Tuesday, June 19, 2012

BF - BestFriend or BoyFriend?

Lauren : hoi panget,pwesto ko yan,umalis ka dyan!

Parang walang narinig yung nakaupo na patuloy lang pakikinig ng music sa Ipod niya.

Lauren : (hinampas yung nakaupo) Alis sabi eh!

Julie : (pinatay Ipod) Ako ba pinapaalis mo?

Lauren : Sino pa ba?Ikaw lang naman naka-upo dyan,ikaw lang panget na nakikita ko lagi!

Julie : Ako panget?

Lauren : Oo,at saka ang taba mo!

Julie : (Kumuha ng salamin tapos tinapat sa mukha ni Lauren) Yan ang tunay na kahulugan ng panget!

Lauren : Aba't ----

Julie : (pinutol sasabihin ni Lauren) At anong sinasabi mong mataba?Ang payat ko nga eh,ikaw kaya ang mataba!

Lauren : Hindi ako mataba,ikaw yun!

Julie : Ikaw ang mataba,tingnan mo nga ang balakang mo,ang lapad,hindi pa proportion,para kang lalaki!

Lauren : Ikaw somosobra ka na!

Julie : Ikaw ang somosobra! Alam ko naman kung bakit ka nagagalit sa akin eh,kase hindi ka na ulet pansinin ni Magalona,sabagay sino bang papansin sa babaeng napakalaki ng bunganga pati mata,tingnan mo nga sarili mo sa salamin!

Lauren : Ang sakit mo magsalita ah!

Julie : Ikaw ang nauna,binawian lang kita,dyan ka na nga,wala kang kwenta kausap!

At umalis na nga si Julie,iniwan nanggagalaiti si Lauren.Nagpunta si Julie ng room kung saan naghihintay sa kanya si Elmo.

Elmo : Balita ko nag-away na naman kayo ni Lo ah.

Julie : Ah yun ba,nakakainis kase eh!

Elmo : Sana hindi mo na lang pinatulan,alam mo naman na walang breeding yun eh.

Julie : Aba alangan pabayaan ko yung EX mo na yun,ndi ako papayag na awayin niya lang noh,ewan ko ba sa'yo kung ano nagustuhan mo dun!

Elmo : Hoy Julie,isang linggo ko lang yun naging GF at alam mo kung bakit ko siya naging girlfriend.

Julie : (natatawa) Bakit nga ba? Nakalimutan ko na kz dahilan eh.

Elmo : (napangiti na din) Di ba ikaw nagpasimula nun,ang sabi mo ipapamalita mo bakla ako pag hindi ko siya niligawan at ndi naging GF ng isang linggo,ikaw pa naman pag nagsalita na,ginagawa mo nga at ang mga tao naman dito sa school paniwala agad sa'yo.Wala tuloy ako choice kundi pagtiyagaan kasama siya ng isang linggo!

Julie : Ha! Ha! Ha! Natatawa nga ako sa'yo noon eh,isang linggo kita pinagtawanan kz hindi lagi maipinta mukha mo haha!

Elmo : (humarap kay Julie) Akala mo ba papalampasin ko yung ginawa mo?Hindi noh!Pagbabayaran mo yung ginawa mong yun!

Julie : (biglang kinabahan kase sobrang seryoso ni Elmo) Anong ibig mong sabihin Elmo?

Elmo : Pinahirapan mo ako ng isang linggo,pahihirapan din kita!

Julie : (napalunok) Teka Elmo hindi ko naman sinasadya yun eh,ikaw kase lagi mo na ako niloko kaya ko lang nagawa yun!

Elmo : Kahit ano pa dahilan mo ndi ko tatanggapin,kahit mag-sorry at lumuhod ka pa dyan,wala ka din mapapala,isang linggo din kitang pahihirapan.

Julie : Anong klaseng pahirap yan?Letse Elmo,ayoko ng lokohan hah!

Elmo : (ngumisi) Magpapanggap ka lang naman na girlfriend ko.

Julie : Ano?!

Pag-uwi ni Julie ng bahay inis na inis siya,hindi niya alam kung paano siya napapayag ni Elmo sa "deal" na yun,pinagsisisihan tuloy niya nagawa niyang pangti-trip dito.

Julie : Nakakainis ka talaga Elmo,kung hindi lang kita bestfriend!

Kinabukasan,pagbaba ni Julie mula sa kanyang kwarto para pumasok ay nagulat siya sa kanyang nakita sa sala.

Julie : Anong ginagawa mo dito peste ka!

Elmo : (nakangiti) Sinusundo ang GIRLFRIEND ko.

Julie : (inis) Wag ka nga maingay dyan,baka marinig ka nila,maniwala pa sila sa'yo lalong mapa-aga pag-aasawa ko!

Elmo : Mapa-aga pag-aasawa?Bakit naman?Tinawag lang kita na girlfriend ko eh. (pinagdiinan yung girlfriend,nakangiti pa rin)

Julie : Alam mo naman na gustong-gusto ka nila,yung parents natin gusto tayo magkatuluyan tapos ganyan ka pa,hindi ko feel!

Elmo : Ouch,sakit noon ah!Ayaw mo ba sa akin?

Julie : Tae ka ba?Kita mo nga mag-bestfriend tayo pero araw-araw tayo magka-away,ndi ko nga alam bat tayo naging mag-bestfriend eh!

Elmo : Ikaw lang naman lagi nag-aaway sa akin eh at saka FYI girlfriend na kita ngayon...GIRLFRIEND!

Julie : Tara na nga,walang mangyayari maganda sa usapan na to!

Pagdating sa school,gulat na gulat ang mga nakakasalubong nila sa kanila.Sanay naman sila na makita ang dalawa na magkasama at magkasabay pero iba ngayon kase magkahawak-kamay ang dalawa.Kahit anong higit ni Julie eh ayaw siyang bitiwan ni Elmo,sa malas lalo pa nito hinigpitan hawak sa kamay niya at umakbay pa.

Julie : (pabulong) Bitiwan mo nga kamay ko Elmo.

Elmo : (bulong din) Ayaw.

Julie : Ndi mo talaga bibitawan?

Elmo : Hindi.

Julie : Eh di kung ayaw mo....eh di ganito na lang tayo maghapon!

Elmo : Okay yun saken,sa buong klase ganito tayo hah?

Julie : Elmo,para kang bata!

Elmo : Tama,pwede na tayo gumawa ng bata! (smile)

Julie : Ewan ko sa'yo!

Sa buong maghapon hindi talaga binitawan ni Elmo ang kamay ni Julie,walang pakialam kahit magpawis na yun,ni hindi makapag-banyo si Julie kase ndi nga bitiwan ni Elmo,pati sa pagkain holding hands pa rin sila.

Julie : Baka naman pde mo na bitiwan ang kamay ko,tapos na ang klase ah!

Elmo : Bakit tapos na ba ang maghapon?

Julie : Pero ----

Lauren : Anong ibig sabihin nito?

Elmo : Ano ba nakikita mo?Bulag ka ba?

Lauren : Bakit kayo magka-holding hands?Di ba bestfriend lang kayo?

Julie : Lauren,kahapon ----

Elmo : Lauren,kahapon yun,ngeun girlfriend ko na siya at wala na ako plano pakawalan siya,kaya pde magtino ka na?tigilan mo na ako pati si Julie.

Lauren : (paiyak na) Elmo,paano tayo?

Elmo : Wala naman tayo eh,ang totoo hindi naman talaga kita gusto,napilitan lang ako dahil may nag-blackmail sa akin,wag mo na itanong kung sino,lalo ka lang masasaktan.

Lauren : (umiiyak pa rin) Ano pa nga ba magagawa ko,alam ko naman sa simula pa lang,siya na talaga yung gusto mo.Congrats Julie pati na sa'yo Elmo,bagay kayo!

Julie : Ano kase Lauren ----

Elmo : Thank you Lo,makakahanap ka din ng para sa'yo.

Lauren : Sana nga.Sige una na ako sa inyo.

At umalis na nga si Lauren,naiwan si Julie at Elmo.Si Julie naguguluhan sa mga narinig kay Lauren.Si Elmo tahimik lang,hindi alam anong sasabihin at kung paano magpapaliwanag kay Julie.

Julie : Una na ako. (sabay lakad)

Elmo : No.Ihahatid kita.

Julie : Elmo...

Elmo : Mamaya pagdating sa bahay ninyo mag-usap tayo.

Tahimik lang sila sa byahe hanggang makarating ng bahay nina Julie.

Elmo : Julie...

Julie : Hmmn?

Elmo : I guess kailangan ko ng umamin?

Julie : Anong aaminin mo?

Elmo : Yung damdamin ko sa'yo.

Julie : Damdamin mo sa akin?

Elmo : Oo kasi Julie matagal na kitang mahal. (yumuko)

Julie : May nagtatapat ba na hindi makatingin,hindi naman ata totoo eh.

Elmo : (biglang tunghay) Mahal kita Julie,mahal na mahal.Mga bata pa lang tayo itinanim ko na sa isip ko na ikaw lang yung nag-iisang babaeng gugustuhin ko,na ikaw lang magmamay-ari ng puso ko.At alam yun ni Lo,kaya nga siya laging galit na galit sa'yo kase sinabi ko sa kanya na ikaw lang mahal ko.

Julie : (ngumiti) May pupuntahan ka ba?Ang bilis mo naman magsalita,hindi ko naintindihan eh.

Elmo : Sabi ko mahal kita,mahal na mahal kita. (mahinang sabi niya)

Julie : Ano kamo,hindi ko talaga marinig.

Elmo : Mahal kita Julie. (halos pabulong ulet)

Julie : Paano ko maririnig eh sa sarili mo lang naman mo sinasabi?

Elmo : (sumigaw na) Sabi ko mahal kita,mahal na mahal na mahal kita!

Julie : (tumahimik)

Elmo : Alam ko naman na hindi mo ako magugustuhan eh,kasi iba yung type mo at saka lagi mo ako inaaway kaya alam ko hindi mo ako mamahalin pero sana ----

Julie : Mahal din kita Elmo. (nakangiti)

Elmo : ---- Sana kahit konti bigyan mo ako ng ----- Anong sabi mo?

Julie : Sabi ko mahal din kita. (smile)

Elmo : Totoo?

Julie : Oo nga,mahal kita,dinadaan ko lang sa pakikipag-away kase ayokong kiligin pag kasama kita,baka mapansin mo tapos daanin mo lang ako sa biro...

Elmo : Mahal na mahal kita talaga Julie. (sabay yakap kay Julie) Ikaw lang mamahalin ko,pagdating ng tamang panahon at nasa tamang edad na tayo,pakakasalan na kita,baka kase ligawan ka pa ng iba.Kaya nga kita pinagpanggap na girlfriend ko kase para lumayo na si Lo sa akin at syempre para hindi ka na din malapitan ng Dennis,Richard at Dingdong na yun...lalo naman yung si Alden...sobrang asar ako dun kase kung maka-porma akala mo kung sino.

Julie : Ikaw talaga,nagseselos ka sa mga yun eh ikaw lagi ko kasama?

Elmo : Eh crush mo kaya yung mga yun,paano ako hindi magseselos?

Julie : Sila crush lang,ikaw Mahal ko,dun pa lang panalo ka na.

Elmo : Dahil dyan,kiss mo ako! (sabay pout)

Julie : may patago ka palang kiss,bat ndi ko alam yun?

Elmo : Kiss na kase!

Julie : Ayoko nga,baka makita tayo nina Ya-----

Ndi na natapos sasabihin kase kiniss na agad siya ni Elmo sa lips,walang nagawa si Julie kundi tugunin yun.Hindi pa sana matatapos yun kung hindi sila nalaglag sa sofa.

Julie : Aray,ikaw talaga Elmo kahit kailan panira ka ng araw!

Elmo : Ok lang,naka-kiss naman!

Julie : (napangiti) Naisahan mo ako dun hinayupak ka!

Elmo : Nag-enjoy ka din naman!

Julie : Gago!

Elmo : Isa pa,pde?

Julie : Ayoko nga,somosobra ka na,umuwe ka na!

Elmo : Isang kiss muna.

Julie : Umuwe ka na,tapos ang usapan!

Elmo : (bumubulong) Aalis ako tapos wala man lang goodbye kiss,ano kaya yun,girlfriend ko naman siya ah.

Julie : (natatawa tapos lumapit kay Elmo) Para kang engot dyan,bumubulong,pakinig ko naman,oh eto na kiss mo (sabay smack) uwe ka na ok,geh akyat na ako.

Tumalikod na si Julie para sana umakyat kaso hinila siya ni Elmo,pagharap niya dito,diretso nag-landing sa labi niya ang labi ni Elmo,siniil siya nito ng halik,as usual nanghina na naman siya at tinugon na lang halik nito.Pareho sila naghahabol ng hininga ng bitiwan siya ni Elmo.

Elmo : Gotcha!Goodnight Baby,mwaah!

Pagkatapos ay mabilis na itong umalis.Naiwan si Julie napapa-ngiti na lang.


No comments:

Post a Comment