi ka na Elmo.


Pagkasabi ni Julie ng ganun ay nagtatakbo na ito pataas papunta sa kanyang kwarto,naiwan si Elmo na laglag ang balikat.


Elmo : I knew it,basted ako.

Alex : Akala mo lang yun.

Elmo : (nagulat) Kuya Alex,ikaw pala,narinig mo lahat?

Alex : Yup,lahat-lahat and I assure you Elmo,the feeling is mutual.

Elmo : Paano nyo naman nasabi?

Alex : Eh ikaw lang naman bukambibig niyan dito,ndi ko nga alam bakit pagdating sa'yo ang taray-taray niya at saka ikaw lang pinapayagan niya lalaki pumunta at makapasok dito sa loob ng bahay namin.

Elmo : Talaga po?

Alex : Oo nga.Gusto mo ba talaga siya mapasagot?

Elmo : Syempre kuya,mahal ko kapatid mo eh.

Alex : Pasalamat ka dahil ikaw din ang gusto ko para sa kanya kaya tutulungan kita.Ganito gawin mo...


Binulong ni Alex kay Elmo ang dapat nitong gawin at nagplano na sila.Napapangiti naman si Elmo sa naisip ni Alex,kahit kailan hindi niya kasi naisip gawin yung sinabi nito.


Elmo : Sandali!


Sumigaw na si Elmo kasi nakita niya magsasarado na ang pinto ng elevator.Pagpasok niya at pagsarado ng pinto si Julie ang naabutan at nakita niya,as in silang dalawa lang sa loob ng elevator.


Julie : (tahimik lang)

Elmo : (tahimik din)

Julie : (siya na unang nagsalita) Ah Elmo...

Elmo : (umimik na din) Ah Julie...


Hindi natuloy ang sasabihin dahil tumigil ang elevator.Sa takot ni Julie napayakap siya kay Elmo,napangiti naman si Elmo dahil dun,at hindi yun nakaligtas sa mga mata ni Julie.


Julie : Plano mo to noh?!

Elmo : Sandali,hindi ganito -----

Julie : I know you,hindi ka talaga dapat pagkatiwalaan,plano ko pa naman na sagutin ka tapos ganito ang gagawin mo?

Elmo : Hindi sa ganun Ju ---- anong sabi mo,sasagutin mo na ako?

Julie : Sana! Kaya lang nagbago ang isip ko,ang sama-sama mo,i-text mo na kung sino herodes na inutusan mo para mag-stack tayo dito!

Elmo : Pero wala ako dalang cellphone!

Julie : What?Letse,hindi ko din nadala CP ko,paano gagawin natin,kasalanan mo to eh!

Elmo : Julie hindi ganito,makinig ka naman kasi sa akin,yung kuya mo kasi sabi ----

Julie : At idinamay mo pa ang Kuya Alex ko dito!

Elmo : Eh un naman talaga totoo,sabi niya para mapasagot kita ----

Julie : Wag ka imbento ng kasinungalingan,hindi ako makikinig sa'yo!

Elmo : Ah ganun,kung ayaw mo makinig at hindi ka madaan sa santong dasalan... (lumapit kay Julie)

Julie : (natakot,umurong hanggang sa mapasandal na sa pader) Anong gagawin mo?

Elmo : Isang tanong isang sagot Julie,mahal mo ba ako?

Julie : Elmo kasi...

Elmo : Mahal mo ba ako o hindi? (sumigaw na)

Julie : (natakot) Oo!

Elmo : Ibig sabihin sinasagot mo na ako?

Julie : Hoy,sinabi ko lang na oo mahal kita pero ndi pa kita sinasagot,hindi ka pa nanliligaw ah!

Elmo : Hindi na kailangan yun,mahal mo naman din ako eh.

Julie : Dalagang Pilipina kaya ako!

Elmo : Ah ganun?Eh paano kung halikan kita ngayon?

Julie : Wag mong masubok-subukan kung ayaw mo makatikim ng halik sa kamao ko!

Elmo : Ayos lang,nakahalik naman!

Julie : Wag mo ako su ----


hindi na naituloy ni Julie ang sasabihin niya dahil tuluyan ng naisarado ng mga labi ni Elmo ang mga labi niya.Pilit siyang nanlalaban pero habang ginagawa niya yun,lalo naman humihigpit ang yakap sa kanya ni Elmo,pati halik nito ay dumidiin din.Wala na siya nagawa kundi tugunin ang halik nito.Natigil lang sila ng biglang umandar ang elevator.


Elmo : Sarap nun,owow moment!

Julie : Kainis ka,magnanakaw ng halik!

Elmo : Bawi lang tayo,ninakaw mo din naman ang puso ko eh.

Julie : (kinikilig) eeeeeh naman Elmo eh...

Elmo : Pssst wag ka nga maingay,baka may makarinig sa atin at gayahin pa style ko.Basta girlfriend na kita hah?

Julie : As if my choice pa ako,you stole my first kiss kaya!

Elmo : And I will stole your second kiss! (sabay smack kay Julie)

Julie : Ikaw talaga,tara na nga,nakakarami ka na!

Elmo : Tara na talaga,baka kasi kung ano pa magawa ko sa'yo dito sa loob ng elevator,nag-promise pa naman ako sa Kuya mo.

Julie : Anong promise mo?

Elmo : Na papakasalan muna kita bago kita mabuntis!

Julie : Mga walangya kayo! (pero nakangiti)

Elmo : Mga gwapo naman!

Julie : Oo na lang!


At masaya na sila lumabas ng elevator.Sa wakas sila pa rin kahit nahirapan si Elmo na paaminin si Julie.


No comments:

Post a Comment