Saturday, April 28, 2012

” Age Doesn't Matter” ♥ ♥ ♥



Ako si Julie,23 years old & I love Basketball…akalain ko bang dito ko makikita at makikilala ang one true love ko?




Its summer time again at nagsimula na naman ang pa-liga sa barangay,maraming tao na nanonood kabilang na ako,palingon-lingon ako sa mga players & one caught my attention…


”aw Orange,my favorite color…pero teka bakit yung bagong mukha andun at isa sa mga players,ay naman sa favorite color q pa siya napaline-up,ay uu nga pala crush q nga pala siya haha…naman destiny ata na sa kulay orange siya mapasali…”


Tuwing may laro sila pinapanood ko at syempre lagi ako nagche-cheer…oh my haha!Tapos nalaman q pinsan pala xa ng close friends ko,aw naman buti hindi ko naikwento…


To make the story short,pinagkilala nila kame & Boom nag-click agad,naging BestFriend q siya,nga pala,siya si Elmo 20 years old,uu na,mas matanda ako sa kanya ng tatlong taon pero keribels ba basta naging close kame,halos araw-araw na nga kame yung magkasama at magkatabi sa court pag wala sila games…


Ang saya na sana namin eh kaso may isang na-epal,si Lauren,17 years old,may crush siya kay Elmo at gagawin niya lahat para mapansin siya nito kaso lang wala siya laban sa akin,kase naman ako close sa family ni Elmo,siya hindi,FC lang siya haha…minsan isang beses nauna si Elmo sa may Basketball court,naupo na agad siya sa bench at pinagpwesto na ako,while he’s sitting there & texting me,someone sits beside him,its Lauren,ayaw man niya paalisin wala siya magawa,gentleman siya eh…nang dumating ako sa court nakita ko sila magkatabi,kita ko sa mukha ni Elmo ang boredom at inip so I texted him telling that Im already there,nakasandal sa may pader…nakita ko napangiti siya ng mabasa niya yung text then look at my place,he smiled…then nung patayo na siya tinanong siya ni Lauren kung saan siya pupunta,sabi niya sandali lang daw…akalain ninyo ba naman na nagpunta sa tabi ko at sumandal na rin sa pader,mas pinili niyang tumayo at makasama ako kesa sa nakaupo na hindi naman niya feel yung katabi niya…I saw Lauren’s reaction when she saw Elmo heading on my side…ay panalo,iritang-irita siya pero wala naman magawa…


Months pass & were super close na…kahit umalis na siya at bumalik na ulet sa mismong lugar nila,hindi pa rin kame nagkakalimutan,we always texted each other,pati sa FB kame pa din magkausap & even Skype haha!


Sa sobrang close namin na-fall ako sa kanya,syempre hindi ko un aaminin,hanggang sa dumating ulet yung summer at nag-bakasyon ulet siya,tulad ng dati kame na naman ang magkasama lage hanggang sa hindi ko na makaya,tuluyan na ako nahulog sa kanya…so ang ginawa ko iniwasan ko siya,hindi muna ako naglalabas ng bahay at kahit magpunta siya sa bahay namin hindi ko siya nilalabas,he’s always texting me & asking me Why im acting like that but ndi ko siya nireplyan,kahit tawag niya hindi ko sinasagot…alam ko pa rin naman nagyayari sa kanya kase kinukwento ng mga pinsan ko…


Hanggang sa inaya ako ng pinsan ko na manood ng basketball,pumayag ako kase akala ko umuwe muna siya sa kanila kase may kukunin daw mahalaga,akalain ko ba naman na babalik din siya nung hapon,while watching basketball ang saya-saya ko nakikipagchika sa mga pinsan ko with headphone sa ears (nakikinig ng music),wala ako kamalay-malay andun na siya sa committee at nag-speech na dun na kapag ndi ko pa daw siya kinausap eh pasensyahan na lang kase may bagay siyang magagawa na hindi ko gusto…eh kaso nga ndi ko naman narinig kaya akala niya deadma lang ako,ndi naman kase ako lumilingon,nakatalikod ako ng bigla na lang may humawak sa braso ko,pagtingin q si Elmo pala,sobrang gulat ko na wala akong nagawa ng parang sako niya akong binuhat at inuwe sa bahay ng lola niya…(takte kame lang tao dun!) Dinala niya ako sa isang kwarto at ini-lock niya yung pinto ng magkasama kame,ang sabi niya hindi niya ako papalabasin hanggang hindi kame nagkaka-ayos…


So I have no choice kundi aminin sa kanya ang totoo,na mahal ko na siya at kaya ako umiiwas kase mas bata siya sa akin at hindi ko talaga feel pumatol sa mas bata sa akin,may pag-iyak pa ako…sa lahat ng sinabi ko tinawanan niya lang ako…ang galit ko,sa sobrang galit ko pinaghahampas ko siya sa dibdib habang umiiyak pa rin ako…pinigil niya yung kamay ko kaso ndi niya mapigilan so ang ginawa niya na lang he kissed me on my lips,ayun napatigil tuloy ako sa kakahampas at natulala na…nang natapos yung kiss ngumiti siya sa akin then kinuha niya yung mga kamay ko tapos sabi niya…


”Mahal din kita Julie,pinigilan ko lang kase ayoko masira friendship natin,kaso wala eh,yung puso ko na rin ang nag-rule sa utak ko,habang hindi kita kasama para na akong baliw kaka-isip sa'yo,na baka may ibang lalaki makasingit at maging close mo kaya nagdesisyon ako na pagbalik ko dito liligawan na kita,kaso ikaw naman yung umiwas…sa ginawa mo para mo na akong pinatay,you leave me no choice kundi gawin ito…mahal kita Julie,mahal na mahal…actually kaya ako umuwe kanina eh dahil sinundo ko parents ko para ipakilala ka…wag ka ng umiyak…”




Akalain mo yun kahit mas matanda ako sa kanya ng tatlong taon kami pa rin ang nagkatuluyan,akalain ko ba naman na both family namin boto pala para sa amin haha…ayun ngayon ang saya-saya na namin,lage na ulet kame magkasama sa court at ilang months na lang ikakasal na kame…


= THE END =