Tuesday, June 12, 2012

One Shot : JuliElmo Love in FF Style :))


Ngiting-ngiti si Elmo habang may binabasa sa cellphone nea.Maya-maya napalingon siya kasi narinig niya ang tawa ni Julie.Bigla siyang nainis at nawalan ng gana basahin pa yung mga nakasulat sa CP niya ng makita niya ang dahilan ng paghalakhak ni Julie.


Elmo : hmmn,hindi pwedeng laging ganito,I think I need to make my move bago pa mawala ang kaligayan ko.


Kinuha muli ni Elmo ang CP niya at nagpipindot ng mga numero.

*phone convo*

Lauren : Hello?

Elmo : Hello Lauren?

Lauren : Oh Elmo,napatawag ka? May kailangan ka ba?

Elmo : Oo,magkita tayo mamayang gabi sa Shang,may sasabihin ako.

Lauren : Sure! Sunduin mo ako?

Elmo : Di ba kakasabi ko lang na sa Shang tayo magkikita? Malamang hindi kita susunduin! Para ano pa at may driver ka,anong silbi niya?

Lauren : (natahimik kase napahiya) Ok. Ah Elmo ------

Hindi na naituloy ni Lauren ang sasabihin dahil tutot na lang ang narinig niya.Pinagpatayan na siya ni Elmo ng CP.


*Fast Forward Na Natin*

Elmo : Oh Lauren kanina ka pa?

Lauren : Oo,mga isang oras na.

Elmo : Aga mo naman,masyado kang excited.

Lauren : Xiempre ikaw kikitain ko eh.Order na tayo.

Elmo : Ah kahit wag na,may sasabihin lang naman ako sa'yo eh.

Lauren : Ano ba yan at parang napaka-importante ata?

Elmo : Oo importante talaga to dahil dito nakasalalay ang aking kaligayahan.

Lauren : (kinikilig) Anong ibig mong sabihin?

Elmo : Lauren,break na tayo,ayoko na,napilitan lang naman ako ligawan ka kase nakiusap sa akin ang Ate Meagan mo,wala daw kase nanliligaw sa'yo.

Lauren : Elmo….

Elmo : Goodbye Lauren,pahatid ka na lang sa driver mo,anyway bagay kayo,parehong malaki ang mata at gums niyo.


Tumayo na si Elmo at lumakad papunta sa pintuan ng restaurant.Dali-dali naman tumayo si Lauren at humabol kay Elmo.Pagbukas ni Elmo ng pinto ng restaurant ay nagulat siya.


Elmo : Julie?

Julie : Oh hi Elmo,you're here pala.

Elmo : Sino kasama mo?

Julie : Si Alden.

Elmo : Si Alden?

Alden : Hi Elmo.

Elmo : Kayo lang ni Julie ang magkasama?

Alden : Yup.

Lauren : Elmo wait!

Elmo : Swap tayo ng partner Alden.

Hindi na hinintay ni Elmo ang sagot ni Alden.Basta na lang niya hinawakan ng mahigpit sa kamay si Julie at itinakbo.Sa gulat naman ni Alden,hindi na siya nakahabol dahil na din sa pagkatulala at bilis ng mga pangyayari,ganun din si Lauren.

Takbo ng takbo si Elmo hila si Julie na mabuti na lang naka-flat sandals noon.Nang mapagtanto ni Elmo na malayo na sila at hindi naman sila hinahabol  ng dalawa ay tumigil na sila sa pagtakbo,parehong hinihingal.


Elmo : Julie…

Julie : (sinampal si Elmo,galit) Bakit mo ba ako hinila?

Elmo : Eh kase kasama mo si Alden,tapos kayo lang dalawa yung magkasama,alangan naman payagan ko yun.

Julie : At sino ka para pigilan ako sumama sa kanya?

Elmo : Ako lang naman si Elmo,ang partner at ka-loveteam mo,at ginawa ko lang naman to kase to yung nabasa ko dun sa -------

Julie :  Nabasa mo saan?

Elmo : Nabasa ko dun sa mga FF ng JuliElmo na sinesend  ng fans natin,buti pa dun happy ending  love story natin,eh xiempre dahil si SuperElmo ako,alangan naman magpatalo ako sa FF,dapat sa tunay na buhay happy ending din.

Julie : At bakit mo naman sinusunod yung mga nakasulat sa FF?

Elmo : Eh kase nga mahal kita Julie! Kaya lahat gagawin ko,maging akin ka lang!

Julie : At paano si Lauren?

Elmo : (ngumiti) Wala yun,niligawan ko lang naman yun dahil nakiusap Ate niya sa akin.Ayaw ko naman talaga dun kaya nakipag-break na ako.Hindi ko na kase ma-take  yung mga lagi kong nakikita na ung ibang  kapwa q lalaki na kasamahan natin sa Party Pilipinas eh aali-aligid sa'yo,kaya eto gumawa na ako ng move.Mahal kita Julie.Mahal na mahal.

Julie : Eh kung ayoko? Paano kung hindi naman kita gusto?

Elmo : Mamili ka Julie, magiging iyo ako o magiging akin ikaw? Yan lang pagpipilian mo!

Julie : (ngumiti) Sigurista ka din eh noh,wala naman akong choice dun eh.Sa iyo pa rin ang bagsak ko.

Elmo : Buti alam mo.So tayo na?

Julie : ligawan mo muna ako!

Elmo : What?Hindi ba pwedeng tayo na ngayon?

Julie : Pwede naman.Pero bukas break na tayo.

Elmo : Sabi ko nga liligawan kita.I love you Julie.

Julie : I love you too Elmo.Pero ligawan mo muna ako.Sasagutin din naman kita pagkatapos ng tatlong araw eh.

Elmo : Yun yun eh!


Tapos nagyakapan na sina Elmo at Julie,sa wakas happy ending sila at together forever na din.

( Gusto niyo malaman kung ano na nagyari kina alden at Lauren? Well hindi sila ang nagkatuluyan noh,may taste kaya si alden,may nakilala siya at sila ay nagkagustuhan.At eto naman si Lauren masyadong masunurin kay Elmo,siya na nanligaw sa driver nila,sa kasalukuyan hindi pa siya sinasagot ng driver,pag-iisipan pa daw at si Lauren ay matiyagang naghihintay sa mahal niyang driver.)

No comments:

Post a Comment